Rochete's POV
"Nalaman ko na kung bakit ako naging multo noon. Yun ay dahil sa isang babaeng hindi ko napapansin at sinumpa ako ng nanay niyang mangkukulam." pagsasalaysay ni Zai.
Nakasandal siya sa railings ng rooftop ng bahay ko.
Sabado ngayon at dumalaw siya rito dahil di ako pumasok sa trabaho.
Tuwing sabado kasi ay nagpapahinga ako.
"So paano ka nabuhay?"
"Nung naglaho ako.. nanaginip ako. Sabi ng tinig, sobra sobra pa daw ang natanggap ko dahil atensyon lang ang kailangan ko pero binigyan mo ako ng pagmamahal. Tapos nagising na ako sa hospital." maiksing paliwanag niya.
"Ahh.. Teka, sino yung sugar na isinulat mo? Ikaw yung nagsulat nun sa papel at nagkapit sa armchair noh?" sabi ko na ang tinutukoy ay ang nakakapit na papel dati armchair ko.
"Yung first love ko. Siya rin yung naalala ko nung kumain tayo ng cupcakes dati. Asukal." sabi niya at patago akong napangiti.
"Bakit mo naman biglang natanong?" tanong niya at umupo sa tabi ko.
"Wala. Alam mo, may first crush ako nung bata pa ako." panimula ko.
"O tapos?" sarkastikong tanong niya.
"Makinig ka muna kasi. Tinawag niya akong sugar kasi raw sweet ako at tinawag ko nama--"
"Wala akong pake sa callsign ninyo." pikon na sabi niya.
"Selos ka ba?" natatawang sabi ko.
"Oo. Selos ako." pag-amin niya na dahilan kung bakit ako namula.
"Bakit ka magseselos sa sarili mo?" natatawang sabi ko.
"S-sarili ko?" takang tanong niya at tinawanan ko lang siya.
Unti-unti siyang naliwanagan at napatango.
"Ahh.. ikaw yung batang nagpapakain sa aso? Tapos tinawag akong puppy kasi cute ako?" nakangiti at magkasunod na tanong niya.
"Oo. Ikaw nga." natatawang sabi ko.
"Ahh kung ganon ako pala yung first crush mo." nakangising sabi niya.
"Kung ganon ako pala yung first love mo." nakangising bawi ko.
"Roch..."
Pareho kaming napalingon sa tumawag sa'kin.
"Y-Yuri? A-anong ginagawa mo dito?" gulat na tanong ko at tumayo ako.
"Bakit kasama mo ang lalaking yan?" galit na tanong niya.
"Ahh.. Yuri.. dumalaw lang siya dito." sabi ko habang pinipigilan siya sa gusto niyang gawing pagsugod.
"Alam mo bang nang dahil sa'yo inakalang baliw si Roch sa buong campus? Nang dahil sa'yo , nasuspinde siya. Nang dahil sa'yo ... nahospital siya at dahil sa'yo... naranasan niya ang bagay na ayaw kong iparanas sa kanya. Naranasan niyang masaktan, umiyak sa harap ng maraming tao at higit sa lahat.. magmakaawa at lumuhod." galit at may namumuong luhang sigaw ni Yuri kay Zai.
"Lumuhod at magmakaawa?" takang tanong ni Zai.
"Hindi ba nakwento sa'yo nang magaling mong kakambal?" tanong ni Yuri.
"Anong sinasabi mo?" kunot-noong tanong ni Zai.
"Nung araw na bumalik ka sa campus bilang tao.. kinausap siya ng kakambal mo."
"Yuri, please.." pakiusap ko.
"No.. Rae, dapat kong malaman." sabi ni Zai.
"Yung Max na yon! Tss. Akala mo kung sinong anghel pag nandyan ka pero di mo alam, pag talikod mo demonyo na." inis na sabi ni Yuri.
"Wag mong pagsasalitaan ng ganyan si Max dahil hindi mo kami kilala at mas lalong hindi mo alam ang kwento namin." malamig na sabi ni Zai.
"Ahhh edi mabait yung kambal mo." sarkastikong sabi ni Yuri.
"Yuri .. please stop." pangungumbinsi ko.
" Mabait siya kasi pinagbantaan niya si Roch .." pagpapatuloy ni Yuri.
"Pinagbantaan?" takang tanong ni Zai.
"Oh? Gulat ka? Hindi mo alam?" tanong niya at bahagyang tumawa ng peke.
"Rae.. anong nangyari? Pinagbantaan ka ni Max?" tanong ni Zai sa akin para siguraduhin kung tama ba ang sinasabi ni Yuri.
*flashback*
Matapos ang araw na iyon ay hindi na ako muling nilapitan ni Zai kahit nina Dexter, Daniel o Kiko maliban kay Max.
Naglalakad ako papuntang library nang may humila sa'kin at dinala ako sa likod ng college campus.
"Max?" gulat na tanong ko nang makita ang mukha niya.
"Ayaw lumapit sa'yo ni Zai pero naikwento ka n'ya sa'min at gusto ka ng kakambal ko. Please, give him a chance. Ikaw na ang lumapit para sa kan'ya." nagmamakaawang sabi niya.
"Pero siya na ang lumalayo at yun ang gusto niya kaya wala na akong magagawa. Isa pa sabi niya... bigyan ko ng chance si Yuri. " nakayukong sabi ko.
"Oh really? Fine! But remember this.." nagbago ang awra niya at napalitan ito ng mataray na mukha.
"I will make you regret this. I will make you regret your decision for not choosing my twin. That's a threat." matalim niya akong tiningnan bago ako tuluyang tinalikuran.
*end of flashback*
Kinuwento ko kay Zai lahat ng iyon.
"Anong masasabi mo? Anghel ba ang kapatid mo?" pang-aasar ni Yuri.
"I couldn't believe she did that." sabi ni Zai.
"I-I know her. She can't do that... m-maybe she was just stressed that time." sabi niya.
"Stress her face! F*ck your brain! Hindi ka ba nag-iisip?" galit na sabi ni Yuri.
I sighed.
"I'm sorry Rae. Sorry kung nagawa ni Max yun, I'll make sure hindi na yun mauulit. Alis na ako. " walang ganang sabi niya bago tuluyang umalis.
"Sige! Wag ka nang babalik sa buhay ni Roch ha!" pahabol pa ni Yuri.
"Bakit nandito yun?" tanong niya sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/219344884-288-k544352.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantastikNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...