CHAPTER 21.1 : LABADAy

2.1K 72 7
                                    

Xyla’s POV

Ang dami kong lalabhan ngayong araw. Tsk. Kumuha ako ng basket at inilagay lahat doon ng damit ko. Ano ba ‘to? Isang linggo palang akong hindi naglalaba pero parang dalawang linggo akong nagsuot ng damit ah? I bun my hair para hindi maging sagabal sa mukha ko. Kumuha pa ako ng towel at isinampay sa balikat ko. Kanina pa ako pawis na pawis dahil pagkatapos kong maglinis ng kwarto ay maglalaba naman ako ngayon. Kinareer ko pagiging kasambahay ano? Tsk. Papalaundry nalang ata ako eh. Kaya ko ‘to! Tiwala lang! Hinila ko na yung dalawang basket ng mga damit ko palabas ng kwarto.

 

 

“Aish! Ang bigat!” Sinipa ko yung basket at natumba yon at lumabas lahat ng damit ko.

 

“Arggh!!” Nakakaunsiyami! Nakakairita! Napabuntong hininga na lang ako at ibinalik ulit yung mga damit sa basket. Bigla nalang akong napatingin sa bumukas na pinto at pagtingin ko, si Chen pala.

 

“Oh, maglalaba ka?”

 

 

“Magsasampay ako, Chen.” Irita kong sabi sa kanya. Halata naman siguro, magtatanong pa siya. Tumawa nalang siya ng bahagya at binuhat yung isang basket. Buti naman at naisipan niya yan. Kinuha ko na yung isang basket at binitbit din. Ang bigat, letche! Wala pa naman sina Bel at Yaya ngayon dahil isang linggo silang mawawala dahil bumalik sila sa probinsiya nila. Nagkasakit kasi yung apo ni Yaya at siya ang hinahanap. Wala tuloy maglalaba ng mga damit ko kung hindi ako lang din. T^T

Paakyat na kami sa rooftop ng makasalubong namin si Tao. Agad niyang kinuha sakin yung basket at binitbit. Napapunas nalang ako sa pawis ko. Naalala ko, may hagdan nga pala sa beranda ko papunta sa rooftop. Hayaan mo na, atleast may taga buhat ako.

 

 

“Ang dami mo namang mga damit na lalabhan?” Tanong ni Tao. Nakasunod lang ako sa kanilang dalawa ni Chen.

 

 

“Uhh… madami kasi akong naisuot ngayong linggo kaya ganyan kadami yan.” Tumango-tango nalang sila. Narating na namin yung rooftop at nandoon din yung iba at naglalaba. Seryoso? Akala ko ako lang ang maglalaba sa araw na ‘to. At nahiya naman ako sa dami ng damit na lalabhan nila, hindi man lang nangalahati sa dalawang basket na lalabhan ko.

 

 

“Oy, maglalaba ka rin Xy-Xy?” Tanong ni Biik.

 

“Magswiswimming ako, sali ka?” Asar kong tanong sa kanya at tumawa nalang sila. Inilapag na nina Tao at Chen yung mga basket sa tabi. Pumasok ako doon sa washing room at tiningnan yung dalawang malalaking washing machine. Ginagamit nila yung isa at buti’t bakante yung isa.

[A/N : Sa mga hindi marunong maglaba, tuturuan kayo ni Xyla na maglaba. xD]

A Feeling So Strange 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon