Xyla’s POV
“Waaaaah! Wag mo akong basain Kris!”
“HAHAHAHA! Lagot ka sakin Xyla!” Tinutok niya sakin yung hose at umiilag lang ako.
“Tama na! Ayoko na!” Sigaw ko sa kanya pero tawa lang siya ng tawa. Ano bang gagawin ko? Aha! Tingnan ko lang kung hindi siya tumigil.
“AHHH!” Umupo ako bigla at hinawakan yung paa ko. Lumapit ka lang, patay ka saking bata ka.
“Xyla, ayos ka lang?” Tanong niya sakin pero di parin lumalapit at inihinto niya na yung pagtutok sakin nung water hose.
“Nagkasprain ata ako. Ang sakit ng paa ko.” Sabi ko ng hindi nakatingin at hinimas-himas ang paa ko. Nakita kong binitawan niya yung hose at patakbong lumapit sakin.
“San? San yung masakit?” Tanong niya’t hinawakan yung paa ko. Tinitigan ko siya at halatang-halatang nag-aalala siya. Mahigpit kong hinawakan yung water hose at agad kong itinutok sa kanya.
“AHHH!” Sigaw niya’t hinaharangan yung tubig sa mukha niya.
“HAHAHAHAHA!! Lagot ka sakin ngayon Kris! Gaganti ako!” Tumayo ako’t tinutok lang sa kanya yung hose.
“Tama na! Ayoko na! Ang daya mo!” Sigaw niya’t biglang tumalikod at kinuha yung water hose niya. Ooopsiee… patay. Bigla niyang tinutok sakin yon kaya naman napaiwas ako ng tingin.
“Stop it Kris!” I yelled but he keeps pointing me the water hose at talagang basang-basa na ako. Hindi ko inexpect na ang pagdidilig ko ng mga halaman sa rooftop ay mauuwi sa pagligo.
“Mukhang nagkakasiyahan kayo a?” Napahinto kaming dalawa at napatingin sa bagong dating na si Tao. Nagkatinginan kami ni Kris. Binaba ni Tao yung dala niyang labahan at itinabi. Bago pa siya makaharap sa amin ay agad naming itinutok yung hose sa kanya.
“HOY! Teka! Wala akong balak maligo ulit!” Sigaw niya’t nagtatakip ng mukha.
“Blame Kris, he started this!” I yelled as Kris and I both laughed. Bigla nalang lumapit patalikod sakin si Tao. Umaatras naman ako.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomanceLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...