Rochete's POV
Patay na... ang cardiac monitor.
Walang tigil sa pagbuhos ang mga luha ko.
Kahit ano gagawin ko, please hayaan nyo lang na mabuhay siya.
Naka-itim na na longsleeves si Zai at black jeans habang kinukumutan.
Pumasok ang ibang nurse na may dalang panturok kasama na rin sina Yuri, Lisa, Reg, Criselda, Daniel, Dexter,Kiko at Max.
Lumuhod ako sa harapan nila. Lahat sila ay natigilan.
"Please. Let him live. Gagawin ko lahat... just please... let him live more." mariin akong nakapikit at hinihintay ang sagot nila.
"Roch, stand up." sabi ni Yuri at ramdam kong hinawakan niya ako sa magkabilang balikat at pinipilit tumayo.
"You don't have to do this, Rochete." sabi ni Max.
Kahit anong sinasabi nila ay hindi ako tumatayo.
Nanatili akong nakapikit hanggang sa maramdaman kong may nagturok sa'kin at nakaramdam ako ng hilo bago tuluyang mawalan ng malay.
______Nagising ako.
Nakita ko ang pamilyar na kulay ng kisame at pamilyar na paligid.
Nandito ako sa kwarto ko.Gabi na at gusto ko na agad pumasok. Or gusto kong bumalik sa hospital para malaman kung ayos lang ba si Zai, kung binalik ba yung aparato o.. sinuko na siya.
_______Wala akong ganang nakatayo sa unahan at isinaksak ang flashdirve kung saan nakalagay ang report ko.
In-open ko ang file pero nagtaka ako nang may nag-play na video.Ako ang laman ng video. Video kung saan mag-isa ako at nagsasalita nang walang kausap. Pinakita rin sa video yung kausap ko si YuRyeong sa teacher's table pero ang kita sa video ay wala akong kausap. Nadun din yung p.e. class namin at nilapitan ko siya dahil bigla siyang natumba.
Compilation of Baliw Proofs ang nakalagay sa huli ng video."Stop this." galit na sabi ni Yuri at tumayo.
"Hahaha, baliw ka na ba? Yan ang mga patunay na baliw yang iniibig mo. Well, pareho kayong baliw kaya bagay nga kayo ahhahahaha." tumatawang hinarang ni Darwin si Yuri.
"Anong sabi mo?!" galit na sigaw niya at nagsuntukan sila.
"Yuri!" sigaw ko at lalapitan na sana siya nang may humila sa buhok ko.
"At saan ka pupunta? Pupuntahan ang mahal mo? Awww..so sweet." sabi ni Cherry.
"Bitawan mo ako." banta ko.
"Edi bitawan." sabi niya at patulak akong binitawan sa teacher's table.
"Exxxcuse me nga." singit ni Lisa at hinigit si Cherry bago binigyan ng isang sampal.
"How dare you?!" galit na sabi ni Cherry at nagsabunutan sila.
"Ha-ha-ha! Kawawa naman ang mga kaibigan mo. Nagakakandarapa para protektahan ka." sabi ni Denise.
"Lisa!" sigaw ng kakapasok lang na si Reg at tinulungan si Lisa.
"Hoy, bruha! Nandito pa kaya ako." sabi ni Criselda at tinuhod sa tyan si Denise.
Nagkakagulo ang buong klase nang may lumilipad na kutsilyo ang paparating sa'kin.
Hindi ako nakakilos. Hindi ko alam ang gagawin ko.
Pero bago pa man ako tamaan ng kutsilyo ay may humila na sa'kin.
"Okay ka lang?" tanong niya at di ako makapaniwala sa nakikita ko.
Yayakapin ko sana siya nang lumapit sa'kin si Yuri.
"Okay ka lang? Buti nakailag ka." sabi ni Yuri at niyakap ako.Nagulat kaming lahat ng matumba ang teacher's table.
Tiningnan ko iyon at nagkamali ako dahil hindi ito natumba, kundi sinipa.Galit na galit si YuRyeong. Nagsarado ang front and back door, umulan ng malakas at humangin. Nabasag ang mga bintana, maging ang t.v kung saan paulit-ulit nagp-play ang video ko ay nabasag rin.
Lahat ay napuno ng takot.. maging ako ay takot rin. Ngunit alam kong mas doble ang takot ng iba sapagkat hindi nila nakikita si YuRyeong.
Ngayon ko lang siya nakitang magalit.Ipinuwesto ako ni Yuri sa likuran niya. Lumapit rin sina Criselda,Lisa at Reg.
Nagtipon-tipon ang lahat ng kaklase namin sa kabilang banda habang kaming lima ay nandito naman sa kabila.Hinila ni YuRyeong ang isang armchair papunta sa mga kaklase namin.
Ibinalibag niya ito sa sahig, nagulat sila at mas lalo silang natakot.Ang mga kababaihan ay nagsimula nang mag-iyakan pati sina Criselda at Lisa.
"Shhh.. nandito ako." pagpapatahan ni Reg kay Lisa."Wag na kayong umiyak." sabi ko sa kanila habang naka-focus lang kay YuRyeong.
Kinuha ni YuRyeong ang malaking flower base sa isang sulok at handa ng ihagis ito sa mga kaklase namin ng tumakbo ako at humarang dito. Kahit pinigilan ako ng mga kaibigan ko ay hindi ako nagpapigil.
"Huwag! Please... ibaba mo yan." sabi ko at naramdaman kong tumulo ang luha ko nang magtama ang aming mga mata.
Kusa niyang nabitawan ang vase at nabasag ito sa sahig.
Niyakap niya ako at mas lalo akong napahagulgol ng iyak, niyakap ko rin siya nang mahigpit.
Wala na akong pake kung hindi nila nakikita kung sinong niyayakap ko.
Wala akong pake kung baliw ako sa paningin ng lahat.
"I'm sorry if I scared you." bulong niya sa'kin at kumalas siya sa yakap para tingnan ako ng diretso sa mga mata.
"Ayos ka lang ba?" naka-pout na tanong niya at kalmado na siya.
Muling naging maamo ang mukha niya at nawala ang kaninang katakot-takot na aura niya.
Humupa ang malakas na hangin at nagbukas ang dalawang pinto.
Agad namang naglabasan ang mga kaklase ko at naiwan kami ng mga kaibigan ko, pati si YuRyeong, dito sa room.
![](https://img.wattpad.com/cover/219344884-288-k544352.jpg)
BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantasiaNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...