A/N : Another private chapter. Another new... ano kayang bago? O... sino?
~~~
Chen's POV
"Hoy! Alienatic-owl!" Napatingin kaming lahat dun sa babaeng mukhang galit na galit. Tapos napatingin ako dun sa tinititigan niya, si DO. Bahagya akong natawa. Alienatic owl. Wow. Hard.
"Ibalik mo yung notebook ko!" Napatingin kaming lahat kay DO na nakakunot lang ang noo.
"Anong notebook?"
"Yung notebook KO na pinahiram sayo ng bestfriend kong buang! Akin na! Ibalik mo!" Aba. Matapang. Di niya ba kami nakikilala?
"O? E ano naman ngayon? E ipinahiram na sakin e."
"E akin yon g^gu ka! Ipinahiram sayo e ako ang may-ari non at hindi kita binigyan ng permisong hiramin yon kaya akin na! Now na!"
"Tss. Damot."
"Wala akong pake! Akin na!"
"Do, ibigay mo na para matahimik 'tong babaeng 'to. Ang ingay-ingay ng bunganga. May pang-tape ba kayo diyan?" Sabi ni Sehun at naglabas naman si Chanyeol ng packaging tape.
"Do it. At ikaw na baklang iyakin na kala mo kung sinong basag ulo, manahimik ka ha?! Wala kang pakealam kung mabunganga ako! Kaya nga may bibig tayo para magamit hindi para takpan niyang tape niyo! At ikaw na matangkad na unlimited sa ipin! Ikaw ang babalutan ko ng tape na yan kapag lumapit ka sakin!"
"Oooh... I'm scared~" Pang-aasar ni Tao at natawa lang ako. Ang tapang niya masyado. Siya unang gumanito samin a.
"Treshia!" At may isa pang babaeng sumulpot.
"Treshia tara na. Wag kang mageskandalo dito."
"Hayaan mo ako Mey! Wag kang mangialam dito! Kung di mo ba naman binigay sa kanya yung notebook ko, edi wala ako dito ngayon!" Mukha namang mahinhin yung kaibigan niya na kabaliktaran nitong isang umaaway samin.
"O." Aabutin na sana niya yung notebook na inaabot sa kanya ni DO pero kinuha ko. Uminom muna ako ng tubig at tumingin sa kanila.
"Ano bang meron sa notebook na 'to at atat na atat kang makuha? May itinatago ka ba dito ha?"
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomansaLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...