18

14 4 0
                                    

Rochete's POV

"P-po? T-teka lang po." pagpigil ko sa mga nurse sa pagtatanggal ng aparato.

"Sino ka?" tanong ng matandang babae sa akin.

"Ako po si Rochete. Kaibigan po ako ng apo n'yo. Please---"

"APO? Anong tingin mo sa'kin lola?!" galit na sigaw niya.

H-huh? S-so.. ano siya?

"Sorry po, sorry po. Please, please wag nyo pong isuko si Zai. Please po." pagmamakaawa ko at hinawakan pa ang dalawa niyang kamay na agad niya ring inagaw.

"Magsilabas na kayo. Dun na lang kayo maghintay sa labas." utos niya.

"Ma, akala ko ba napag-usapan na natin 'to?" tanong ni Kiko sa matandang babae na mama niya pala so pamangkin niya pala si Zai.

"Ako ang matanda dito. Ako ang masusunod. Napapagod na ang pamangkin ko at ayoko ng ganon. Hayaan na natin siyang magpahinga."

"Mawalanggalang na ho pero paano nyo po nasabi na pagod na siya? Sa tingin nyo po ba gusto niya nang sumuko? O kayo lang po yung gustong sumuko? Lumalaban po siya. Sigurado po akong lumalaban siya." paliwanag ko.

"Tita, please po. Tama po siya, ilaban natin si Zai." sabi nang babaeng ngayon ay nakatayo na sa tabi ni Daniel ngunit matamlay pa rin na nakatingin kay Zai.

"Sino ka ba hija? Kaibigan ka lang. Ako ang pamilya. Ako ang nagpalaki sa kanya kaya ako ang nakakakilala sa kanya." sabi sa'kin ng tita ni Zai.

Pinalabas kami. Ngayon ay nakaupo kami dito sa labas ng room.
Sa lahat, kaming dalawang babae ang pinakaapektado.
Nakatulala lang ako at di mapakali.

Anong gagawin ko? Hindi pwedeng isuko si Zai. No.. I should do something. 어떡해? (What should I do?)

"Saan mo nakilala si Zai? Una mo palang siyang nakita, alam kong kilala mo na siya. Ex ka ba niya tapos mahal mo pa siya? Bakit parang apektadong apektado ka? Mas apektado ka pa kay Kiko at Max." sabi niya na di magawang i-process ng utak ko dahil nag-iisip ako ng plano.

"This is my fault. Dapat mas kinumbinsi ko si mama." sabi ni Kiko na di na rin mapakali.

"No.. Kiko, this is my fault. Baka... dahil di ko siya ginising agad noon. Dahil di ko s-siya pinansin. Ako.. ako talaga ang may kasalanan noon pa man." umiiyak na sabi nung babae.

"Max... kung naririnig ka ni Zai paniguradong mas nag-iiiyak yun sa'yo dahil sinisisi mo ang sarili mo. Walang dapat sisihin." sabi ni Daniel at nalaman kong Max pala yung pangalan nung babae.

"Two years... two years nga ba siyang nakahiga diyan sa hospital bed?" biglang tanong ko habang nakatingin lang sa tiles.

"P-paano mo nalaman?" tanong ni Max.

"Max? Ikaw ba yung... kakambal niya? Kakambal ka ni Zai? Ikaw ba yun?" sunud-sunod na tanong ko habang tiningnan siya ng diretso sa mata at halatang nagulat siya.

"O-oo..b-bakit?"

Mas bumuhos ang luha ko nang um-oo siya.
Kung alam niya lang na miss na miss na siya ni Zai.

Teka, anong gagawin ko? Di pwedeng mamatay si Zai.

Tumayo ako at nagpalakad-lakad.

"Nakakahilo ka miss." matamlay na sabi ni Dexter habang hinang hinang nakasandal sa upuan.

Bigla akong may naalala.

*flashback*

Agad akong lumapit kay YuRyeong.
"O-okay ka lang?" nanginginig at naluluhang tanong ko dahil di ko alam ang gagawin.

"R-Rae.. h-hindi ako... ma..kahinga ng m..maayos." nakahawak sa dibdib na sabi niya at di makapagsalita ng ayos dahil kinakapos siya sa paghinga.

"Roch.. ano bang ginagawa mo? Pinagtitinginan at pinagtatawanan ka na ng mga kaklase natin." madiing bulong ni Yuri at hinila ako patayo.

"Wala akong pakialam!" inis na sigaw ko naman sa kanya at tutulungan ko na sanang makatayo si YuRyeong.

"Hindi.. , okay na ako." nakaupong sabi ni YuRyeong at nakahawak sa magkabilang sentido habang mariing nakapikit.

"Sigurado ka b---" di ko pa man natatapos ay sumagot na siya.

"Oo. Umalis ka na Rae." nakapikit pa ring sabi niya.

*end of flashback*

Paano kung yan ang nangyayari sa kanya ngayon habang inaalis na ang mga aparatong nakakabit sa kanya?

Kitang kita ko noon kung paano siya sinabing okay lang siya kahit kita ko naman sa mata niyang nahihirapn siya.

Agad akong pumunta sa pinto pero naka-lock ito.

"Buksan nyo po ito, please! Doc, nurse ayaw pang sumuko ni Zai! Please! Lumalaban siya! Please wag nyong gawin 'to!" sigaw ko habang kinakatok at pinipilit buksan ang pintuan.

Wala akong pakialam kahit sinong nakakakita't nakakarinig sa'kin. Kahit pinagtitinginan na ako at nagmumukhang baliw ay WALA.AKONG.PAKI.ALAM.

"Roch! Ano bang ginagawa mo jan?" sabi ni Yuri at hinila ako. Tiningnan niya pa sina Daniel,Dex,Kiko at Max.

"Roch... balik na tayo." sabi naman ni Lisa.

"No.. guys, I need your help." sabi ko.

"What? What do you think you're doing?" tanong ni Yuri at nagdatingan ang guards at nurses na may dalang panturok.

"Miss, you don't have--" di pa tapos si Daniel ay nagsalita na si Yuri.

"I'm sorry. I can handle her."sabi ni Yuri kay Daniel.

Napayakap ako kay Yuri nang biglang bumukas ang pinto.

"Doc, Doc ano pong nangyari?" nag-aalalang bungad na tanong ni Max.

"Doc, tell us na buhay siya. Please po." pagmamakaawa ko.

"Hindi pa sila tapos sa pagtanggal ng mga aparato. May pasyente lang akong kailangang puntahan." sabi niya sa amin.
"Ba't andaming nurse dito? Bakit may guards?" tanong ng doctor sa mga nurse.

"Yang pasyenteng yan doc, sabi niya mag c-cr lang siya pero di na bumalik." sabi ng isang nurse.

Hindi ko na tinapos ang mga pinag-uusapan nila at dali-dali akong pumasok sa loob.

"Nurse! Ibalik nyo po ang mga aparato. Please...." paki-usap ko nang makitang tapos na silang tanggalin ang aparato.

Patay na...

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon