x-4-x

1 0 0
                                    


Ilang araw na ang nakalipas magmula noong may nangyari sa dating science lab at hanggang ay inaatake pa rin ako ng konsensya sa pagtulong ko kay Dianne noong nakaraan. Minsan nakakasalubong ko din yung lalaki sa may hallway at nakikita ako na may girlfriend siya na wala sa isa sa mga nakasama niya. And pati yung babaeng payat at may make-up, nakikita ko na magkakasama sila ng babaeng nakasama niya sa may science lab at yung girlfriend ng lalaking kasama niya noon sa 3rd floor. Base sa obserbasyon ko, magkakabarkada silang tatlo, magmula noong araw na kinuhanan ko sila ng litrato, nakikita ko pa din sila na magkakasama at nagtatawanan at dahil doon kahit papaano ay naiibsan ang konsensya ko. Siguro nga mali ang tingin ko sa kapatid ko, na parating kasamaan ang ginagawa niya.

Napatayo naman ako sa pagkakaupo ko dito sa may hallway ng first floor nang makita ko si Maxine na lumabas na sa room ng Art Club. Napangiti naman ako sa kanya at ginantihan niya din ako ng ngiti. Mapapagod na naman ang girlfriend ko dahil sa mga school activities, President kasi siya ng Art Club and by the end of the month, cinecelebrate ng Highschool ang Art Month na sana ay dapat sa February talaga pero dahil na din sa dami ng activities ng school tuwing February, minove na lang nila sa June dahil walang masyadong activities ang mangyayari.

"Kanina ka pa diyaan? " tanong sa akin ni Maxine at nag simula na din kaming maglakad palabas ng building. Kanina pa namin uwian at wala ng mga estudyanteng gumagala rito sa bulding, nagmeeting kasi sina Maxine kanina kasama yung mga members ng Art Club at nagpaiwan si Maxine sa room ng Art Club para maorganize yung plano nila.

"Hindi ba obvious?" tanong ko sa kanya at natawa naman siya sa sinabi ko.

"Kamusta naman ang meeting niyo? May mga activities na ba kayo, uhmm?" tanong ko sa kanya at napabuntong hininga naman si Maxine at tumingin sa akin.

"Ano balak mo na namang sumali ha?" nakapamewang na tanong sa akin ni Maxine at napakamot naman ako ng ulo.

"Sayang din naman yung curricular activities, may point pa naman yun. Nag-aalala lang ako baka matalo mo ako, ayaw ko namang mangyari yon." nakapout na sagot ko kay Maxine at pinalo niya lang ang mukha ko gamit ang hawak niyang bond paper.

"Sira! Disqualified ka na kahit hindi ka pa nakakasubmit ng form. Nakalimutan mo na ba yung ginawa mo noong last year, lumabag ka sa school regulation dahil sa kakornihan mo." natatawang sagot sa akin ni Maxine at napakamot naman ako ng ulo nang maalala ko yung last year event ng Art Fest.

"It's a form of Art naman yun ah!" depensa ko sa sarili ko at tawang-tawa naman si Maxine habang may tinitignan sa cellphone niya.

"Bakit kasi ginawa mong buwan yung ulo ni Sir Terry? Sinong hindi magagalit sayo ah? Tapos sa napakalaking tela mo pa pinait at sinabit mo sa harapan ng building, nakabasag ka pa ng bintana dahil sa pagkabit mo sa painting mo." paalala sa akin ni Maxine at pinakita ang niya sa akin ang mga pictures ko na nagsasabit ng painting sa harapan ng building at ang paghabol sa akon ni Sir Terry sa field, naalala ko tuloy kung paano ako pinagalitan at sinuntok ni Daddy.

"Namiss ko tuloy yung experience na yan, gawin ko kaya ulit?" takang tanong ko kay Maxine at pinanlakihan naman niya ako ng mata, dahil sa kalokohang ginawa ko, pareho kaming naprincipal's office at isang buwan din akong nagcommunity service dahil doon.

"Red Oliver Reyes! Huwag na huwag mong isasagi sa isipan mo na sumali ka sa Art Fest ulit, baka hindi ka niyan makagraduate." bilin sa akin ni Maxine at tinaas pa niya ako ng kilay.


"Uhmm good suggestion!" nakangiting sagot ko sa kanya at lumayo ako ng konti sa kanya para hindi ako makurot o mapalo ni Maxine.


"Oliver!" madiin na sabi sa akin ni Maxine at nagkibit-balikat naman ako sa kanya.

100's Part II [Trilogy]: 100 Reasons Why You Shouldn't Love MeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon