"Ano yan?" tanong ko kay Dianne na tuwang-tuwang nang makasalubong ko siya sa hagdanan hawak-hawak ang card ni Daddy."Malamang Kuya, it's shopping time!" sagot niya sa akin at napakunot naman ang noo ko at inagaw sa kanya yung hawak niyang card.
"Dianne! Ilang beses ko bang sasabihin sayo na ilimit mo naman yang pagshoshopping mo!" madiin kong sabi sa kanya at inirapan niya lang ako dahil rinding-rindi na siya sa paulit-ulit kong pagpapaalala sa kanya.
"Kuya! Daddy just give me his card, anong magagawa kundi tanggapin, hindi ba nga masamang tumanggi sa grasya?" nakasmirk na sagot niya sa akin at kinuha niya ulit yung card sa kamay ko.
"May pinapautos na naman siya sayo? Dianne! Anak ka ni Daddy! Huwag kang sunod ng sunod palagi sa mga pinag-uutos niya kahit alam mo minsan na mali na ang pinapagawa niya sayo, binibigay mo pa din yung mga kailangan niya!" sigaw ko kay Dianne at mukhang nasaktan siya sa mga sinabi ko kaya kumalma muna ako at tinignan ang reaksyon niya.
"Is it my fault Kuya? Kung sunod-sunuran lang ako kay Daddy. Kaya ko lang naman iyon ginagawa because i need his attention for us. Kasi minsan, parang nakakalimutan niya na anak niya tayo just to fulfill his desires!" galit na galit na sagot sa akin ni Dianne at tumakbo na din siya pataas ng hagdanan at naiwan naman akong nagsisisi dahil sa ginawa ko.
"Red!" maawtoridad na rinig ko sa baba ng hagdanan at alam kong narinig niya ang pagtatalo naming magkakapatid.
"Huwag kang bastos Red! Tumingin ka sa akin!" dagdag ulit ni Daddy at ang boses niya lang ang siyang naririnig sa loob ng bahay. Napabuntong hininga naman ako at tumingin sa kanya at sobrang bigat ng paa ko na lumapit sa kanya.
"Dad-" isang malutong na sampal ang natanggap ko bago man ako nakapagpaliwanag sa kanya, ano pa nga bang bago, ni isa sa amin ni Dianne ay hindi niya pinakinggan sa mga paliwanag namin.
"Ano, nagmamagaling ka na ha! Por que ba top student ka na, ganyan mo na lang ba idiin ang kamang-mangan ng kapatid mo!" sigaw sa akin ni Daddy at napahawak na lang ako sa pisngi ko, hay paano na naman ba ako lulusot sa mga tanong ng mga kaklasse ko bukas lalo na si Maxine.
"Bakit hindi ka makasagot! Kanina ang tapang mong sumbatan ang mga ginagawa ng kakambal mo, tapos ngayon para kang pipe! Red!" dagdag ni Daddy pero patuloy ko lang na hinahawakan yung galit at inis ko sa kanya, kahit na saang papel isulat, siya pa din ang Daddy ko at anak niya kami pero hindi man lang namin maramdaman na anak niya talaga kami o utusan.
"Kung ano man ang inutos mo kay Dianne, ako na ang gagawa." mahinahong sagot ko kay Daddy at natawa lang siya sa sinabi ko.
"Naging payaso ka na ba Red ha? Mas magaling magtrabaho ang kapatid mo kesa sayo! Kung ikaw sa academics ka magaling, si Dianne naman sa survival. Magkakambal pa man din kayong dalawa and yet, hindi kayo parehas ng takbo ng utak." madiin na tugon ng Daddy ko at iniwan niya akong tulala dahil sa mga sinabi niya.
***
June 08, 2017 (Monthsary)
6,707 days
Napakunit na lang ako sa noo ko nang makita ang pisngi ko na may pagkapula pa rin hanggang ngayon dahil sa pagsampal sa akin ni Daddy kahapon. Nakalimutam ko pa na monthsary namin ngayon ni Maxine, mabuti na lang at nahagilap ko kanina yung kalendaryo, magtatampo siguro ng sobra si Maxine pagnakalimutan ko na ngayon pala ang monthsary namin. Tinawagan ko si Ate Eunice kanina na tulungan ako sa date namin ni Eunice sakto naman na vacant daw niya mamayang 10-12 kaya siya na lang papabilhin ko ng pagkain namin at regalo ko para kay Maxine, hassle kasi may klasse kami ngayon at medyo makulimlim ang langit. Ewan ko ba sa tuwing monthsary namin ni Maxine pag june parating umuulan, sabagay tag-ulan na kasi ang season ngayon kaya siguro ganon. Kinuha ko na lang ang bag ko sa mesa ko bago ako lumabas ng kwarto at sakto naman na pakatok si Dianne sa pintuan ko.
BINABASA MO ANG
100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love Me
Novela JuvenilPaaralan, sa lugar na yan ako masaya, syempre hindi ko nakikita ang napakastrikto kong Tatay at napakaspoiled na kapatid. At higit sa lahat nandoon ang pinakamamahal kong 4 years girlfriend. Sabi sa school namin bagay kaming dalawa ng girlfriend ko...