9

27 11 0
                                    

Rochete's POV

Dahil 4:00pm ang tapos ng klase ng pang-tanghali, 4:10pm ay pumasok na ako kahit 6:00pm pa ang klase namin.

Dahil kasi sa sobrang dami ng estudyante rito ay di sapat ang classroom kaya hinahati ang klase sa pang-umaga,tanghali at gabi.

"Oh? Patpat, ba't ang aga mo uli? Miss mo na 'ko noh?" asar niya habang nakaupo sa armchair ko.

"Tss." sabi ko at inirapan siya.

Tumayo siya at inilapag ko na ang bag ko sa armchair ko.

"Ba't ba napunta ka pa dito sa school? Malungkot ba sa bahay ninyo kasi di ka nila nakikita?" magkasunod na tanong ko.

Bumuntong hininga siya at nag-pout.
"Hindi ako nakakalabas ng school."

"Huh? B-bakit?" gulat na tanong ko.

"Di ko alam. Baka dahil dito ako naging multo kaya di na ako nakakalabas." tanging sabi niya.

"Ahh." tanging sabi ko na lang.

Oo nga noh. Bakit naman siya babalik pa dito kung nakakauwi siya? .. Nag-hihintay pala siya dito sa'kin ng ganun katagal.

"미안해." sabi ko. (Sorry.)

"왜?" tanong niya. (Why?)

"Dapat pala mas maaga akong pumupunta rito para di ka naghihintay ng matagal sa'kin." sabi ko.

"Aww naaalala ko talaga sa'yo yung asukal. Pero.. di mo naman kailangang gawin yun para sa'kin. Sapat na sa'kin na binibigyan mo ako ng atensyon." sabi niya habang nakangiti ng malawak.

"Corny mo." sabi ko at inirapan siya.

Umupo siya sa teacher's table at idinuyan duyan ang dalawang paa na parang bata.

"I missed my twin." sabi niya habang naka-pout at nakatingin sa kawalan.

"Close na close siguro kayo noh? Ano bang pakiramdam ng may kapatid?" tanong ko sa kanya at lumingon siya sa'kin.

"Pag kasama ko siya, ang saya saya ko. Pakiramdam ko may kakampi ako, kaibigan, kasangga at tagapagtanggol." malawak na nakangiti niyang sabi.

"Ang saya nyo siguro. Sayang lang.. nagkaganto ka.. PERO wag kang mag-alala. Tutulungan kita." nakangiting sabi ko at ngumiti rin siya.

"Thank you." nakangiting malawak na sabi niya.

Ngumiti rin ako.
Nakatingin lang ako sa kanya nang may maalala ako.
"Teka, nung binato kita ng libro bakit lampasan lang sa'yo? Bakit di ka tinamaan? Pero nakakaupo ka naman sa table at dito sa armchair." naguguluhang tanong ko.

"Uhmm.. di ko rin alam." sabi niya at nagkibit-balikat.

"Halika. Try mo nga hawakan 'to." sabi ko at tumayo sa armchair. Lumapit siya at hinawakan ang armchair pero lampasan lang ito.

Nagkatinginan kami.
Pumunta kami sa may teacher's table at hinawakan niya rin ito pero tagusan lang din at di niya ito nahahawakan. Umupo siya rito at nakakaupo siya. Sinubukan niya nang itulak ang lamesa gamit ang lahat ng parte ng katawan niya pero tumatagos lang siya dito.
Kahit sipain niya ay balewala lang at tumatagos rin.

"No matter what I do, I couldn't move anything." sabi niya.

"Pero.. bakit ako nahahawakan mo?" tanong ko at nagkibit-balikat lang siya.

"Maybe because.. you gave me attention and that's my mission, to receive attention." sabi niya habang nakangiti at parang siguradong-sigurado sa sagot niya.

"At siguro bawal ka talagang maggalaw ng mga bagay-bagay." sabi ko.

"Hmm-mm. Sinubukan ko na 'to dati eh. Sinubukan kong maghawak ng mga bagay-bagay para makakuha ng atensyon pero di talaga kaya." sabi niya at muling umupo sa teacher's table.

Bumalik na ako sa armchair ko.
"Hey... may... nay gusto sana akong itanong." nahihiyang sabi ko at nang tumingin ako sa kanya, inosente lang siyang nakangiti.

"Ano yun?" tanong niya.

"May.. girlfriend ka ba?" tanong ko.

"Huh? Wala." nakangiti pa ring sabi niya.

"Ahh.. b-bakit ba nakangiti ka diyan?" tanong ko.

"뭐? Bawal bang ngumiti?" naka-pout na tanong niya at muling idinuyan ang mga paa. (What?)

Ehh .. ang cute mo kasi..

"Hindi naman." sabi ko at ngumiti ulit siya.

Aishhh! Ba't ba ang cute ng isang 'to?

"Psst. Naranasan mo na bang ma-love at first sight?" nakangiti pa ring tanong niya.

"W-wag mong sabihing na-love at first sight ka sa'kin?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi noh!" naka-pout na sabi niya. "Na love at first sight ako dati sa isang babae." dagdag niya nang naka-pout pa rin.

"Eh bakit sa'kin mo kinukwento?" inis na tanong ko at halatang nagulat siya.

Nakakainis! Sa'kin pa talaga ikukwento? Eh ano bang pake ko dun? Anong pake ko kung ma-love at first sight siya??

"E-eh k-kasi p-para di mo isipin n-na sa'yo ako na love at first sight." nakahikbing sabi niya.

"Oo na!" inis pa ring sabi ko at inirapan siya.

"S-sorry." nakahikbi pa rin siya at konti na lang ay iiyak na.

"Oh bakit ganyan itsura mo? Tsaka ba't ka nagsosorry?" tanong ko.

"Ehh kasi sa'yo ko ikinuwento , nainis ka tuloy." nakahikbi pa rin siya.

I sighed. 어떡해? (What should I do?) Baka mapaiyak ko pa 'to.
Tumayo ako at naglakad palapit sa kanya.

"Oh!" sabi ko at dinukot ko ang lollipop sa bulsa ko at ibinigay sa kaniya.

Agad lumawak ang ngiti niya.
"Talaga? Para sa'kin yan?" di makapaniwalang tanong niya.

"Oo. Ayaw mo?" tanong ko at kunwaring babawiin na sana nang hawakan niya ang kamay kong nakahawak sa lollipop.

Biglang bumilis ang tibok ng puso ko.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon