Xyla’s POV
“AHHH! XIUMIN! ILUWA MO YAN! AKIN YAN!” Ang ingay nila grabe. 2nd day ko palang ngayon pero parang normal na ang lahat. Nasa kusina ako at nagluluto kasama si Kyungsoo at Belinda. Tinuturuan kong magluto si Belinda habang si Xiumin at Chen ay naghahabulan.
“Bel, hindi ganyan. At wag kang buhos ng buhos ng maraming asin. Kaya naman pala nagrereklamo silang maalat yung luto mo. Dapat sinusukat mo muna.” Sabi ko sa kanya habang tinuturuan siya kung paano.
“Talaga? Maalat ba ang mga luto ko? Pero sabi nila, masarap naman ah, di ba D.O?” Aish! Hindi kasi vocal yung mga yon. At para hindi sila makasakit ng kalooban ay pinagtiyatiyagaan nalang nila. Ibahin nila ako dahil kapag ayaw ko, sasabihin ko talaga. Ngumiti lang nang pilit si Kyungsoo.
“Wag kang maniwala sa mga yan. Sakin ka maniwala dahil sasabihin ko sayo ang totoo. Di nila gusto ang luto mo lalo na si Chen.” Nalungkot naman siya bigla.
“Pero wag kang mag-alala, dahil nandito ako para tulungan ka.” I said and pat her shoulder. Ngumiti naman siya at masayang tumango-tango.
“Kailan pala magsisimula yung home-schooling mo?” Tanong niya sakin.
“Bukas. Pupunta dito yung mga private Prof ko. Meron akong 7 subjects at apat doon ay isang Prof lang ang maghahandle kaya may apat na Professors lang ako na pupunta dito araw-araw.”
“Wow. Ikaw nang busy.”
“Oo… kaya dapat matuto ka nang magluto dahil mukhang hindi ko na magagawa yon.” Tumango naman siya.
“Ayan, pwede na ‘to. Maghain na tayo para makakain.” Naghain kami at kumain agad. Naging maingay sa hapagkainan dahil kina Xiumin at Chen at sinamahan pa ni Baekhyun kaya natatawa nalang kami. Pagkatapos kumain ay nanood lang kaming lahat sa sala.
“AHHH!” Napapasigaw pa si Bel at napapayakap sakin, paano, horror yung pinapanood namin eh duwag rin ‘to.
“Bel…”Bulong ko sa kanya.
“Hmmm?”
BINABASA MO ANG
A Feeling So Strange 2 ✔
RomanceLeaving is my choice. Hatred is my reason. Self became my enemy. But no matter how I deny things and ran away, they keep on haunting me. Until coming back became a choice for a reason in a new season. And I realize that no one comes home for so long...