Rochete's POV
"San ka pupunta?" tanong ni Yuri.
"Bitawan mo ako." madiing sabi ko at naluluha.
"Bakit ba?" tanong niya at di pa rin ako binibitawan kaya napilitan akong gamitin ang isang itinuro sa'kin ni YuRyeong upang makaalis laban sa pagkakahawak niya sa'kin.
Agad akong lumapit kay YuRyeong.
"O-okay ka lang?" nanginginig at naluluhang tanong ko dahil di ko alam ang gagawin."R-Rae.. h-hindi ako... ma..kahinga ng m..maayos." nakahawak sa dibdib na sabi niya at di makapagsalita ng ayos dahil kinakapos siya sa paghinga.
"Roch.. ano bang ginagawa mo? Pinagtitinginan at pinagtatawanan ka na ng mga kaklase natin." madiing bulong ni Yuri at hinila ako patayo.
"Wala akong pakialam!" inis na sigaw ko naman sa kanya at tutulungan ko na sanang makatayo si YuRyeong.
"Hindi.. , okay na ako." nakaupong sabi ni YuRyeong at nakahawak sa magkabilang sentido habang mariing nakapikit.
"Sigurado ka b---" di ko pa man natatapos ay sumagot na siya.
"Oo. Umalis ka na Rae." nakapikit pa ring sabi niya.
"Sino bang kausap mo? Yang multo na naman ba? Kaya na lang iniisip ng mga kaklase natin na baliw ka. Pwede bang wag mo na yang pansinin, Roch?" inis na bulong ni Yuri habang hawak ako sa magkabilang braso.
"Eh pero--"
"Gumising ka nga. Yang multong yan, multo lang yan at patay na yan kaya wag mo na yang kaibiganin. Nandito kami nina Criselda, Reg at Lisa. Kami ang tunay mong kaibigan." bulong niya at nag-init ang mata ko.
Tuluyan nang umagos ang luhang kanina'y nagbabadya pa lang pumatak.
Matalim ko siyang tiningnan at itinulak."Naniniwala ka pala. Thank you ha." sarkastikang sabi ko bago tumakbo at di pinansin ang mga matang nakatingin sa'kin at hinuhusgahan ako.
_______
Umiiyak ako sa backstage nang napakiramdaman kong may umupo sa tabi ko."Sorry, Rae."
Tumunghay ako at nakita siyang naka-pout na kahit papaano'y nakapagpagaan ng loob ko.
"Saan ka ba kasi nanggaling? ..Okay ka na ba?... Anong nangyari sa'yo?" paos at nag-aalalang tanong ko habang hawak siya sa magkabilang balikat.
Nanatili lang siyang naka-pout nang bigla niya akong niyakap.
"Sorry." muling paumanhin niya."Shhh, di mo kasalanan." sabi ko at niyakap rin siya.
"Ayaw na kitang idamay, Rae. Simula ngayon, kalimutan mo na ang pinangako mong tutulungan mo akong bumalik sa pagiging tao. Layuan mo na ako at huwag mo na akong pansinin." sabi niya at kumalas ako sa yakap.
"No. Your mission is to receive attention and my mission is to pay attention. Babalik ka sa pagiging tao, and that's my decision." sabi ko sa desidido at siguradong tinig.
"No. Iiwasan mo na ako at kakalimutang nakilala mo ako." giit niya at sumeryoso ang mukha.
Ngayon ko lang siya nakitang ganito ka-seryoso at halatang desididong desidido na siya.
"Hindi kita iiwasan."
"Iwasan mo na ako."
"Hindi."
"Oo."
"Hindi."
"Iiwas ka."
"Ayoko."
"Iiwasan mo akooo." inis na sabi niya at tumayo.Tumayo rin ako. "Hindi kita iiwasannn."
"Ehhhhh." nagpapapadyak at naka-pout na sabi niya.
"Tss. Hindi kita iiwasan. Hindi kita iiwasan. Hindi kita iiwasan! That's final!" giit ko at inirapan siya bago umalis.
__________
Pagpasok ko ay wala siya sa armchair ko.
Bwisettttt na yun, siya ba ang iiwas dahil ayaw kong umiwas?Padabog kong inilagay ang bag ko sa armchair at nag-cross arms.
"Nababaliw na talaga."
"Kailangan na yatang magpacheck-up nyan."
"Sa Mental Hospital yan bagay."
"Bakit pa ba pumapasok dito sa school yan? Sa mental hospital dapat yan pumasok. Hahahahha!"Napairap ako sa mga naririnig ko.
Wala na akong pakialam. Tutal baliw naman ako sa paningin nila at parang di ko na yun mababago, edi itodo ko na."YuRyeong!!" malakas na sigaw ko at nagulat silang lahat na napatingin sa'kin.
Tumayo ako at tumakbo palabas ng classroom.
"YuRyeong!!! Magpakita ka!" sigaw ko habang naglalakad at sinisilip ang kada classroom kung nandun ba siya.Napatigil ako nang maisip ang backstage.
Papunta na ako roon nang may humarang sa unahan ko.
"San ka pupunta?" tanong ni Darwin."Pake mo?" umiirap na sabi ko at nilampasan siya.
Tinapik niya pa ang likod ko na hindi ko na pinansin at dumiretso sa pakay ko.
Nakarating ako sa backstage at wala siya don.
Pumunta akong cr ng girls at lahat ng cubicle ay tiningnan ko, maliban sa isang 'to na may tao pa sa loob.Nang makalabas ang babae ay diring diri at iwas na iwas itong tumingin sa'kin bago dali-daling lumabas ng cr.
Binuksan ko ang cubicle. Wala.Naiiyak na ako, last choice ko na ang cr ng boys.
Nakaabang ako dito sa labas ng cr ng boys at naghihintay ng YuRyeong na lalabas mula dito.
"Uy, anong ginagawa mo diyan?"
BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantasiNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...