CHAPTER 7 : A simple thanks

2.8K 81 8
                                    

Xyla’s POV

“Hello, Ma, can you change all my private male Professors? Make them all female and make sure they are all females and not a guy disguising females. … Nothing… I just think magiging komportable ako kapag babae ang kaharap ko. And oh! Choose a Professor that at age of 35 to 45 okay? Don’t get if they’re under 35. … Please Ma… … Thank you. Thank you… I love you Ma. Lagi kayong mag-iingat. … Of course I will. … I miss you too. Tell Xytee I miss her. Bye. …” I ended the call at huminga nang malalim. I’m at the balcony and feeling the fresh air. Ayokong ipaalam kina Mama ang nangyari. I don’t want them to worry about me.

Napapikit pa ako habang dinadama ang malamig na simoy nang hangin nang biglang may parang flash akong naaninag kaya napamulat ako at pagmulat ko, may nakita akong lalaking may hawak na kamera at nakasilay sa bintana kaharap nang balcony ko. Katabing bahay sila ni Yaya. I look at him at nang alisin niya ang camera na nakaharang sa mukha niya ay parang gusto kong ibalik ulit. De joke. Ayos naman siya. Magandang lalaki pero wala siya kung ikukumpara kay Xylo.

 

 

Ngumiti siya at kumaway sakin pero di ko siya pinansin at papasok na sana ako sa kwarto ko nang pagharap ko ay bumangga ako sa dibdib ni… pagtingin ko… si… Tao? Anong ginagawa nito sa kwarto ko? Hindi ba dapat may pasok siya ngayon? Tiningnan ko siya at nakauniform nga siya pero sa iba nakatingin. Tiningnan ko yung tinitingnan niya at mukhang nagsusukatan sila nang tingin nung lalaki sa kabilang bahay.

 

 

“Tao, bakit hindi ka pa pumapasok?” Tanong ko pero parang wala siyang naririnig at nakatingin parin nang diretso.

 

 

“Ta-o… may Ta-o po ba dito?” Tanong ko sabay pitik ng noo niya. Napatingin naman siya bigla sakin at hinimas yung noo niyang pinitik ko.

 

 

“May sinasabi ka?” Tanong niya. I raised one of my brows.

 

 

“Bumubulong ako. Kaya siguro hindi mo narinig.” Sabi ko sa kanya. Tumingin siya ulit sa kabilang bahay at tumingin din ako. Pagtingin ko, wala na yung lalaki at nakasara na yung bintana.

 

 

“Sino ba yon?” Tanong ko sa kanya habang nakatingin parin doon sa bintana pero bigla ko nalang naramdamang binuhat ako. Napakapit tuloy ako sa leeg niya.

 

 

“Baka malukot yung uniform mo.” Sabi ko pero ngumiti lang siya.

 

 

“Ayos lang.” Sabi niya at ngumiti ulit. Naglakad na siya papasok nang kwarto ko habang bitbit ako.

 

 

“Uhh… Xyla…”

A Feeling So Strange 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon