x-7-x

1 0 0
                                    

"Akyat na ako Dad." paalam ko kina Daddy na ngayon ay nag-iinoman kasama yung bisita namin. Umuwi na din si Ate Eunice matapos niyang kumain at sinabihan niya ako na ipapakita niya bukas yung drawing niya. Napatango na lang si Daddy sa akin at nagpatuloy na sila ng kaibigan niyang magkwentuhan ulit. Pagkatayo ko ng upuan ay maingat ko din inayos yun at inurong palapit kina Daddy.


"Mga kasambahay na diyan ang mag-aayos. Umakyat ka na at mag-aral." bilin sa akin ni Daddy at tumango na lang ako at naglakad papasok ng bahay at naabutan ko namang pababa ng hagdanan si Dianne.

"Wala na si Ate Eunice?" tanong niya sa akin at tumango naman ako sa kanya.

"Nakakahiya siya!" dagdag pa niya at dumeritsyo na lang ako patungo sa kwarto ko. Nakauwi na kaya si Maxine?

Matapos kong maligo ay agad ko din inopen ang laptop ko para makaonline kaso, hindi online si Maxine. Siguro nga't madami silang ginagawang order ngayon, sana pala pumunta muna ako sa kanila para makatulong ako.

Max, nakauwi ka na? Kamusta naman ang paghahanda niyo sa mga kakanin? Huwag mong pagodin ang sarili mo at may pasok pa tayo bukas, baka sa sobrang pagod mo niyan baka hindi ka makapasok at baka mamiss mo din yung kagwapuhan ko. Tulog ng maaga ha. I love you Max.

/ Sent

Napabuntong hininga ako at hinintay ang reply ni Maxine pero hindi pa din siya online, baka bukas na niya mababasa yung message ko. Oo pala, hahanapin ko yung screen name niya sa page, nacucurious kasi ako kung anong nilagay niya. Pagkaopen ko ng page ay agad din bumungad sa akin yung mga screen names ng highschool student dahil nakapin lang ito sa page. Pero parang hirap namang malaman kung nasaan dito yung screen name ni Maxine, hindi ko din alam kung babae o lalaki yung may-ari ng screen name. Halos matapos mascroll ko na ang post ng page pero hindi ko pa din maramdaman yung screen name ni Maxine. Biglang naninkit ang mata ko ng mabasa ang isang screen name na nakapagtaas ng dugo ko. Aba! Sobrang kakaiba naman ata ng screen name niya, wala ba itong jowa? Baka naman nabubusted siya palagi kaya ganyan yung screen name o kaya sadyang maarte lang siya kaya wala siyang jowa. Hindi ba niya kami kilala ni Maxine? Hindi ba niya nasundan yung lovestory naming dalawa kaya siya ganyan kabitter? Transfer lang ba ito? Tinaas ko ulit ang pagscroll ko at tinignan isa-isa yung mga screen name, lahat sila tungkol sa favorites nila at sarili nila, pero itong isang ito? San bang lupalop niya nakuha ang screen name niya? Kinuha ko ang papel at ballpen ko at tinignang mabuti ang screen name na sumira sa ganda ng mga screen name ng iba.

From: xBunnyx1227999
9:15 p.m, June 20, 2017
(Tuesday)

Hi there bitter girl/boy pero i think talaga babae ka na iniwan ng jowa kaya ka bitter. Ewan ba at bakit ang screen name mo ganun, well ganyan talaga siguro pag hindi man lang naranasan makahanap ng The One, like me huh! 4 years na kami ng girlfriend ko nho! So.... May 4ever talaga sa mundo. Ako lang ha, ayoko ng away and pwede, palitan mo naman yang screen name mo, masakit sa mata sa page ng University.

x-x

~.walang_forever.~ sinong tao naman ang nakagawa ng ganitong screen name.

***

"Ate Eunice!" tawag ko sa pinsan ko habang naglalakad siya papunta sa amin na nakatingin sa notebook niya, madadapa siya niyan eh. Napakamot ako ng ulo at ako na ang lumapit sa kanya para matigilan siya sa magtingin sa notebook niya.


"Ate Eunice!" tawag ko siya nang bigla siyang madapa, sinasabi na nga ba eh.

"Aray!" reklamo niya at napatingin naman siya sa akin.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon