CHAPTER 21.2 : Just friends

1.9K 65 7
                                    

Lay’s POV

Napakaiyakin din pala niya. Parang hindi siya yung Xyla’ng lagi naming kasama. Para siyang batang nagsusumbong kanina at bulong nang bulong. Di ko nga alam kung maaawa ba ako sa kanya o matatawa.

 

 

“Awww…  mahapdi.” Hinipan ko nalang yung mga daliri niya. Paano hindi naman pala marunong maglaba, hindi man lang nagsabi.

 

 

“Next time, sa kusina ka nalang.” Sabi ko sa kanya.

 

 

“Hindi lahat ng babae, kailangan sa isa lang magaling. Paano nalang kung hindi ganon kayaman ang mapangasawa ko at wala kaming katulong? Ayokong mahirapan ang magiging asawa ko. Hindi naman ako reyna para pagsilbihan lang niya habang buhay. …” Di ko na narinig yung huli niyang sinabi dahil ibinulong niya lang yon. Tinitigan ko siya. Napakaswerte naman pala nang mapapangasawa mo Xyla dahil hindi siya mahihirapan sayo. Napangiti nalang ako. Binandage ko nalang lahat ng daliri niya. Yung mga kamay niya… hindi talaga panlaba… dapat pinagsisilbihan lang siya. Sabay na kaming lumabas ng kwarto ko.

 

 

“Maiwan na kita, marami pa akong lalabhan sa taas.” Pagpapaalam ko sa kanya at tumango lang siya.

 

 

Xyla’s POV

Anong gagawin ko ngayon? Lahat sila nasa taas at naglalaba. Ayoko namang bumalik don dahil nahihiya ako. Ikaw ba naman, lalaki pa ang maglalaba ng underwear mo, hindi ka mahihiya? Bumaba nalang ako. Ipagluluto ko nalang siguro sila ng masarap na tanghalian. Pumunta nalang ako sa kusina at inabala ang sarili ko sa pagluluto. Bigla ko nalang narinig na tumunog yung doorbell at may kumakatok sa pintuan.

 

 

“Sino naman kaya yon?” May susi naman sina Bel at wala namang ibang lumabas dahil nasa taas silang lahat. Iniwan ko muna sandali yung niluluto ko at binuksan ang pinto. Sumilay sa mukha ko yung bouquet ng white roses na may teddy bear sa gitna. Ibinaba nung may hawak yung bouquet at nakita ko yung mukha ni Kyle… Ang tagal kong hindi nakita ‘to a. Last time I saw him was the day that I came back here from crying when I knew that Mammsie died.

 

 

“Para sayo.” Kinuha ko yung bulaklak saka ngumiti.

 

“Pasok.” Pinatuloy ko siya sa loob at isinara ang pinto. Nagpalinga-linga siya.

 

“Nasan sila?”

 

“Nasa rooftop, naglalaba.” Tumango lang siya’t ngumiti. Pano ba ‘to?

 

“May… ginagawa ka ba?” Speaking of may ginagawa…

 

A Feeling So Strange 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon