Xyla’s POV
Gabi na’t di pa ako dinadalaw ng antok kaya naisipan kong bumaba muna. Dumiretso ako sa kusina para uminom ng tubig pero pagbukas ko ng ref ay may nakita akong bote at di ko alam kung anong laman non. Kinuha ko yon at tiningnan. Chinese yung nakasulat at wala akong maintindihan. Binuksan ko yon at inamoy. Ang bango! Siguro naman naiinom ‘to. Di naman siguro nila ilalagay sa ref kung lason ‘to di ba?
Kumuha ako ng baso at nagsalin ng kaunti atsaka ko ininom. Halos malukot ang mukha ko sa lasa. Ang pait! I stick my tongue out. Mapait na mapakla pa. Anong klaseng inumin ‘to? Pero parang nagustuhan ko dahil sa init na gumuguhit sa lalamunan ko at pagtumagal parang tumatamis sa dila ko yung lasa. Nagsalin ako uli hanggang maubos ko na. Hanggang sa kahuli-hulihang patak ay naenjoy ko. I think I should ask Yaya to buy this again.
“*hik* ano ba *hik* ‘to parang sumakit ang ulo ko *hik*.” I shook my head at nanlalabo ang paningin ko ng may maaninag akong pumasok sa kusina.
“Oh, kanina ka pa diyan?” Tanong niya. Tinitigan ko siyang mabuti. May kakambal pala si Suho? Astig ha? Magkamukhang magkamukha sila.
“Oh! Suho dear, ikaw pala *hik*. Sino yang *hik* kasama mo?” Kumunot ang noo niya pati yung kambal niya. Wow, pati facial expression parehas.
“Anong pinagsasabi mo? E tayong dalawa lang ang nandito.” Sabi niya.
“Haha, pinagloloko mo ba ako? *hik*” Lumapit ako sa kanya para hawakan yung katabi niya pero biglang nangatog yung tuhod ko at parang nanghina ako. Buti nalang ay nasalo niya ako agad. Humawak ako sa leeg niya at nginitian siya. Nakahawak siya sa bewang ko. Kumurap-kurap pa ako para tignan siya.
“Ang gwapo mo pala Suho…” Sabi ko at nakita kong namula siya bigla.
“Ano bang pinagsasabi mo Xyla? Bakit ganyan ang amoy mo?” Ano bang amoy ko?
“Ha? Bakit? *hik* Mabaho ba ako? Naligo naman ako ah. Baka bibig mo lang yon. Tandaan, *hik* ang bibig, malapit sa ilong.” I said and giggled. Di ko alam nangyayari sakin. Nababaliw na ba ako?
“Xyla, it is not me. You smell like…”
“Suho, Suho, Suho… inaamoy mo ba ako?” I said teasingly and chuckled. I saw him blush even more. Tinitigan niya lang ako at naalis ang titig niya sakin at nabaling sa iba.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomanceLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...