x-23-x

1 0 0
                                    

6,766 days

November 14, 2017

“Ano na naman kasi iyon Ate Eunice?” tanong ko sa kanya at nasa loob pa siya ng classroom namin at hinihila ako palabas, alam ko naman na magpapasama ulit siya sa akin sa Mall para bumili ng kung anu-ano, sana lang talaga bumalik na siya sa dati niyang pagmumukha at pag-uugali.

“Samahan mo na kasi ako Pula!” sabi niya sa akin at tamad naman akong napatingin sa kanya, hanggang ngayon ramdam ko pa din yung pagod ko sa biyahe, bakit ba naman kasi pinapasok kami ngayon kakauwi lang namin ng umaga kahapon eh.

“Wala ka bang kaibigan sa college Ate Eunice at ako na lang parati ang inaaya mo, nagmumukhang boyfriend mo ako eh!” reklamo ko sa kanya at ang tenga ko na ang pinagdiskitahan niya at tawang-tawa na naman ang mga kaklasse ko sa pagtotorture niya sa akin.

“Red samahan mo na kasi yung shota mo!” pang-aasar sa akin ni Vincent na ngayon ay palabas ng room namin at nakita ko naman na umalis na din sa room si Maxine, magmula noong pag-uusap namin ni Maxine sa rooftop hindi na kami ult nagpansinan at nag-usap, siguro mas okay na ‘yon para hindi siya masaktan pa.

“Halika na kasi Pula!” hila sa akin ni Ate Eunice palabas ng room namin at hinawakan ko naman ang kamay niya patanggal sa tenga ko.

“Ate Eunice naman eh, gusto ko nang matulog sa bahay eh.” reklamo ko sa kanya at may nilabas siya sa bag niya, teka letter ba ‘yon ni bitter.

“Mamili ka, susunogin ko ito o sasamahan mo ako?” tanong sa akin ni Ate Eunice at nangunot na lang ang noo ko sa inis habang tinitignan ang hindi pa bukas na envelop na hawak niya.

“Amin na yan!” inis na sabi ko kay Ate Eunice at inabot niya din sa akin ang envelop na galing kay bitter at buti naman at hindi niya pinakealaman ang sulat ko.

“Good boy! Tara!” aya sa akin ni Ate Eunice at wala akong magawa kundi sumunod sa kanya.

“Teka si Maxine iyon ah!” banggit ni Ate Eunice at nakatingin siya ngayon sa may locker area at may kausap si Maxine pero hindi ko kita dahil nakaharang yung divider na pondasyon sa building.

“Yung taga West U. ba ang kausap niya?” tanong ko kay Ate Eunice at tinitignan din niya kung sino ang kausap ni Maxine at bigla na lang may babaeng tumakbo paalis sa may locker area at siya yung kausap ni Maxine.

“Ah si ano pala, close ba sila?” tanong sa akin ni Ate Eunice at nagkibit balikat naman ako sa kanya at inunahan ko na din siyang naglakad papunta sa may hagdanan.

“Hintayin mo ako Pula!” sigaw sa akin ni Ate Eunice na palapit sa akin.

“Ano ba kasing gagawin mo na naman sa Mall Ate Eunice?” tanong ko sa kanya at napatingin naman ako sa cellphone na hawak niya kung saan nakalista lahat ng mga bibilhin niya sa Mall.

“Lahat yan bibilhin mo?” tanong ko sa kanya at napalakas pa ang boses ko sa pagtatanong kay Ate Eunice dahil rinig ko ang pag-echo ng boses ko dito sa hallway ng 1st floor.

“Hindi naman, kung anong kaya mo lang buhatin ngayon.” tugon sa akin ni Ate Eunice pagkalabas namin ng building at naagaw naman ng atensyon ko sa lalaking nakasuot ng uniform ng soccer na may suot na pambabaeng tsinelas at may rabbit pa na design.

“Ano na namang ginagawa ng hangin na yan dito!” inis na sabi ni Ate Eunice na nakatingin din pala sa lalaking nakauniform ng soccer, ah naalala ko na, siya yung taga West U na nakita namin ni Ate Eunice sa may garden at kasama na naman niya yung mga barkada ng babaeng parati niyang kasa-kasama.

“Baka dinadalaw lang niya yung girlfriend niya.” tugon ko kay Ate Eunice habang tinitignan yung lalaki na nakangiti ng malapad kay…urgh! Bakit hindi ko kayang banggitin yung pangalan niya, sabagay wala naman akong karapatan na banggitin ang pangalan niya.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon