CHAPTER 9.7 : CheLa Moment

2K 71 2
                                    

Xyla’s POV

“OHHHWOOOHHHH~!!”

 

 

“Aish! Ang sakit mo sa tenga Bel. Lumabas ka na nga lang at pagpraktisan ang pagluluto. Tinuruan na kitang magpiano dati pero hanggang ngayon, kasing sama parin ng pagpapiano mo ang boses mo.” I said and she just laughed.

 

 

“Oo na sige, sa susunod nalang ako magpapractice.” Naglakad na siya palabas ng music room at bago isinara ang pinto ay bumirit pa siya.

 

 

“LALALALALALA~” Halos mapatakip ako sa tenga ko. Nakakabasag eardrums. Tsk. I sighed when the silent surrounded the whole room. I started playing Piano Sonata Opus 106 of Ludwig Beethoven. Every time I play every hardest piece, naaalala ko yung mga paghihirap ko noong bata ako. Tuwing uuwi ako mula sa music class ko na namumula ang mga daliri’t ngawit na ngawit ang buong braso. Tuwing pipitikin ng guro ko ang kamay ko tuwing nagkakamali ako. Tuwing iiyak ako kapag masakit na ang mga kamay ko.

 

Napapikit ako at ramdam ko yung bawat pagtunog ng pyesa sa bawat galaw ng mga kamay ko. ‘Give emotions every time you play, Laurene. Hindi dahil nakakatugtog ka ay magaling ka na. You should put emotions to every song you played. Think of, that you and the keyboard are one. Play with it as if you’re playing with your own.’ Laging sinasabi sakin ng guro ko tuwing nagkakamali ako. Hindi ko tinigilan ang paglalaro hanggang sa masanay na tumakbo ang mga kamay ko’t mga daliri at buong braso.

 

 

Napahinto ako bigla nang may marinig akong palakpak. Tumingin ako sa pinto at nakita kong nakangiti’t nakatingin sakin si Chen habang nakasandal sa pinto.

 

 

“Kanina ka pa diyan?” Tanong ko sa kanya. Naglakad naman siya palapit sakin.

 

 

“Hindi. Halos kararating ko lang noong magsimula ka.” Sabi niya’t umupo sa tabi ko. Umurong naman ako ng kaunti para magkasya kami.

 

 

“Ang galing mo palang tumugtog ng keyboard no? Akalain mong nagawa mong tugtugin yung isa sa pinakamahirap na mga pyesa?”

 

 

“I know.” He chuckled. Ano bang dapat sabihin ko? ‘Hindi naman, baka nga mas magaling ka pa sakin eh.’ Aish! Ayoko ng pahumble. Kung alam mo namang magaling ka, bakit itatanggi mo pa? Sinimulan niyang tugtugin yung tinugtog ko. Ayos pala ‘to eh, ang galing din niya.

 

 

“San ka natutong tumugtog?” Tanong niya sakin.

 

“I was force to study all instuments. Simula sa flute hanggang sa keyboards.”

A Feeling So Strange 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon