Rochete's POV
"Wala akong nadinig. Wala akong nakikita. Wala." bulong ko sa sarili ko habang umiiling.
"야! 너 이름이 뭐에요?" tanong niya. (Hey! What's your name?")
Hawak niya ang tangkay ng lollipop gamit ang dalawang kamay at nakapout na nakatingin sa'kin.
"Korean ka?" tanong ko at umiling siya.
"Nope. I just loved to speak korean language. I like kdramas."nakangiting sagot niya na ikinagulat ko.
"A boy like kdramas?" tanong ko.
"왜? Are boys not allowed to liked it?" he asked pouting again. (Why?)
Aishhh.. bakit ko ba naman siya kinakausap? Nababaliw na nga ata ako.
Tumayo ako.
"Alis! Alis! Di kita nakikita! Di kita naririnig!" sigaw ko sa kaniya."Ms. Ermezia!"
Napalingon ako kay Mr. Perez na nakatayo sa harap ko.
"S-sir?"
"Who are you to yell at me!?" sigaw niya at napaawang ang bibig ko.
"N-no sir, I'm... I'm not talking to you." sabi ko.
"Then who are you talking to?" tanong niya at di ako nakasagot.
Hindi niya rin nakikita si Yu ryeong?"Stop making excuses Ms. Ermezia. Go to principal's office, now!" sabi niya habang nakaturo sa labas ng pintuan.
Lumabas na ako at sinundan ako ni Yu ryeong.
"Layuan mo ako." sabi ko sa kaniya.
"왜?" tanong niya habang sinasabayan ako sa paglakad. (Why?)
"Don't follow me!" sigaw ko at hinarap siya.
Nagtinginan sa'kin ang ibang estudyanteng nasa corridor.
"Sinong kausap niya?"
"Nababaliw na ba siya?"
"Anong nangyayari sa kaniya?"Aishhh!! Nagmadali ako sa paglalakad hanggang makarating sa office.
"Goodevening ma'am." sabi ko at pumasok na.
"Take a sit." sabi niya at umupo ako.
"Goodevening ma'am." umupo sa tabi ko si Mr. Perez na kararating lang.
"This student just told me to leave." madiing sabi ni Mr. Perez
"Ms. Ermezia,right?" tanong niya while lifting her sunglasses slighlty.
"Yes ma'am." I answered with a nod.
"Why did you do that?"
"Ma'am... I... uhmm.. would you believe me if I told you that I can see someone who cannot be seen by others?" tanong ko at umayos siya ng upo. Ipinatong niya ang dalawang kamay sa glass table at pinagsalikop ito.
"Hmmm.. why do you ask? Is there someone you can see that we cannot?" tanong niya.
"Yes ma'am." sabi ko.
"We should call her parents, ma'am." singit ni sir Perez.
_____
"Rochete, anong naisip mo't sinigawan ang teacher mo? Mabuti't hindi ka sinuspinde." sabi ni papa habang nakapamaywang sa harap ko at nakaupo ako a sofa.Bumuntong hininga ako bago nagsalita.
"I didn't yell at him.""Stop denying it." giit niya.
"Fine. Tapos na naman eh, hindi na yun mauulit." malamig na sabi ko tsaka tumayo at sinakbat ang bag ko bago tuluyang pumasok sa kwarto ko.
Sinubsob ko ang mukha ko sa unan ko.
Ano bang nangyayari sa'kin? Bakit ako lang ang nakakakita sa lalaking yun? Imagination ko lang ba talaga siya?
____"Goodmorning! Pang-umaga ang klase mo?" nakangiting bungad ni Yu Ryeong pag pasok ko ng classroom.
Nakaupo siya sa upuan ko habang nakacross arms at nakangiti.
Umiling ako. "Imagination lang siya." bulong ko sa sarili at bumuntong hininga.
Umupo ako sa upuan ko nang di pinapansin ang prisensya nya pero...
"A-anong ginagawa mo?" tanong niya at narealize ko na nakakalong ako sa kanya kaya agad akong tumayo.
Hindi siya imagination.
Napatingin ang ilan kong kamag-aaral sa pagtayo ko.
Kunwarian kong sinipa ang paa ng upuan pero paa ni Yu ryeong ang sinipa ko.
"Promise me first na tutulungan mo ako." nakapout na sabi niya,still crossing his arms.
"Rochete anong ginagawa mo? Bakit sinisipa mo yang paa ng upuan?" lumapit sa'kin si Lisa kasama si Reg.
"Ahh.. may ... may peste kasi, ayaw umalis eh." sabi ko.
"Nasan ba? Ba't ayaw mo pang ibaba yang bag mo?" tanong ni Reg at kinuha ang bag ko.
"Uhmm.. Sige, pakibagsak na lang niyang bag sa upuan ko. Yung malakas , para mawala yung peste. Ccr lang ako. Salamat" sabi ko pero di ko pa man naiaalis ang paningin ko sa upuan ko ay inilagay na ito ni Reg nang dahan-dahan.
Napaawang ang bibig ko.Lusutan kay Yu Ryeong yung bag ko.
"Uy, okay ka lang? Para kang nakakita ng multo." sabi ni Lisa.
M-multo? ... Tama! Multo siya???
Di na ako nakasagot at tumakbo na papunta sa cr.
BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantasyNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...