Xyla’s POV
“Kill! Kill! Kill!” Huh? Sinong papatayin? Ang iingay nila at pababa palang ako nang first floor ay rinig ko na sila mula sa second floor. Nagmadali akong bumaba at nakita ko sila Chanyeol at Tao na may hawak na wireless controller habang yung iba naman ay mukhang nagcheecheer. Tiningnan ko kung anong nilalaro nila. Aish! Bahala sila diyan. Pumunta akong kusina at nakita ko sina Yaya’t Bel na nagluluto. Kinareer na ni Bel ang pagiging chef ngayon ah? Infairness naman sa mga luto niya, improving kahit papaano.
“Do you need help?” Sabay silang napatingin sakin at ngumiti.
“Kaya na namin ‘to hija. Magpahinga ka nalang doon.”
“Oo nga Xyl, o kaya tulungan mo nalang yung mga yon na pumatay kung ano mang papatayin nila.” Natawa ako.
“O-okay… sabi niyo eh.” Umalis na ako doon at tumungo sa sala. Busy’ng busy sila ah. Umupo ako sa tabi ni Luhan.
“Lu, anong nilalaro nila?” Di siya humarap sakin at tutok na tutok lang sila sa TV at panay sabi ng, ‘Kill’. Eh kung patayin ko kaya yan para sakin sila tumingin? Tsk. Kinalbit ko si Luhan pero parang wala siyang nararamdaman at naririnig. I suddenly cupped his face at napatingin naman siya sakin na gulat na gulat with his face turned a bit crimson.
“Xyla? M-may kailangan ka ba?”
“I was just asking here if what they are playing pero mukhang wala kang naririnig kaya ngayon, tatanungin kita ulit. What are they playing at panay Kill, kill, kill ang mga naririnig ko sa inyo?” Binitawan ko yung mukha niya at tumitig dun sa TV. Ganito pala kapag naglalaro sila, halos walang makita’t marinig kundi yung laro.
“Bfjfbsd sgnsdghnhs jfkdsjfsl” Tumango-tango nalang ako sa sagot ni Luhan kahit di ko naintindihan. Focus lang ako sa laro. Napatingin ako kina Chanyeol at Tao na nanggigigil dun sa controller at halos masira na ata kakapindot. Nanonood lang ako hanggang sa may matalo na sa kanila. Napatayo agad si Chanyeol at halos magtatatalon dahil siya ang nanalo. Si Tao naman parang pinagbagsakan ng isang toneladang kalungkutan at pighati.
“Woooh! No one can beat me! Yeah~” Pagmamalaki ni Chan-Chan. Ang yabang ah. Tumayo ako at lumapit kay Tao at kinuha yung controller niya. Umupo ako sa tabi niya’t namili ako ng laro. Bigla nalang silang natahimik at napaupo sa tabi ko si Chanyeol.
“Maglalaro ka? May Tetris diyan.” He said and I look at him strangely. Seriously? Anong tingin niya sakin? Bata para maglaro ng mga ganon at hindi pwedeng maglaro ng nilalaro nila? May napili na ako at buti naman at meron siya nito. Ito ang madalas naming laruin ni Xylo noong bakasyon. Haha. I can smell someone’s downfall.
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomanceLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...