Rochete's POV
"Dalawa." sagot niya.
"Ahh dalawang buwan pa lang nama--"
"Dalawang taon." pagputol niya sa sasabihin ko at halos mabilaukan ako.
"DALAWANG TAON? Ganon katagal na walang pumapansin sa'yo? Sa cute mong yan, walang pumansin sa'yo?" binulong ko na lang ang last sentence na sinabi ko.
"Hmm-mm." tumatango-tango niyang sabi.
I sighed at tiningnan lang siyang tahimik na kumakain ng cupcake.
Napatigil siya nang mapansing nakatingin ako. Agad akong umiwas ng tingin nang tumingin siya sa'kin.
"왜?" nagtatakang tanong niya. (Why?)
"Wala. Ang sarap ng cupcake." palusot ko at nagpatuloy sa pagkain samantalang siya naman ay ngumiti ng malawak.
"Bakit?" tanong ko rin."Wala. Ang sarap ng cupcake." nakangiti pang paggaya niya at sinuntok ko siya sa dibdib niya sabay irap.
"Huh? 왜?" tanong niya muli. (Why?)"Mag-isip ka ng line mo! Wag kang mangopya." sabi ko nang di nakatingin sa kanya at naka-focus sa pagkain ng cupcake.
Tumawa siya at inubos ko na ang cupcake bago siya binalingan.
"Anong nakakatawa?" mataray na tanong ko.
"May naalala lang ako sa'yo." sabi niya nang nakangiti na parang bata.
"Ano?"mausisang tanong ko.
"Basta." nakangiti siya at nakatingin sa kawalan.
Hmm? Ano kaya yon?
"Ano nga kasi? Sabihin mo na." pangungulit ko.
"Asukal." bigla niyang sabi at tumingin sa'kin. "Happy?" tanong niya.
"Huh? Asukal? Prfft-" pinigilan ko ang tawa ko.
"Oh, anong nakakatawa?" tanong niya rin.
"Naalala mo ang asukal dahil sa matamis ang cupcake na kinain natin?" natatawang tanong ko.
"Oo. Anong masama dun?" nakapout na tanong niya.
Napahagalpak na ako ng tawa.
"Isip bata ka talaga." sabi ko habang kinakalma ang sarili."Tss." umiirap niyang sabi.
_____
Mabilis na lumipas ang mga araw at Biyernes na agad. Panggabi ang klase ko ngayon pero hapon pa lang ay pumasok na ako. Nadatnan ko si YuRyeong na nakaupo sa seat ko at kumakain ng lollipop."Ang tagal naman ni patpat." nakapout niyang sabi habang hawak ang lollipop gamit ang dalawang kamay at nakatingin sa desk.
"Bakit ba lagi kang jan umuupo sa seat ko? Eh ang dami-dami namang upuan dito." tanong ko at nagulat siyang napatingin sa'kin.
"Akala ko panggabi pa ang klase mo?" tanong niya at tumayo na.
"Pumasok na agad ako para di ka mag-isa." sabi ko at ibinaba ang bag ko sa upuan bago umupo sa katabing armchair nito.
Tinapik ko ang armchair ko para paupuin siya pero di niya na-gets.
"Upo." sabi ko.
"Payag kang maupo ako jan sa seat mo?" di makapaniwalang tanong niya.
"Oo. Bakit ako naupo dito sa isang armchair kung di kita hinahayaang maupo jan sa armchair ko?" tanong ko at umupo na siya doon.
"It's not yours." sabi niya at sinubo ang lollipop.
"Edi sa school, tss." umiirap na sabi ko at nakatingin lang siya sa desk.
Nang maubos niya na ang lollipop ay nagsimula na akong magtanong.
"So bakit nga jan ka lagi naupo sa upuan ko?" tanong ko.
"Dito ang upuan ko nung di pa ako nagkakaganto." sagot niya habang nakatingin pa rin sa desk.
"Wait... akala ko 18 ka na? Pero grade 10 ka pa lang?" naguguluhang tanong ko.
"16 ako nung nag-umpisa 'to at gaya ng sabi ko, dalawang taon na akong ganito. Kaya 18 na ako ngayon." paliwanag niya.
"Ibig mong sabihin... patuloy pa rin ang pagtanda mo na parang tao kahit multo ka???" di makapaniwalang tanong ko at tumango siya bilang sagot.
"Woah..." tanging nasabi ko."Gaya nga ng sabi ko sa'yo, di pa ako patay." sabi niya at tumango-tango ako nang unti-unting maliwanagan.
"Alam mo ba kung sino o ano yang pangalang nakadikit?" tanong ko at tinuro ang pangalan.
'Zai ♡ Sugar'
"Bakit gusto mong malaman?" nakakunot-noo at naka-tilt ang ulong tanong niya na parang aso.
"Wala lang. Na-curious lang ako." sabi ko.
"Mmm... May mga kapatid ka ba?" biglang tanong niya at umiling ako.
"Only child. Ikaw?" tanong ko at tiningnan ko siya na nakangiti at may nangungulilang mata. Nakatingin siya sa bandang unahan ng classroom habang nakatitig lang ako sa kanya.
"I have a twin sister." sabi niya at nagulat ako.
Lagi na lang akong ginugulat ng isang 'to.
"I miss her. Halos lahat ng birthday celebration namin magkasama kami but... those two birthdays... we were not together." nakahikbi niyang sabi at konti na lang ay iiyak na.
"Huwag kang mag-alala. I promise you na sa next birthday mo kasama mo na uli siya." I smiled at him at hinagpos pa ang likod niya.
"진짜?" naiiyak at nakahikbi pa ring tanong niya. (Really?)
"Hmm-mm." tumatangong tugon ko nang nakangiti.
______
*
"Sugar!"tumatakbo siya papalapit sa'kin.
"Puppy?" nakahikbing tanong ko.
"Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong niya at tinulungan akong tumayo.
"Wag ka nang umiyak. Maupo ka muna." sabi niya at umupo ako sa malapit na bench.
Inabutan niya ako ng lollipop.
"Tahan na." sabi niya at hinagpos ang ulo ko bago siya umupo sa tapat ko at hinilot ang paa kong natapilok.Umupo na siya sa tabi ko at nginitian ko siya.
"Thank you!" nakangiting sabi ko at ngumiti rin siya.
"Anak! Halika na. Uuwi na tayo." nakangiting sabi ng matangakad na babaeng papalapit sa'min.
"Sige po mommy." sabi niya at lumapit sa mommy niya.
"Bye, sugar!" nakangiting sabi niya habang kumakaway.
Pakiramdam ko ay ayaw ko pa siyang umalis sa tabi ko habang nakikita ko siyang palayo sa'kin.
"Roch"
"Babalik ako." sabi niya sa'kin habang nakangiti at naglalakad palayo.
"Roch"
*
Nagising ako at si Yuri ang bumungad sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/219344884-288-k544352.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantasyNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...