26

18 5 0
                                        

Babala:
Ang ilang parte ng eksenang inyong mababsa ay hindi angkop sa mga bata.

Rochete's POV

Umuulan ngayon at papunta kami ni Yuri sa bahay ni Criselda.

Nagyaya kasi mag sleep over. Bonding.

Nakatingin lang ako sa labas ng bintana at pinapanood bawat nadaraanan namin.

Puro poste na lang ng ilaw ang nakikita ko.

"Roch... stop crying kasi winawasak mo ang puso ko." sabi ni Yuri at napansin kong tumutulo na pala ang luha ko.

Ganyan na ako ka-manhid.
Pati pag-agos ng luha ko hindi ko na ramdam.

"Kung ako na lang sana. Wala sanang nasasaktan ngayon sa'ting dalawa." bulong niya pero narinig ko pa rin.

Nagtaka ako nang ihinto niya ang sasakyan kaya lilingunin ko sana si Yuri pero bago pa ako tuluyang makalingon ay nadaanan ng paningin ko ang lalaking nakatayo sa gitna ng kalsada sa harap ng kotseng sinasakyan namin.

"Runaway groom?" tanong ni Yuri at pinahid ko ang luha ko.

Mukhang lasing dahil hindi ito nakatayo ng ayos at may hawak pang bote ng alak.

Naagaw ni Yuri ang atensyon ko ng i-start n'ya ang sasakyan.

"A-anong gagawin mo?" kinakabahan at natatarantang tanong ko.

"Papatayin ang taong pumatay sa puso mo." tiim-bagang niyang sabi.

Dali-dali kong inalis ang seatbelt ko narinig ko namang pinatay niya na ang makina ng sasakyan.

Bubuksan ko na ang pinto nang hilahin ako ni Yuri at biglang hinalikan.

Itinulak ko siya.

"Bakit mo ginawa yon?" tanong ko.

"Siya pa rin ba kahit sinaktan ka na niya? Bulag ka ba? May iba na siya at nandito ako Rochete." sabi niya sa medyo mataas na tinig.

Hindi ko iyon pinansin at tuluyan na akong bumaba.

Bumaba rin si Yuri at bago ko malapitan si Zai ay mabilis siyang nasuntok ni Yuri at natumba sa kalsada.

"Papatayin kita! Sumusobra ka na!" galit na galit si Yuri.

"Wag! Tama na!" awat ko at huminahon naman si Yuri nang hawakan ko siya sa magkabilang braso para pigilan.

"P-patayin..mo na ako... ayo..ko na... Ayoko... na.. " lasing at umiiyak na sabi ni Zai.

Akaka ko manhid na ako pero nasasaktan pa rin ako dahil nakikita ko siyang ganyan kawasak.

_____

Hiniga ni Yuri at Reg si Zai sa kama.

Nasa bakasyon ang parents ni Criselda at hindi siya sumama dahil gusto niya raw kaming papuntahin dito sa bahay nila at magbonding dahil matagal-tagal na din kaming di nagkikita.

"Rae..."

Nagulat ako nang tawagin ni Zai ang pangalan ko.

"Kami na ang bahala dito." sabi ni Reg.

Aalisin na ni Yuri ang butones ng barong ni Zai nang hilahin siya nito.

"Fuck!" pagmumura ni Yuri dahil sa gulat.

Nakasubsob siya ngayon sa dibdib ni Zai at yakap-yakap siya nito.

"Roch lalaki ba talaga 'to? Sure ka ba?" nagdududang tanong ni Yuri.

"Rae... sorry...s-sorry.." umiiyak na sabi ni Zai at sobrang sakit.

"Walang magagawa ang sorry mo. Hindi niyan mabubuo ang pusong dinurog mo. Bitawan mo ako. Hindi ka na bakla basta bitawan mo ako. Pag ako nainis tatadyakan kita. Kadiri ka, huwag mo akong yakapin." reklamo ni Yuri.

"Ang gwapo niya kahit lasing, magulo ang buhok at basa ng ulan." kinikilig na komento ni Criselda.

"Bruha ka,mas gwapo ako dito!" sabi ni Yuri at nakawala na sa yakap ni Zai.

"Che! Feeling!" sabi ni Criselda kay Yuri sabay irap.

"Labas na girls, bibihisan lang namin 'tong nanakit sa bestfriend natin." sabi ni Reg at pinalabas na kaming tatlo nina Lisa at Criselda.

Zai's POV

Nagising ako sa di pamilyar na kwarto.

Nasaan ako?

Bumangon ako.

"Ahh.." daing ko nang maramdaman ang sakit ng ulo ko at ng mukha ko.

Hinawakan ko ang gilid ng labi ko at napangiwi ako.

Pumunta ako sa harap ng salamin at nagulat nang makitang may pasa ako sa mukha.

Tiningnan ko ang itsura ko at iba ang suot kong damit.

Tumingin ako sa bintana.Malakas pa rin ang ulan sa labas at madilim pa.

Bigla na lang pumasok sa isipan ko ang eksenang iyon.

Malinaw na malinaw sa alaala ko ang halikan nila. Putcha.

Hindi ko na inabala ang sarili kong ayusin ang buhok ko at lumabas ako ng kwarto.

Dahan-dahan akong bumaba ng hagdan at narinig ko ang ilang boses ng babae.

"Ahhh! Kakatakot!" matinis na irit ng isa.

"Yuri halaaa.. ikaw ba yung multo?" tinig ng isa pang babae.

Tuluyan na akong nakababa at lahat sila ay nakatingin sa'kin.

Nakita ko si Yuri at ... Rae na parehong nakahawak sa isang unan bilang pangtaklob dahil nanonood silang horror.

Nagtama ang mga mata namin ni Rae pero umiwas siya.

Naalala ko na naman yung halikan. Fuck! I'm so stupid and annoying! I hate myself!

"Gising ka na pala. Okay ka na ba? Umiiyak ka kasi kanina." sabi ng isang babae.

"Oo nga okay ka na ba?" tanong rin nung isang babae at tiningnan siya nang matalim nung isa pang lalaki.

Naaalala ko sila. Bestfriends sila ni Rae.

Bumuntong hininga ako.

Masaya akong masaya ang babaeng mahal ko kahit hindi ako ang kasama niya.

Kampante na ako. Pwede na akong mawala.

"Uhmm.. aalis na ako. " sabi ko at dali-daling umakyat sa taas.

Sinuot ko ang basa kong damit at dali-daling bumaba.

Palabas na ako .. palabas na ako.. at umaasa akong pipigilan niya ako.

"Malakas ang ulan sa labas, dito ka na muna." sabi ni Yuri.

I sighed.

"Gusto ko nang umalis." sabi ko at pinihit na ang door knob.

I wanna hear her voice. Sa huling pagkakataon, gusto kong marinig ang pinakamagandang boses na narinig ko sa buong buhay ko.

Gusto kong marinig ang boses ng babaeng mahal ko.

"Baka magkasakit ka pa. Sinuot mo yang basa mong damit at sasayi na naman sa ulan." malamig niyang sabi.

Nilingon ko siya at kita ko ang lungkot sa mga mata niya.

Thank you for being concern, Rae. Thank you for everything.

"Wala ka na bang sasabihin? Nagbago ang isip ko, pwede ka nang umalis." sabi ni Yuri.

"Rochete Aniel Ermezia, mahal na mahal kita." sabi ko at tuluyang lumabas bago pa man bumagsak ang luha ko.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon