Rochete's POV
"Hmm?" nagtatakang tanong niya at nakatingin sa'kin ng nakakunot ang noo at naka-tilt ang ulo na parang aso.
"Story. Kung paano ka naging ganyan. Saan ka ba namatay? Dito?" walang pakundangang tanong ko.
"Ahh... Una sa lahat, di pa ako patay." panimula niya at nagulat ako. "Isang araw, bigla na lang akong nagising sa classroom. Nakatulog pala ako sa klase. Buti hindi ako napagalitan ng teacher." kamot-ulong panimula niya. "Bumangon ako tapos tinanong ko yung katabi ko kung anong lesson na. Hindi niya ako pinansin. Lahat kinausap ko pero walang nakakakita sa'kin. Naglakad ako sa corridor, lahat ng tao tagusan lang sa'kin. Di ko alam ang gagawin ko kaya pumunta akong library at dun umiyak sa sulok. Bigla na lang akong may narinig na tinig. Di ko alam kung saan nagmumula. Sabi niya makakabalik raw ako sa dati kung may magbibigay atensyon sa'kin. Sinabi niya rin na makikita at mahahawakan ako na parang tao kapag may isang taong tumitig sa'kin ng isang minuto o higit pa. Matapos non, di ko na uli narinig ang tinig. Lahat ng nadadaanan ko, nilalampasan lang ako kahit titigan ko sila kaya naman nawalan na ako ng pag-asang makabalik sa pagiging tao. Tanggap ko na ang kamatayan ko. Tanggap ko nang maglalaho na lang ako na parang bula. Pero... nabuhayan ako at nagkaroon ng pag-asa nung kausapin mo ako at nakita. Ikaw ang pag-asa ko, Rae." pagpapatuloy niya.
"RAE? San mo nakuha yun?" tanong ko.
"Rochete Aniel Ermezia" sabi niya nang nakangiti.
"Roshey ang basa dun hindi Roshet." sabi ko.
"Okay patpat." natatawang sabi niya at tiningnan ko siya ng masama.
"Patpat?!" galit na tugon ko.
"Joke lang." nagpipigil-tawang sabi niya.
"Di naman ako gaanong kapayatan ah. Hiyang hiya ako sa'yo, tingting." bawi ko kahit di naman siya talaga payat.
Tama lang ang katawan niya at matangkad siya. Hindi ko sasabihin na cute 'tong nilalang na 'to kahit ang cute cute niya, teka... Hindi siya cute. Hindi siya cute. Hindi siya cute.
Nagpout siya. Aishhhh! Ang cute talagaaa. Jeon Jungkook oppa, 미안해요. (Sorry.) Sabi ko si Jungkook oppa, Rocky oppa, Woohyun oppa, at Suho oppa lang ang cute ehh pero I found this ghost handsome and CUTE.
"So,what's our plan?" tanong ko at isinantabi ang ka-cute-an niya.
"Just give me attention. That's all." he said with a thankful smile.
"Okay. Don't forget your promise. You won't bother me after this." paalala ko at tumango-tango lang siya.
"고마워." sabi niya at niyakap ko.(Thanks)
Fine... I hugged him back.
_______"Saan ka ba nanggaling? Di ka naman nagc-cutting class dati ah?" salubong sa'kin ni Yuri pagbalik ko ng classroom.
"First subject lang naman ang nawala. Babawi na lang ako bukas." sabi ko at dumiretso na sa upuan ko.
Nagstart ang lesson at gaya ng napagkasunduan namin ni YuRyeong, hindi na siya nangulit sa oras ng klase.
______
The next day...Recess na at nakatulala ako sa desk ko. May papel na nakatape sa taas na bahagi nito at may nakasulat na pangalan.
'Zai ♡ Sugar'
Sino kayang nagkapit nito dito?
"Tara sa backstage. Kwentuhan naman tayo." pagyayaya ni Yu Ryeong at sumunod na lang ako.
_____
"Oh? Anong pagkukwentuhan natin?" tanong ko nang makaupo na kami sa sahig ng backstage."Kanina, narinig kong nag-uusap yung mga kaibigan mo." panimula niya.
"Alam ko. Di sila naniniwala sa'kin. Siyempre, sino nga bang maniniwala na may nakikita akong multo?" sabi ko at bumuntong hininga.
"Pero alam mo ba ipinagtanggol ka nung lalaking gwapo na lumapit sa'yo kagabi. Naniniwala siya sa'yo." sabi niya at napaisip ako.
"Sino? Si Yuri?" tanong ko at nagkibit-balikat siya.
"Di ko alam ang pangalan." sabi niya and he snap his fingers.
Sa isang iglap lang ay may hawak na siyang dalawang cupcakes.
"Oh." sabi niya sabay abot sa'kin ng cupcake at tinanggap ko naman.
"Kung may magic ka,bakit di mo gamitin para makabalik ka sa pagiging tao?" nagtatakang tanong ko at kumagat sa cupcake na ibinigay niya.
"Ang kaya ko lang i-magic ay ang ice cream, kanin, lollipop, cupcake, malunggay at iba pang gulay." sabi niya at kumagat rin sa cupcake na hawak niya.
"Ahh. Ilang taon ka na ba?" tanong ko.
"18." tipid niyang sagot habang busy sa pagkain ng cupcake.
"Ahhh so.. gaano katagal ka nang multo?" tanong ko.

BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantasyNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...