Xyla’s POV
I look at the house. Parang ganito rin noong unang dating ko dito. Pinagkaiba lang ay… kilala na nila ako ngayon. Pinaalis ko na si Butler Saff at pipihitin ko na sana yung pinto pero nagbukas yon agad at bahagya akong nagulat ng hindi pamilyar na mukha ang humarap sakin.
Who’s she? Tinaasan niya ko ng kilay pero blanko ko lang siyang tiningnan. Kamag-anak ba ‘to ni Yaya o bwisita ‘tong babaeng ‘to? Alas syete na ng gabi’t may bisita parin?
“Yes?” Tanong niya habang ngumunguya ng chewing gum. Tanga ata ‘to. Di pa man ako nagtatanong, may sagot agad.
“No.” Sagot ko’t kumunot ang noo niya.
“Who are you? What do you need?”
“I need you to step aside.” Akma akong papasok pero tinulak niya ko palabas. Kapal rin naman ng foundation ng babaeng ‘to.
“Not that fast. Mukhang nagkakamali ka ng bahay na pinapasukan.” May dinukot siya sa bulsa niya’t kinuha ang kamay ko’t binigyan ako ng bente pesos.
“Ayos na siguro yan? Shoo. Alis na.” Sabi niya’t binagsak ang pinto sa harap ko. Napatingin ako sa bente pesos saka ko nilamukos yon. Kinuha ko yung susi sa bulsa ko’t inunlock yung pinto’t kinuha ang maleta ko’t pumasok sa loob.
“What the? Pano ka nakapasok ha?” Tanong niya ng makita ako. Napatingin ako sa sofa. Hindi pala siya mag-isa. Dalawa pala sila. They stood up and walk towards me. May kinuha ako sa backpack ko’t sinulatan ko yon.
“Who’s that girl Jean?”
“I don’t even know her. Hoy! Pano ka nakapasok ha?” I look at them saka ko pinasok sa bulsa ko yung bolpen at papel. Kinuha ko yung kamay ng babae’t binalik sa kanya yung bente pesos niya.
“I’m giving it back. Mamimigay ka na nga lang, bente pa. How pathetic.”
“You beggar---” Sinampal ko sa kanya yung cheque na hawak ko.
“And that’s my donation. That’s a hundred bucks. Ipaayos mo yang mukha mo’t baka sakaling magmukha kang tao.”
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomansaLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...