6,811 days
December 29, 2017
Napatigil ako sa pag-aayos ng silungan namin ni Ate Eunice dito sa may burol nang magring ang cellphone ko na nakalagay sa picnic mat kung saan nakahiga ngayon si Ate Eunice na kanina pa nagtitingin sa mga trending fashion clothes para sa susunod na taon
“Ate Eunice, paabot naman ng cellphone ko oh!” suyo ko sa kanya habang hinahawakan ko pa din ang telang binili namin ng pinsan ko sa mall para ilagay dito sa may burol at mapagsilungan namin tuwing tumatambay at tumatagay kami dito.
“Yung demonyitang kapatid mo lang naman ang tumatawag and as far as I know, magpapasama lang naman siya sa Mall tapos ako ang maiiwan dito na magbantay!” pagrereklamo ng pinsan ko sa akin, hindi naman ako pwedeng magreklamo sa kanya kasi nagpapasama lang ako na tumambay dito para hintayin si bitter pero apat na ang araw na ang nakalipas wala pa din siya. Binitawan ko ang hawak kong tela na nahulog kay Ate Eunice na ngayon ay galit na galit sa ginawa ko.
"Sa ayaw mong iabot ‘tong cellphone ko eh.” tugon ko sa pinsan ko na inaalis ang tela sa katawan niya.
“Sagutin mo na nga lang yan, nakakarindi na sa tenga!” kunot noong utos sa akin ni Ate Eunice at nagmake face naman ako sa kanya para mas lalo siyang maasar sa akin.
“Ang pangit mo!” nandidiring sabi sa akin ni Ate Eunice at ibinato pa sa mukha ko yung unan na kinuha niya sa kwarto niya. Mabuti naman at maayos na ang pinsan ko at hindi na niya ulit binaggit yung boyfriend niya matapos noong Christmas at base sa kinikilos niya ngayon, mukhang hindi din niya naalala ang mga pinagsasabi niya noong nalasing siya.
“O! Anong tinitingin-tingin mo diyaan ha! Sagotin mo na yan kung ayaw mong ako ang sumagot sa tawag ng kapatid mo!” banta sa akin ng pinsan ko at napatingin naman ako sa caller sa may screen ng cellphone ko, si Daddy na ang tumatawag.
“Sige, ikaw na ang sumagot!” utos ko kay Ate Eunice at inabot ang cellphone ko at basta-basta na lang niya din itong hinablot ang cellphone ko at sinagot ang tawag ng hindi na binabasa kung sino ang caller.
“Hello! Alam mo nakakarindi ka na! Tawag ka nang tawag! Ano ba ang kailangan mo ha babae ka!” nanlaki ang mga mata ko nang isigaw iyon ng pinsan ko sa Daddy ko, pilit kong inabot ang cellphone ko na hawak ni Ate Eunice pero nililihis niya lamang ang kamay ko at bigla naman siyang natigilan sa paglayo sa cellphone ko.
“Ah sige po Tito.” sagot ni Ate Eunice sa Daddy ko at nanginginig na inabot niya sa akin cellphone ko at gulat na gulat nang marinig ang boses ng katawag niya. Napatingin naman ako sa phone ko na naend na ang call at nakarecieve din ako ng text galing kay Dianne.
From: Dianne
Kuya pakisabi sa kasama mo na huwag parating high blood ha.Text sa akin ni Dianne na tinutukoy ang pagsigaw ni Ate Eunice sa Daddy namin.
“Umalis ka na dito. Pumunta daw kayo sa Mall ngayon para magshopping. Kung hindi ka daw pupunta baka hindi ka na palabasin sa bahay niyo bukas.” nanghihinang sambit ni Ate Eunice sa akin na ngayon ay nagtalakbong sa telang nahulog kanina.
“Bumili ka na din ng kandila at pagkain na iaalay mo sa akin Pula.” dagdag ni Ate Eunice sa akin at pinulot ko naman ang unan na binato niya sa akin at ipinatong sa ulo niya.
“Sige, magdadala na din ako ng bulaklak.” tugon ko kay Ate Eunice at naglakad na din ako papunta sa bike ko na dinala ko kanina, sana nga at maabutan ko pang buhay si Ate Eunice mamaya.
***
Dumating ako sa bahay namin at nadatnan ko ang kotse ni Daddy na nakalabas na at napadungaw naman ako sa nakabukas na bintana ng kotse namin at sumenyas sa akin si Dianne na pumasok na sa loob.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
JugendliteraturPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...