x-17-x

1 0 0
                                    

From: ~.walang_forever.~
8:15 p.m, August 15, 2017
(Tuesday)

Kaya nga ang boring na naman ng school days natin, walang event tapos parati pang umuulan nakakatamad bumangon sa kama pag-umaga. Balita ko din na may bagong nakapasok na bagyo dito sa atin, signal number one na nga tayo bukas pero syempre kailangan pa rin nating pumasok na mga highschool. Nakakamiss maging bata nho? Yung tipong signal no. 1 pa lang eh nagsasaya na tayo kasi walang pasok. Naalala ko noon eh sa tuwing umuulan sabay kaming naliligo ng mga kaibigan ko pero noon yun, syempre matatanda na kami para maligo ng ulan, pero nakakamiss yung ganong experience. Mahaba-haba na naman ang wala tayong pasok.

~.~

6,777 days

August 16, 2017

“Saan ba tayo pupunta Pula? Hindi ka ba natatakot sa bagyo ha?” tanong sa akin ni Ate Eunice habang nagbibiyahe kami patungo sa mga dating kasambahay nina Mommy at Daddy at halos lahat ng natapos naming napuntahan na malapit lang dito sa lugar namin ay hindi na sila doon nakatira.

“Nag-iimbestiga nga tayo sa pagkamatay ni Mommy.” tugon ko kay Ate Eunice na siyang nagdridrive sa kotse nilang tinakas lang namin sa bahay nila.

“Nacross-out mo na yung mga kasambahay na iba, saan tayo pupunta ngayon? Pag nalaman ni Mommy na nawawala ang kotse sa garahe malalagot ako nito.” nag-aalalang sabi sa akin ni Ate Eunice at napalingon ulit ako sa isang bahay kung saan nakaaddress sa isang kasambahay na ngayon ay abandunado na at sira-sira na ang dingding nito at pintuan.

“Pumunta na lang tayo sa bahay.” tugon ko kay Ate Eunice at sumasakit na ang ulo ko kakaisip kung paano ko maituturo si Daddy na pumatay sa Mommy ko, meron na nga akong witness pero kailangan ko ng maraming evidence na makapagtutulak sa ginawa ng Daddy ko.

“Bakit pa ba natin sila hinahanap Pula? Hindi ba’t ang sabi ni Lola Marshal ay siya lang ang nakakita sa aksidenteng iyon?” nagtatakang tanong sa akin ni Ate Eunice habang nakaconcentrate na nagmamaneho.

“Kahit na si Lola Marshal lang ang nakakita sa crime scene, kailangan pa rin natin ng isa pang kasambahay na nakarinig sa pagsigaw ni Mommy noong sinaksak siya ni Daddy.” sagot ko kay Ate Eunice na ngayon ay napatango sa sinabi ko.

“Alam mo Pula! Ang hirap ng ginagawa natin. 18 years nang nakalipas matapos ang aksidente ng Mommy mo tapos ngayon lang natin aalamin iyon, paniguradong nalinis na nang Daddy mo krimen niya. Imposibleng makukuha pa natin ang ginamit niyang patalim panaksak sa Mommy mo o di kaya ang suot ng Mommy mo noong nasaksak siya, wala pa namang CCTV noon, at si Lola Marshal lang naman ang nakakita sa aksidente. Talagang malabo ang ginagawa natin Pula.” paliwanag sa akin ni Ate Eunice at tama nga siya, mahirap mag-imbistiga lalo na’t 18 years na ang nakalipas.

“Kahit na malabo Ate Eunice, gusto ko pa din subukan na makahanap ng ebidensya. Gusto kong mabigyan ng hustisya yung pagkamatay ni Mommy.” tugon ko kay Ate Eunice at napabuntong hininga na lang siya sa sinabi ko.

“Kung alam din lang ng babaeng tinulungan natin noon na hindi aksidente ang nangyari sa parents niya, baka kagaya mo din siya na naghahanap ng ebidensya sa pagkamatay ng mga magulang niya at heto tayong dalawa na may lead sa nangyari sa parents niya, at ikaw naman nakuha mo ang lead na iyon kay Lola Marshal kaya ka nagpupursigidong maghanap pa ng ebidensya. Pareho kayong naghahanap ng hustisya, pero dehado siya dahil hindi niya alam kung aksidente ba ang nangyari sa mga magulang niya. Paano na lang kaya kapag nalaman niya din na hindi talaga car accident ang dahilan ng pagkamatay ng mga magulang niya? Sabihin nating 18 years din bago niya nalaman iyon, tiyak na mahihirapan din siyang maghanap ng ebidensya dahil sa katagalan bago niya nalaman ang totoo.” mahabang wika ni Ate Eunice sa akin at isininingit na naman niya ang babaeng iyon, parati nalang niya binabanggit sa akin ang car accident na nakita namin sa tuwing nag-uusap kami sa aksidente ni Mommy. Dahil sa pauli-ulit niyang pag-alala sa car accident malapit sa University, nakakaramdam tuloy ako ng konsensya lalo na’t pinapahirapan ni Dianne yung babae, hindi ko din maintindihan kung bakit hindi ko mabanggit-banggit ang pangalan niya, sa tuwing naalala ko ang pagtawag ng mga kaibigan niya sa palayaw niya, parati kong nakikita ang mukha niyang umiiyak at nahihirapan.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon