A/N : Paalala, baka mabored kayo sa istorya. Sadyang istorya lamang. J
~~~
Xiumin’s POV
Nakatulog na si Xyla sa balikat ko at mahinang humihikbi. Ang higpit nang yakap niya at ramdam na ramdam kong takot na takot siya. Hindi nga ako nagkamali at hindi mapagkakatiwalaan ang taong yon. Aalisin ko na sana siya sa pagkakayakap para ihiga pero ayaw niyang bumitaw. Hanggang sa pagtulog ba ayaw niya paring bumitaw? Nangangawit na nga ako sa posisyon namin.
“Hayaan mo lang siyang matulog nang ganyan Xiumin at wag mo siyang bibitawan. Mas ramdam niyang ligtas siya kapag may nakayakap sa kanya.” Niyakap ko naman si Xy-Xy tulad nang sinabi ni Belinda. Tumawag na si Baekhyun sa lahat pati narin sa pulisya. Yung hudas naman ayun, tulog sa bugbog ni Baekhyun. Pasalamat siya at nakayakap sakin si Xy-Xy dahil kung hindi, kahit tulog siya, sisiguraduhin kong hindi na siya magigising.
“Wag… para niyo nang awa… wag---Pap--a---Mama… he--elp…” We heard her muttered silently but enough for us to hear. Halatang takot na takot siya. I heard sobs at akala ko si Xy-Xy pero si Belinda pala.
“Ba’t umiiyak ka?” Tanong ko sa kanya.
“Xyla wouldn’t be that scared kung hindi ko siya iniwan nang mga oras na iyon. Ako ang may kasalanan kung bakit punung-puno siya ng takot. Takot na maiwan at takot na makihalubilo sa iba.” I hold her arm. She looked at me and I can see guilt in her eyes. Hindi ko alam kung anong pinagsasabi niya pero… I think may kinalaman yon sa galit sa kanya ni Xyla noon. Nanahimik lang ako at handang makinig sa sasabihin niya.
“I was her best friend. Bago ako makarating sa bahay nila, marami na akong naging kaibigan sa labas. Nang makilala ko si Xyla, napakatahimik niya lang at napakamahiyaing bata. We were just 9 then. Akala ko hindi ko siya makakasundo dahil mukhang masungit siya at nakakatakot kaya ang hirap niyang iapproach. But I was surprised when one day, she come to me and say, ‘be my friend.’ Hindi siya nagrequest o kung ano kundi parang inutusan ako. She just ordered me to be her friend.” She paused for a while and hugs her knees.
“Naging magkaibigan kami at nakilala ko ang totoong Xyla. Mabait, maalalahanin at mapagmahal. She was crazy at times at bibihira mo lang kakitaan ng sweetness. Doon ko lang din nalaman na wala siyang ibang kaibigan maliban sakin. Kaya ginawa ko lahat para maging isang napakabuting kaibigan but one nightmare came. Dahil mayaman sila Xyla, maraming mga taong mapagsamantala ang gustong makakuha kahit katiting sa yaman nila.” I keep listening to her.
“Pumasok kami ni Xyla sa school non. I was her classmate at pinag-aral ako ng mga magulang niya para may makasama siya dahil hindi niya kaklase ang pinsan niya. Pauwi na kami at palabas ng school na magkahawak kamay nang bigla nalang may humablot sa amin at ipinasok kami sa puting Van. Takot na takot kami ng mga oras na yon at hindi namin alam kung san nila kami dadalhin. Puro pag-iyak lang ang ginawa namin at magkayakap kaming natatakot.”
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomanceLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...