15

14 4 0
                                        

Rochete's POV

"Uy, anong ginagawa mo diyan?"

Nilingon ko si Yuri.
"Ano bang nakikita mo?" tanong ko sa kanya at saka muling tumingin sa kawalan.

"Galit ka ba?" tanong niya at mas lumapit pero di ko siya pinansin.

Nasaan na ba si YuRyeong? Saan ba siya nagpunta? Kung wala siya dito, saang parte ng university ko siya hahanapin? Eh ang laki laki nito at napakadaming estudyante.

"Roch... sorry." sabi niya at hinawakan ang kaliwang kamay ko na agad ko namang binawi sa kanya.

"I don't need a friend like you." sabi ko nang hindi tumitingin sa kanya at tuluyang umalis.

Pumunta akong Junior High library at hinanap rin siya doon pero wala.

Pumunta akong open field kung saan makikita ako ng lahat ng estudyante ng unibersidad na ito.

Nagsimula nang umambon.
Umupo ako sa damuhan at naghintay.

Lumalakas na ang ulan at nagsisimula na ring dumaloy ang luha ko pababa sa pisngi ko.

"YuRyeong..." bulong ko at pumikit.

Agad akong dumilat nang maramdamang walang pumapatak na ulan sa'kin ngunit rinig na rinig ko ang malakas na ulan.

"Stop." sabi ni Yuri at hinila ako patayo.

May kinuha siyang basang papel sa likod ko na may nakasulat na 'Baliw Ako, Wag tularan'

*flashback*
"San ka pupunta?" tanong ni Darwin.

"Pake mo?" umiirap na sabi ko at nilampasan siya.

Tinapik niya pa ang likod ko na hindi ko na pinansin at dumiretso sa pakay ko.
*end of flashback*

Isinantabi ko muna ang hinala ko na siyang nagkapit ng papel sa likod ko.
Ginusumot ni Yuri ang papel at tinapon lang sa may lupa.

"Umalis ka na!" Tinulak tulak ko siya palayo "Wag mo akong pakialaman!" sabi ko habang tinutulak pa rin siya hanggang sa nahulog ang payong na hawak niya at nabasa na rin siya ng ulan.

"Tama na, Roch!" naiiyak na sabi niya at pinigilan ang kamay ko sa pagtulak sa kanya. Hawak niya ang mga kamay ko nang mahigpit.

"Ano bang .. pake mo?" umiiyak na tanong ko sa kanya.

"May pake ako, Roch! Wag mong gawin 'to sa sarili mo."

"Sarili ko naman 'to at wala kang pake!" giit ko at pilit na inagaw ang kamay ko sa mahigpit na hawak niya. Kaya ko mang lumaban, wala na akong lakas.

"Meron akong pake dahil nasasaktan ako! Nasasaktan ako pag nakikita kang ganyan! Nasasaktan ako kapag nasasaktan ka! Nasasaktan ako kasi mahal kita!" sabi niya at umagos ang luha mula sa kanyang mga mata.

"Kaya ba ... kaya ba gusto mo ikaw lang ang bigyan ko ng atensyon? G-gusto mo... kayo lang ang kaibigan ko... Paano naman si YuRyeong? Akala ko b-ba naniniwala ka...? Akala ko naniniwala kang nakikita ko siya? Akala ko naniniwala ka sa akin?----"

"Naniniwala ako. Naniniwala ako sa'yo at hindi ko naman sinabing ako lang ang bigyan mo ng atensyon... ang gusto ko lang ay... ang makita kang masaya. Ayaw kong nahihirapan ka! Ayokong umiiyak ka dahil jan sa multong yan. Tama na, Roch.. tama na..." sabi niya at pinadaanan ng palad niya ang kanyang buhok.

"Ayoko... ayokong sumuko! Wala akong pake kung maging malungkot ako o masaktan ako. Ang mahalaga, matulungan ko siya." umiiyak pa ring sabi ko at muli nang napaupo.
Humagulgol ako sa dalawa kong palad.

Ang isipin pa lang na maglalaho siya ay hindi ko na kaya, paano pa kung totoo na. Kaya hindi ko hahayaang mag mission fail ako.

"Mahal mo na ba siya?" tanong ni Yuri at napatingala ako sa kanya.

"A-ano?" gulat na tanong ko.

"In-love ka na ba sa multong yan, Roch?" tanong niya at napahilamos sa kanyang mukha.

"Hindi.."

"Kung hindi, ba't ka nagkakaganyan?" tanong niya at umupo saka ako tiningnan ng diretso sa mata.

"Hindi ko alam. Hindi ko alam!" umiiyak na sabi ko at hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko.

"Roch... please... enough." mahinahon at nangungusap ang kanyang mga mata.

Bumuntong hininga ako.
"No!" sabi ko at tumakbo palayo.

Umakyat ako sa hagdan hanggang makarating sa 2nd floor kung saan naka-locate ang classroom ko.

Bawat nadaraanan ko'y umiiwas sa'kin na parang ako na ang pinakanakakadiring putikan at basang tao sa mundo.

Nang nasa tapat na ako ng pinto ng classroom namin ay napatigil ako sa naisip ko.

Pinunasan ko ang luhang walang tigil sa pag-agos. Lumapit ako sa railings at humawak ng mahigpit. Lumakdaw ako rito.

"Oh my gosh!"
"Baliw na talaga!"
"Mabuti pa ngang magpakamatay yang baliw na yan."

"Roch, ano ba?!" galit na sigaw ni Criselda.
"Roch, ano bang nangyayari sa'yo?" tanong  naman ni Lisa.
"Roch, don't you dare jump or else..." banta ni Reg.

Lalapit na sana sila sa'kin nang pigilan ko sila.
"No!... pag lumapit kayo, tatalon talaga ako!" Umiiyak na sabi ko at nakuha pa akong i-video ng mga estudyante.

May mga dumating na teachers at pati si Yuri na sinubukan akong lapitan pero di rin nagawa dahil sa banta ko.
"Ms. Ermezia! What do you think you're doing?" tanong ni Ma'am Garaste.

"Roch! Please!" sigaw ni Yuri.

Pumikit ako at huminga ng malalim.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon