CHAPTER 22.1 : New Meets

1.8K 59 1
                                    

Xiumin’s POV

Hmm… ano kayang masarap sa mga ‘to? Tinignan ko yung mga chilled foods. San ba dito masarap lutuin? Parang lahat naman masarap kainin e~

 

 

“Andito pa ako sa Chilled goods. Naghahanap pa ako ng mga sangkap sa lulutuin ko. Bakit? May gusto ka bang ipabili?” Napatingin ako sa gilid at nakita ko yung magandang babaeng may katabing cart na maraming pinamili at may kausap siya sa phone habang pumipili ng bibilhin.

 

 

“Hintay pwede? Ang laki ng supermarket e. Marami pa akong bibilhin. Andiyan ka lang naman sa mga sanitary right?” Nakatingin lang ako sa kanya at mabilis akong umiwas ng tingin nung parang titingin siya sakin. Nagkunwari nalang akong kumukuha ng kung ano.

 

 

Mukhang hindi naman masarap ‘tong kinukuha ko. Nagpalinga-linga pa ako’t nanlaki ang mga mata ko. Ohohoho~ Peurencheu Peuraiseu (French Fries). Nag-iisa nalang omegerd. Halos patakbo kong inabot yon ang kaso lang ay may nakisabay na kumuha kaya parehas naming hawak yon. Tinignan ko siya at si Ms. Ganda pala. Ang taba ng cheeks niya sa malapitan. Nginitian niya ko kaya nginitian ko rin siya.

 

 

“Akin nalang ‘to pwede?” Tinignan ko yung isang kilo ng fries tapos sumilip ako dun sa freezer. Wala na. Last nalang talaga ‘to.

 

“Hmm… Nauna ako e.”

“Kuya Pogi, akin nalang please?” Wow. Pogi daw ako. E matagal ko ng alam yan e.

 

“Sorry Ms. pero ako nauna dito.” Sabay hila ko palapit sakin pero hinila niya rin palapit sa kanya. Tinignan ko siya.

 

“E sabay nating hinawakan ‘to. Nauna rin ako.”

 

“Hindi. Ako unang nakakita’t humawak dito kaya akin ‘to.” Sabay hila ko.

 

“Nope. This is mine.” Sabay hila niya rin.

 

“Akin talaga ‘to.” Nakabusangot na kaming parehas. Kahit gano pa siya kaganda at kacute, hinding-hindi ko ipagpapalit ‘tong nag-iisang fries na ‘to.

 

“Next time ka nalang bumili. Kailangan ko ‘to e.”

 

“Next time ka nalang din bumili. Paborito ko ‘to e.”

 

“May importante akong gagawin dito.”

 

“Importante ‘to para sa tiyan ko.” Naghilahan lang kami don at walang may gustong bumitaw.

 

“Uwaaah~ Mommy! Ubosh na yung Furaish! Wala ng Furaish!” Napatingin kaming parehas dun sa batang babaeng umiiyak.

 

“Baby, next time nalang tayo bumili ng fries okay? Ibibili nalang kita sa fast food later.”

A Feeling So Strange 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon