8

28 12 1
                                        

Rochete's POV

Naka-pout siya at nakatingin ng diretso sa mata ko.

"Totoo nga. Gaya ng sabi ko, di pa ako patay." kamot-ulong sabi niya at pinanliitan ko siya ng mga mata habang sinusuri kung nagsasabi ba siya ng totoo.

"Fine,fine,fine,fine,fine!" mabilis na sabi ko at bumalik sa upuan ko at muling naupo.

"Oh... akala ko uuwi ka na?" gulat na tanong niya.

"Sinong nagsabi sa'yo?" nakangising tanong ko and I crossed my legs.

"Uwi na." utos niya at itinuro ang pinto palabas ng classroom.

"Bakit ba naka hospital gown ka ngayon? Tsaka... naliligo ka ba? Kung nakakapag-cr ka, syempre nakakaligo ka diba?" sunud-sunod na tanong ko para maiba ang usapan.

"Una, hindi ko alam. Pangalawa, hindi. Pangatlo, hindi rin." sagot niya at umupo sa armchair katabi ko.

Gumana ang plano ko. Nakalimutan niya nang pauwiin ako.

"Huh? Anong una, pangalawa mong sinasabi?" naguguluhang tanong ko.

"Eh sabi mo bakit ako naka-hospital gown ngayon. Ang sagot ko hindi ko alam. Tapos tinanong mo ako kung naliligo ba ako, then I answered no. Sinabi mo na kung nakakapag-cr ako, syempre naliligo ako at ang sagot ko ay hindi." paliwanag niya.

"Ahhh... pero... kanina hindi ka pa naman nakahospital gown nung nabunggo mo ako." nagtatakang sabi ko.

"Ikaw ang nakabunggo sa'kin." sabi niya at tinuro pa ako.

"IKAW ang nakabunggo sa'kin." sabi ko at tinabig ang kamay niya.

"Ikaw." sabi niya.
"Ikaw." giit ko.
"Ikaw." giit niya rin.
"Ikaw." pagpupumilit ko at tinuro na siya.

Nag-pout siya bago umirap.
"Edi ako na uli." kamot-ulong sabi niya bilang pagsuko.

"Hahahahaha! Sumuko rin." tumatawang sabi ko at natigilan ako nang titigan niya ako nang nakangiti.

Hindi siya yung kadalasan niyang malawak na ngiti.. yung ngayon, ito yung ngiting ngayon ko lang nakita sa kanya. Mapang-asar na ngiti.

"O-oh? B-bakit ganyan ka makangiti at makatitig sa'kin?" kinakabahang tanong ko.

Hindi ko alam kung bakit pero bigla na lang akong nakaramdam ng kaba at bumilis ang tibok ng puso ko.

"Ngayon lang kita narinig tumawa. You're so cute!" nakangiti pa ring sabi niya at pinisil pa ang dalawang magkabilang pisngi ko.

"Stop!" sabi ko at tumigil siya. "Ang sakit non ha." sabi ko at hinaplos haplos ang sarili kong pisngi.

"Sorry." naka-pout na paumanhin niya.

Aishhhh! Why are you always pouting? It's really cute when you do that.

"Miss?" tinig ng isang lalaki at nilingon ko siya. "Miss, umuwi ka na. Gabi na tsaka isasarado na 'tong school." dagdag niya at lumapit papunta sa'kin.

Tumayo na ako at sinakbit ang bag ko. Tiningnan ko muna si Yu Ryeong bago ako tuluyang lumabas ng classroom.

Palabas na ako ng gate nang muli akong tinawag ng lalaking iyon.
"Miss, sandali!" tawag niya kaya huminto ako at nilingon siya.

Hinintay ko siyang tuluyang makalapit sa'kin bago ako nagsalita.
"Bakit?"

"Hatid na kita, gabi na at delikado na sa labas." alok niya at tumanggi ako.

"Hindi na. Kaya kong mag-isa." sabi ko at hahakbang na sana nang pigilan niya ako sa braso.
"Get off me." madiing utos ko.

"No. I won't let you go unless pumayag kang ihatid kita." makulit na sabi niya.

"Sino ka ba? Bakit ba ang kulit mo?" pikon na tanong ko.

"Transferee ako dito at hindi ako scholar kaya nagttrabaho ako. Ako yung naatasang mag-lock ng kada classroom at pati na rin nitong school gate." sabi niya na nakahawak pa rin sa braso ko.

Nagulat ako nang may tumabig sa kamay niya. Hindi lang pala ako ang nagulat, maging itong lalaking 'to ay gulat na gulat.

"Gabing gabi na ah. Bakit di pa kayo umuuwi? Isa pa, bawal maglandian sa school. Gusto nyo bang ipatawag ko ang mga magulang ninyo?" tanong ni sir Perez.

"Sorry po sir. Pinipigilan po kasi ako ng isang 'to." paliwanag ko at sinamaan ng tingin ang transferee.

"Sir, gusto ko lang naman po siyang ihatid dahil gabi na at delikado para sa isang babaeng katulad niya ang maglakad mag-isa sa kalsada ng ganitong oras." paliwanag niya rin.

"Oh sige. Ganito na lang. Mr. Hernandez, umuwi ka na at ako na ang maghahatid kay Ms. Ermezia sa bahay nila sa kanto para sa'yo." sabi ni sir Perez.

_____
"Anak, bakit ngayon ka lang? 9:00pm na ah, diba 8:00 ang tapos ng klase mo?" nag-aalalang bungad na tanong sa'kin ni mama.

"Anong nangyari? Nag overtime ba kayo? Pinag-alala mo kami ng mama mo." nag-aalalang sabi naman ni papa.

"Okay lang po ako. Uhmm.. nag... naglibot-libot pa po kasi ako sa school tapos di ko po namalayan ang oras." pagsisinungaling ko.

Di naman sila maniniwala kung sasabihin ko ang totoo na nakipag-usap pa ako sa multo dahil naaawa akong maiwan siyang mag-isa doon.

Matapos kaming kumain ay pumasok na ako sa kwarto at natulog.
_____
Buong sabado ay nag-asikaso ako ng mga activities at paper works na ipapasa sa tuesday.

Nung linggo naman ng umaga ay sumimba kami at nung hapon ay sinubukan kong pumunta ng school para sana kamustahin si YuRyeong pero sarado naman ito, naisip ko rin na baka umalis si YuRyeong ng school at pumunta muna sa kanila.

Pumunta na lang akong park at nakita ko si Yuri doon.
Di niya naman ako napansin dahil busy siya kasama sina Reg, Lisa, at Criselda.
Pagkatapos kong mamahinga sa bench ay napagdesisyunan ko nang umuwi.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon