Rochete's POV
Na estatwa ako sa sinabi niyang iyon.
Ibig kong sabihin, lahat kami ay naestatwa.
Bakit hindi niya ako pinaglaban?
Pwede namang hindi siya sumipot sa kasal at hindi naman ako mapapahamak kung po-protektahan niya ako.
Nandito ako para mag-move on. Nandito ako para umahon.
Mission: Move On. Mission failed.
Pero bakit mas lalo akong nahulog?
_____
2:00 am na natapos ang movie pero hindi ko na naintindihan ang nangyari.
Nandito ako sa kama kung saan kanina nahiga si Zai.
Biglang nagring ang cellphone ko.
Sino naman ang tatawag nang alas dos ng madaling araw?
Hindi ko alam kung bakit pero bigla akong kinabahan.
"H-hello?" kinakabahang tanong ko.
"Misis, ang asawa n'yo po..." tinig ng lalaki at nagtaka ako.
"W-wrong number po yata kayo? Hindi pa ho ako misis at wala pa ho akong asawa." sabi ko at papatayin na sana ang tawag.
"Nakalagay po dito, Mrs. Ignacio my only wifey. Hindi po ba----"
Pinutol ko ang sasabihin niya.
"Ignacio? A-anong pangalan ng sinasabi ninyong asawa ko?" kinakabahang tanong ko.
"Ayy malay ko po, ikaw po ang asawa diyan eh." sabi niya.
Aba't----
"Basta pumunta po kayo sa General Hospital kung gusto n'yo pong makita ang bangkay ng asawa mo." sabi niya at pinatay na ang tawag.
Bangkay?
Dali-dali akong tumayo at lumabas ng kwarto.
Hindi na ako nagpaalam sa mga kaibigan ko dahil tiyak kong natutulog na sila.
Teka.. wala akong sasakyan.
Tumakbo na ako sa kasagsagan ng ulan dahil sa pagkataranta at kaba.
Sana hindi tama and hinala ko. Sana hindi si Zai ang patay.
Malapit lang naman ang hospital.
Nakarating na ako ng basang-basa.
"Ignacio po, yung kararating lang." sabi ko agad sa reception.
"Room 34 Male ward. Second floor." sabi ng nurse.
Dali-dali akong tumakbo papuntang elevator, dali-daling pumasok roon at nagpipindot.
Nagulat ako nang huminto ito at dumilim.
Naman oh, second floor lang ang gusto kong marating bakit huminto pa?
*If elevator can speak: second floor lang pala edi sana naghagdan ka na.*
Pinipigilan ba ako ng tadhana?
Ano ba wala ba kayong generator?
Nakahinga ako ng maluwag nang lumiwanag at muling umandar and elevator.
Nang bumukas ito ay agad akong lumabas at tumakbo sa room 34 Male ward.
"Excuse me, nasaan si Ignacio?" tanong ko sa pasyente sa unang kama.
"Hahahahah" sagot ng babae habang nag-iikot pa ng buhok sa daliri niya.
Hala?
"Ahhmm.. Nasaan po yung pasyenteng Ignacio?" tanong ko sa isa pang pasyente.
"Hihihi.. hahaha.. Hi! Hahaha.. dadalawin mo ako? Hehehehe. Sino ka? Galit ako sa'yo! Umalis ka nga! " sabi naman nito.
"Excuse me, miss?" tanong ng kapapasok lang na nurse.
Ayan, buti may nurse walang makausap ng matino eh.
"Nurse, may hinahanap po kasi ako. Ignacio po." sabi ko sa nurse.
"Ayy, Mrs. Ignacio? Ako po yung tumawag sa'yo. Nasa maling room ka. Mental room 'to at ikinalulungkot ko, nasa morgue na po ang bangkay ng asawa ninyo. Hahaha. Sorry ah? Hahaha ginawa namin lahat huhuhu." sabi nito nang may pumasok uling nurse.
"Hoy! Bakit naka uniform kang pang nurse?" tanong ng babaeng nurse at kinabahan ako.
Anong ibig niyang sabihin?
"Sige, subukan mong lumapit. Papatayin ko ang babaeng 'to." sabi nitong lalaking 'to at kinulong ang leeg ko sa bisig niya at tinutukan ako ng gunting.
Wala namang nagawa ang lalaking 'to nang pag tulungan siya at turukan ng pampatulog.
"Pasensya ka na miss, may sakit kasi siya eh. Tumatawag siya sa random numbers kapag nakakahawak ng cellphones." paliwanag ng nurse.
"Ah sige po, alis na po ako." paalam ko at lumabas na ako.
Whoo... akala ko totoo na.
Naglalakad ako nang wala sa sariling huminto ang mga paa ko sa tapat ng isang room.
"Time of death, 2:31am."
Hindi ko alam kung bakit pero kinabahan ako sa salitang yon ng doktor kaya naman dahan-dahan kong sinilip kung sino ang pasyente.
Napaawang ang bibig ko at binukas ng malaki ang pinto para makapasok ako.
"Hindi. Hindi 'to totoo."
"Kayo na po ba si Miss Max? Pasensya na po ma'am, ginawa na po namin ang lahat." malungkot na sabi ng doktor.
Hindi ko na nagawang sumagot sa tanong niya at napahagulgol na ako.
"Excuse us." sabi ng doktor at lumabas na sila ng nurses.
"No. No. This is not you... no..Zai... wake up, please." pagmamakaawa ko sa kanya at niyakap siya.
"Gumising ka. H-Huwag mo akong iwan.. Mahal na Mahal rin kita Zai Adrain.. Ignacio... g-gu..gumising ka na.. Ay-ayokong mawala ka... ay-..ayoko."
Pero kahit anong iyak at yugyog ko sa kanya, hindi ko na siya maibabalik.
_____
A/N: Road to ending na, stars.

BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantasiNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...