CHAPTER 9.2 : XySoo Moment

2.3K 73 3
                                    

Xyla’s POV

Nakakabagot naman. Wala akong pasok ngayon pero may pasok yung mga estudyante at may mga trabaho. Ako, si Xiumin at si Baekhyun lang ang natira. Sina Yaya at Bel naman namalengke. Tinignan ko yung dalawa na nakaupo sa magkabilaang gilid ko.

 

 

“Kayong dalawa ba hindi nababagot dito?” Tanong ko’t tinignan nila ako.

 

“Noon pero ngayon, hindi na.” Nakangiting sabi nila.

 

“Pwes ako, mamamatay sa kabagutan dito.”

 

“Wag naman ganon. Patay agad? Pano nalang ako kung mawawala ka?” Xiumin said while smiling.

 

 

“Hindi ito matatanggap ng puso ko.” Dugtong pa ni Baekhyun saka sila natawa ni Xiumin habang ako, walang naintindihan sa mga sinabi nila. Nahalata yata nilang hindi ako natawa kaya huminto sila.

 

 

“Baduy mo Baekhyun.”

 

“Ako? Ikaw kaya.”

 

“Mga baliw kayo.” Sabi ko sabay tayo’t otomatiko akong inalalayan nung dalawa.

 

“San mo gustong pumunta?” Tanong ni Biik.

 

 

“Kung san malayo sa inyong dalawa’t baka mahawaan ako ng kabaliwan niyo.” Sasagot pa sana sila nang magring yung telepono kaya dali-dali kaming tatlong lumapit doon. Ako na ang sumagot at mabilis pa sa alas dos impunto na itinutok ng dalawa ang tenga nila.

 

 

“Cortez’s residence. Yes? Hello? … She’s not here. Who’s this? … This is Mrs. Cortez’s niece. Why? What happened? … I’m his acting guardian. I’ll come there to talk about the issue.” I said and ended the call.

 

 

“Ano daw yun? Sino daw? Bakit daw?” Sunud-sunod na tanong nung dalawa.

 

“Di-oh Kyungsoo is in a sort of trouble. The guidance counselor was the one who called.” I sighed.

 

“And I need to go to their school to fix the issue surrounding. You two better fix yourselves now and accompany me.” Dugtong ko pa.

 

“Si D.O? Napatrouble? E di naman palaaway yun e. Tahimik nga lang non.” Sabi ni Xiumin.

 

“That was what I’m thinking too. Magbihis na kayo. Dalian niyo na.” Saad ko’t bigla akong binuhat ni Baekhyun.

A Feeling So Strange 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon