11

16 4 0
                                    

Rochete's POV

"Si Ms. Ermezia ang pinag-aawayan ninyo, tama ba?" tanong ni sir sa dalawang 'to.

Oh, bakit ako nandito? Eh etong dalawa lang naman ang nag-away eh.

"Sir si Yuri po kasi nangingialam sa'min ni Rochete." sabi ni Darwin.

"Sir, pa'no ba naman akong di makikialam eh binabastos nitong si Darwin ang kaibigan ko." sabi naman ni Yuri.

"Ms. Ermezia, totoo ba yun?" tanong ni sir Carandang.

"Pareho pong hindi. Una, hindi nangingialam si Yuri sa ginagawa namin dahil wala naman kaming ginagawa. Siya lang ang may ginagawa at yun ay ang pangungulit niya. Ayaw ko nga po siyang kausapin at iniiwasan ko eh. Pangalawa, hindi rin naman po ako binabastos ni Darwin, kinukulit lang ho." paliwanag ko.

"Ahhh, yun naman pala so bakit mo naman sinuntok 'tong si Mr. Marquez?" tanong ni sir kay Darwin.

"Masyado ho kasing mayabang." sabi naman ni Darwin.

"Pareho naman kayong may kasalanan. Wag na kayong magsisihan." singit ni YuRyeong kahit di naman siya dinig ng mga 'to.

"Mayabang? Look who's talking." sabi ni Yuri.

"Ehh wow!" sarkastikong sabi ni Darwin. "Sabi mo I should back off kasi wala akong pag-asa, eh ikaw? May pag-asa ba?" dagdag niya.

"Immature." sabi ni Yuri.

"Quiet! At dahil don ay sinuntok mo siya?" tanong ni sir at walang sumagot.

"Tsk! Tsk! Isa ka pa. Pinatahimik mo tapos tatanungin mo. Oh ngayon pa'no yan sasagot?" sabi ni YuRyeong at umupo sa table ni sir Carandang at dinuyan-duyan ang paa niya.

"Ms. Ermezia, why are you smiling?" tanong ni sir.

Di ko kasi mapigilan ang tawa ko.
"Ugghh.. may--"

"Sabihin mo naalala mo lang yung boyfriend mo." sabi ni YuRyeong.

"Naalala ko lang po yung boyfriend ko." sabi ko at nagulat si Yuri at Darwin.

"M-MAY BOYFRIEND KA NA?" gulat at sabay na tanong nila.

"Uhmm.. maybe?" nag-aalinlangang sagot ko.

"Of course yes!" sabi ni YuRyeong.

"Uhmm. OF COURSE YES." confident pang sagot ko.

"Sino?" tanong ni Yuri.

"Oh s'ya s'ya, mamaya na yang boyfriend na iyan. Oh ngayon, malinaw na sa inyo na pareho kayong walang pag-asa. Dahil diyan, titigil kayong dalawa sa detention room bukas ng tanghali pagkatapos ng uwian, pagkakain ninyo ng tanghalian. Pang umaga klase ninyo, diba?" sabi niya sa dalawa at sabay na tumango sila.

"Sa tanghali, pag di kayo pumunta, ipapatawag ko ang parents ninyo plus suspended kayo at bagsak sa subject na di nyo napasukan during the days of suspension. That's your choice. Don't forget, Mr. Marquez and Mr. Hernandez, detention room tomorrow, after class, after lunch. Magsiuwi na kayo at gabi na." sabi ni sir at pinalabas na kami.

Yes! Hindi ako kasama sa mapapa-detention.

"Yey! Diba... di ka nadamay." nakangiting sabi ni YuRyeong habang naglalakad ng patalon-talon na animo'y bata.

"Sus, kahit naman di ko yun sabihin, di pa rin ako damay kasi di naman talaga ako ang may kasalanan kung bakit sila nag-away. Pero thanks sa paghila sa'kin kanina, kung di mo ginawa yun baka naputol na 'tong mga braso ko sa pag-aagawan nila." nakangiting sabi ko habang mabagal na naglalakad patungong gate at tumawa siya.

"Roch...totoo bang may boyfriend ka na?" tanong ni Yuri at sinabayan akong maglakad.

"Huh? Wala." natatawang sabi ko.

"Buti naman. Pero ba't mo sinabi yun?" tanong niya.

"Ughh.. kasi di naman maniniwala si sir pag sinabi kong kaya ako ngumingiti ay dahil sa multong 'to diba?" sabi ko at tinuro pa sa gilid ko si YuRyeong na malawak ang ngiti.

"Hi!" nakangiting malawak na bati ni YuRyeong kay Yuri kahit di naman siya nakikita at nadidinig nito.

"Hmmm? Lalaki ba yan? Nakakaselos na ah. Sana white lady na lang yan. Please say that that ghost is a lady not a guy." sabi niya at nakaplease sign pa.

"Ediii sasabihin ko. HE is a lady not a guy." sabi ko sabay tawa at sumimangot siya.

"Oy multo, walang agawan ha? Akin 'to." sabi ni Yuri, na parang nakikita si YuRyeong, at inakbayan pa ako. Tinuktukan ko naman siya.
"Aray! Oh anong masama dun? Akin ka naman ah? Aking kaibigan. Ohh,diba?" sabi niya at tinuturo pa ako habang nakakindat.

"Whatever!" sabi ko sabay irap.

Hinatid pa ako ni Yuri dito sa bahay.
"Sus, ang lapit lang naman." umiirap na sabi ko nang makarating kami sa gate ng bahay.

"Pasok na. Di ako aalis hangga't di ka pa pumapasok." sabi niya at nakita ko si mamang papalapit dito.

"Anak.. ohh, may bisita ka? Hijo, tuloy ka muna." sabi ni mama at pinatuloy si Yuri.

Naglalakad kami papuntang pintuan.
Malaki kasi itong bahay namin at medyo malayo ang pintuan sa gate kaya nga di nila nakitang hinatid ako ni sir Perez noon.

Nasa hapag kainan na kami at magkatabi kami ni Yuri habang sa tapat naman namin ay sina mama't papa.

"Hijo, ano nga palang pangalan mo?" nakangiting tanong ni mama.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon