CHAPTER 9.3 : XyRis / TaLa Moments

2.5K 68 10
                                    

Xyla’s POV

Bumaba ako mga alas onse ng gabi dahil nakaramdam ako ng gutom. Di pa ako makatulog at nanonood lang ako kaya naman bumaba ako para kumuha ng pagkain. Pagbaba ko ng hagdan, nakita ko si Kris na nakahilata sa sofa’t nakabukas pa yung laptop niya. Natulugan niya na siguro. Dumiretso ako sa kusina’t kumuha ng pagkain at maiinom saka ako pumuntang sala’t umupo sa sahig at hinarap yung laptop niya.

May mga papeles sa tabi at tingin ko, nag-iinput lang naman siya. Tinignan ko siya’t mukhang tulog na tulog na. Lagi nalang puyat ‘to e. Lagi niya kasing inuuwi yung trabaho niya. Napakaworkaholic niya masyado. Tinignan ko kung saan na yung natapos niya’t ng Makita ko ay sinimulan ko nang magtype at magsave. Tutulungan ko nalang siya tutal naman na hindi pa ako inaantok.

Ang dami ko ng sheet na nagamit at isang sheet nalang ang entries ko. Nangalay na nga yung batok ko’t mga daliri kaya nag-unat-unat muna ko’t nagtype ulit at sa wakas ay natapos ko narin. I save all his entries at di ko na kinlose. I just close the lid of his laptop saka ako napahikab. Tinamad na akong umakyat kaya naman kinuha ko nalang yung throw pillow at inunan. Good thing nakapajama ako.

 

 

Kris’ POV

Naalimpungatan ako’t kinabahan ako. Di ko pa pala natatapos yung entries. Patay. Bukas na ‘to. Anong oras na ba? Tinignan ko yung wall clock at alas dos na pala ng umaga. Shet lang. Binaba ko yung paa ko’t nabigla nung may matapakan ako’t pagtingin ko, si Xyla pala. Anong ginagawa nito dito? Nagsleepwak ba siya? Haay… Di ko muna siya ginalaw at kinuha yung laptop ko’t nilagay sa lap ko’t nagulat nalang ako sa note na bumulaga sakin.

 

 

‘Kris, wag masyadong magpupuyat. Matulog ka rin. Tinapos ko na yung trabaho mo. Check it if it’s right. Nasave ko narin yan. Bayaran mo ko dahil ako ang tumapos niyan.---Xyla’Tinignan ko siya’t bahagya akong napangiti. Binuksan ko yung spreadsheet at tapos na nga. Tinabi ko na yung laptop ko’t nilagay sa bag saka ko sinuot at dahan-dahan siyang binuhat.

 

 

Umakyat na ako habang bitbit siya’t hinatid siya sa kwarto niya. I put her on her bed at naabutan kong naka-on pa yung TV niya’t nakakalat yung ilang tapes. Tinabi ko naman na yon at pinatay saka ko siya binalikan at kinumutan.

 

 

“Hmmm…” Mukhang magigising pa ata. Tinap ko ng mahina yung braso niya’t payapa na siyang nahihimbing sa tulog. I smiled and brush her hair. I touch her cheek using the back of my hands.

“Thanks for coming to our lives. Thanks for giving me much inspiration.” Tinitigan ko lang siyang mabuti. Ni minsan hindi ko naisip na darating yung araw na baka… maliban sa trabaho, may iba pa akong pagkaabalahan. I smiled at the thought and give her a  kiss in the head before leaving her room.

 

 

Tao’s POV

“Ayos na pakiramdam mo?” Tumango lang ako’t bahagyang ngumiti.

 

A Feeling So Strange 2 ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon