28

32 5 3
                                        

Rochete's POV

"Bwiset na babae ka!"

Nagulat ako nang may humila sa buhok ko at sabunutan ako.

"A-- Max-- stop!" utos ko at tinulak siya.

"Kung di dahil sa'yo, hindi sana mangyayari 'to! Kung sana pinili mo siya noon! " sigaw niya at kung di siya hawak ni Kiko ngayon, malamang ay kalbo na ako.

"Kung hindi mo siya inudyok mag move on sa'kin at magpakasal sa Shakira na yun, masaya na kami ngayon!" umiiyak at madiing ganti ko.

"Tama na nga! Nasa harap tayo ni Zai. Igalang n'yo naman.. ang bangkay niya." nahihirapang sabi ni Dexter.

______

'Zai Adrian C. Ignacio
Born: January 2, 1994
Died: May 6, 2020'

"Zai... I'm sorry." sabi ko at inilagay ang isang boquet ng bulaklak sa lapida niya.

"Sabi na nga ba nandito ka." sabi ni Criselda at tumayo ako.

"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko.

"Dinadalaw si Zai. Sayang di ko naamin na crush ko siya." sabi pa niya at inirapan ko siya.

"Ayy selos? Oh." sabi niya at iniabot sa'kin ang maliit na notebook.

"Ano 'to?" tanong ko.

"Huh? Hindi ba sa'yo yan? Nakita ko yan sa ilalim ng kama sa kwarto kung saan ka natulog nung nagsleep over tayo month ago. Matagal ko na dapat yan ibibigay kaso alam kong busy ka at may work rin ako." sabi niya at tinanggap ko ang notebook.

______

Nakaupo ako sa kama ko at tinititigan ang litrato ng mga kpop idol ko nang maalala ko ang notebook na binigay ni Criselda sa'kin kanina.

Kinuha ko ito at binuksan.

Zai Adrian Corpus Ignacio's Diary.

04/05/2000
May nakita akong magandang babae kanina tapos and sweet niya. Tinawag n'ya pa akong puppy dahil daw cute ako. Love ko na siya. ♡

Napangiti ako sa nabasa.

12/21/2014
Nakabalik na ako sa pagiging tao. Kinuwento ko kay Max at kina Dex yung nangyari sa'kin at naniwala naman sila.

12/22/2014
Miss ko na si Rae.

Lumipat pala ng school sina Max at ang mga kaibigan ko. Pero gusto ko ulit makita si Rae. Gusto kong bumalik sa eskwelahan na yun.

12/23/2014
Miss na miss ko na si Rae. Sayang bawal ko na siyang lapitan, nag-promise kasi ako na di ko na siya guguluhin pagkatapos ng misyon.

12/24/2014
Sobrang miss na miss ko na siya. Gusto kong makita si Rae.

12/25/2014
Miss na miss na miss na miss ko na si Rochete Aniel Ermezia. Yung patpat na yun. Sayang di ko siya nakita ngayong pasko .

01/02/2015
Ang birthday wish ko ay makabalik sa school na yun at makita si Rae.

12/13/2018
Pumunta kaming U. S. Hindi ko na makikita si Rae.

Sabi ni Max, kalimutan ko na daw si Rae kasi nakausap niya si Rae at ayaw n'ya daw sa'kin.

Gusto ko na rin mag move-on. Kasalanan ko rin naman. Hindi ko inamin ang nararamdaman ko para sa kanya.

01/15/2020
Bumalik kami ng Pinas at kailangan ko ng trabaho. Masyadong mabait sa'kin ang tadhana at nakita ko ulit ang babaeng mahal ko.

Hindi ko siya nakalimutan. Hindi ko siya kayang kalimutan.

03/20/2020
Nalaman kong pinagbantaan pala ni Max si Rae dati. Hindi ako makapaniwala.
Kinausap ko siya at nalaman ko rin na.. nakabuntis pala ako.

Sobrang sakit dahil mahal ko si Rae. Alam kong mahal n'ya rin ako at ayaw ko siyang masaktan.

05/04/2020
Nakapagdesisyon na ako. Ipaglalaban ko si Rae. Siya ang mahal ko at po-protektahan ko siya sa anumang kayang gawin ng magulang ni Shakira.

Bukas na ang kasal kaya kailangan ko nang tumakas pero nakita ako ni Max. Nalaman niyang tatakas ako at higit sa lahat... nalaman kong kinasal na pala si Rae at Yuri kahapon.

Ang sakit sakit. Mahal na mahal ko siya... pero kung si Yuri talaga ang mahal niya... kung kay Yuri pala siya masaya, magiging masaya na lang din ako para sa kanila.

Napaawang ang bibig ko sa nabasa.
Mahal na mahal ko rin si Zai at... hindi kami kasal ni Yuri.

Kusang tumulo ang luha ko.
Kaya pala nung gabing yun... kaya pala ganun siya makatingin sa'min ni Yuri.

Ang alam niya kasal kami.

05/05/2020
Kinasal kami ni Shakira.

Ang mas masakit, narinig kong hindi pala ako ang ama ng batang dinadala niya.

Pinlano ni Max at Shakira ang lahat ng 'to para lokohin ako. Para hindi ko piliin si Rae.

Huli na ang lahat. Kasal na si Rae at kasal na rin ako.

Ang sakit, pakiramdam ko sasabog na ang puso ko. Gusto ko nang mamatay. Ayoko na.

Ang sakit malaman na... yun pala ang sinapit niya. Bwisit na Max yan. Siya ang may kagagawan nito.

Sana nung madaling araw na aalis na siya,sinabi ko sa kanya na mahal na mahal ko rin siya. Sana sumagot ako. Sana pinigilan ko siya.

05/05/2020
8:14pm
Hi! Ako po si Miguel. Bartender po ako ng bar na ito at sinabi ni Mr.Zai na magsulat ako dito ng mga ginagawa niya.

05/05/2020
9:00pm
Lasing na lasing na si Mr.Zai at may binabanggit na pangalan. Rey? Humihingi siya ng tawad dito at mahal na mahal niya raw ito.

Ito pa ang mga sinabi niya:
"Rey, sorry kung di kita pinaglaban. Sorry kung dahil sa'kin napahiya ka sa maraming tao. Sorry kung nasaktan kita. Sana mapatawad mo ako. Mahal na mahal na mahal kita. Ikaw lang ang minahal ko. Salamat sa pagmamahal na sandaling binigay mo. Gusto ko nang sumuko. Gusto ko nang mamatay. Para akong pinapatay sa sakit. Ikaw lang ang babaeng mahal ko. Paalam, Rey."

Gusto kong pumatay. Gustong gusto kong patayin ang Max na yan pero... pag ginawa ko yun, parang pinatay ko na rin si Zai.

Alam ko kung gaano niya kamahal ang kakambal niya.

Kaya... tatanggapin ko na lang ang lahat. Pipilitin kong kalimutan ang ginawa ni Max.

Huwag lang siyang magpapakita sa'kin dahil baka di ko mapigilan ang sarili ko.
____

"Zai, nung walang naniniwala sa'kin ikaw ang nandyan para paniwalaan ako. Kapag nalulungkot ako, ikaw ang nagpapasaya sa'kin. Sana muli tayong pagtagpuin ng tadhana. Sana muli kitang makita sa susunod na henerasyon. Hinding hindi rin kita kalilimutan at mahal na mahal kita. Ikaw lang ang lalaking minahal ko nang higit pa sa sarili ko." kausap ko sa lapida ng lalaking mahal ko.

Wakas.

Started: March 2020
Ended: May 6,2020

Copyright © 2020 ShineStar_3
All Rights Reserved

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon