Xyla’s POV
“What?! But this is an emergency! I have 12 boys who are all sick and for Pete’s sake! I don’t know what to do with them!” Sigaw ko sa linya. Nakailang tawag na ako sa hospital. Halos ubusin ko na lahat ng hospital sa Pilipinas pero wala man lang pwedeng pumunta dito dahil baha daw sa lugar na papunta dito samin.
“Hello?! Hello?!” Peste! Binabaan ako. Aish! Napasabunot nalang ako ng buhok. Tawagan ko nalang kaya si Dr. X? Tama. He’s our private doctor kaya tingin ko matutulungan niya ako. I start dialing his number pero hindi pa nagriring ay biglang namatay ang phone ko.
“Lowbat agad?!” Letche naman oh! Ngayon ko kailangan eh. Paakyat na sana ako sa taas ng biglang mamatay ang ilaw.
“AHH!” Napasigaw pa ako sa sobrang gulat. Now what?! Paano ako magchacharge?! WAAAH! I’m freaking out! I stomped my feet hard. Do I have a choice?
“Stupid boys! Hilig maligo sa ulan tapos ngayon, papahirapan nila ako sa pag-aalaga sa kanilang lahat. Ano ‘to? 12 against me? D*mn!” Kinapa-kapa ko yung pader habang paakyat. Sobrang dilim at wala akong Makita. Tingin ko narating ko na yung third floor. Kinapa ko yung bawat kwarto hanggang marating ko yung kwarto ko. Buti dito medyo maliwanag dahil clear glass lang ang pinto’t harang sa balcony ko. Binuksan ko yung drawer at kinuha yung flashlight.
“Pewh… buti nalang meron akong flashlight dito.”I mumbled. Bumaba na ulit ako at pumunta ng kusina. Naghanap ako ng mga kandila’t posporo at buti naman meron si Yayang nakatabi dito. Thanks God they were all glass candles. Malayo sa sunog. Kinuha ko yung isang box at sinindihan lahat ng kandilang naroon. Nilagay ko yung isa sa kusina at sa gilid ng dining na kahit matumba ay hindi masusunog. Buti nalang din at tiles ang sahig at sementado ang pader. Inihelera ko yung kandila don sa hagdan at naglagay rin ako sa kwarto ko’t mga kwarto nila. Lumiwanag ang buong kabahayan.
“That’s good. I can see things now.” Bumaba ako ulit at tiningnan yung pagkain sa dining. Lumamig na. Kumuha nalang ako tray at tigdadalawang inakyat yon sa taas. Pinatong ko muna yon sa mga side tables nila hanggang maiakyat ko na lahat.
“Ano na ngayon? Isa-isa ko ba silang pakakainin?” D*mn! Dapat pala nag-aral akong maging Yaya’t nurse at the same time. Letchugas Barabas Hudas! Una kong pinuntahan si Sehun.
“Sehun, bumangon ka muna diyan at kumain.” Parang wala lang siyang naririnig. Tsk! Inalis ko yung kumot sa katawan niya at tinulungan siyang umupo. Nakapikit lang siya.
“Sehun, help me. If you can eat, then help yourself.” Nagmulat siya ng mga mata niya pero ang tamlay-tamlay niya. Hinila niya yung kumot at ibinalot sa katawan niya. Umupo siya sa tabi ko’t inabot ko sa kanya yung pagkain niya. Nakatatlong subo lang siya’t umiling na siya.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomanceLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...