12

17 4 0
                                        

Rochete's POV

"Yuri Marquez po." nakangiting sagot naman ni Yuri.

"Manliligaw ka ba ng anak namin? Kung oo, kikilalanin ka muna namin. Roch, wag mo munang sasagutin yan ha." dire-diretsong sabi naman ni papa.

"Pa!" saway ko kay papa at nagtawanan silang tatlo. "Hindi ko naman po siya manliligaw eh, kaibigan ko lang po." seryosong sabi ko at nagpatuloy sa pagkain.

"Init ng ulo ahh. Soon manliligaw mo naman." nakangiting sabi ni Yuri at ginulo pa ng bahagya ang buhok ko. Sinamaan ko naman siya ng tingin at nagtawanan na naman sila.

"Una, mahal mo ba talaga ang anak namin?" tanong ni papa.

"Pa naman.." muling saway ko.

"Syempre po." nakangiti namang sagot ni Yuri.

"Hindi mo naman kailangang sagutin lahat ng tanong ni papa, wag mo na lang yan pansinin." sabi ko kay Yuri.

"Kaya mo bang gawin lahat para sa kanya? Kaya mo bang isakripisyo ang sarili mo para sa kapakanan niya?" tanong naman ni mama.

"Ma! Isa ka pa..." saway ko naman kay mama.

"Syempre po, tita. Kaya ko rin pong ibigay lahat ng gusto niya at gagawin ko po lahat para mapasaya siya. Kapag naging kami po, hindi ko po siya sasaktan at papaiyakin. Hindi ko po siya hahayaang malungkot. Mamahalin ko po siya ng buong-buo." sabi ni Yuri at namumula na ko dito sa kahihiyan.

Ba't niya ba sinasabi yan sa harap pa ng magulang ko? Aissh! Ba't ba ang confident niyang sabihin yan.

"Nakuuu, kailangan mo munang kalabanin ang mga kpop kpop niyang batang iyan." sabi naman ni papa.
______
*
"Sugar!" sabi ng batang lalaki at lumapit sa'kin.

"Puppy!" sabi ko naman sa kaniya at niyakap siya nang tuluyang makalapit.

Kumalas siya sa yakap at tiningnan ako.

"Na-miss kita! I'm glad nagkita ulit tayo." malawak na nakangiting sabi niya.

"Ako rin!" sabi ko at ngumiti rin.

"Buti na lang pinayagan ako ni mama na bumalik dito sa park. May ibibigay nga pala ako sa'yo." sabi niya at may dinukot sa bulsa niya.
"Eto oh. Para sa'yo" nakangiting sabi niya at binigay sa'kin ang lollipop na agad ko namang tinanggap.

"Thank you!" nakangiti ring sabi ko.
*

Bigla na lang akong nagising. Umupo ako.
"Sugar?Puppy? Yun na naman?"naguguluhang tanong ko sa sarili ko.

Mabilis naman akong binalikan ng antok kaya nakatulog na naman ako.

*
"Hey." nakangiting bati ng isang batang lalaki sa'kin na ka-edaran ko lang at naupo sa bakanteng duyan katabi ko.

Maputi siya at super cute. Crush ko na siya.
"Hi! You're cute!" nakangiting sabi ko.

"Gusto mo?" pag-aalok niya ng lollipop at tinanggap ko ito.

"Thank you." nakangiting sabi ko at binalatan ang lollipop.

"From now on, I'll call you sugar." sabi niya.

"Huh? Bakit?" naguguluhang tanong ko.
*

Nagising ako at 5:00 na ng umaga.
Mabilis lang akong kumilos at naghanda. Nakarating ako sa school ng 6:11am.

Inagahan ko talaga kahit 7:20am pa ang klase namin.

Nakaupo na naman siya sa seat ko. Nakahalumbaba siya at naka-pout na hindi napapansin ang presensya ko.

"Ano na kayang ginagawa niya?" tanong niya sa kawalan at tumingin ako sa paligid.

"Sinong kausap mo?" tanong ko at halatang nagulat siya.

Bigla namang lumawak ang ngiti niya nang makita ako.
"Yey! Akala ko male-late ka ng pasok eh." tumayo siya at patalon-talon na naglakad papunta sa'kin.

"Hi!" masiglang bati niya.

"Tss." umiirap na sabi ko. "Sigla mo yata ngayon?" dagdag na tanong ko at inilapag ang bag ko sa armchair at muling lumapit sa kaniya.

"Masaya lang akong makita ka." ngiting-ngiting sabi niya na nagpakabog ng dibdib ko.

"Ah..h-haha.." nauutal na bahagya kong pagtawa.

"Rae..." bigla niyang tawag na nakaagaw ng atensyon ko at napaseryoso ako.

"Bakit? May problema ba?" nagtatakang tanong ko.

"Oh." sabi niya at biglang inabot sa'kin ang lollipop.

*flashback*

"Gusto mo?" pag-aalok niya ng lollipop at tinanggap ko ito.

"Thank you." nakangiting sabi ko at binalatan ang lollipop.

*end of flashback*

"I-ikaw ba yung nasa panaginip ko?" bulong na tanong ko.

"Ewan." sagot niya nang nakangiti at kamot-ulo.

"Akina nga." sabi ko at kinuha ang lollipop mula sa kanya.

"Rae,Rae Don't go away~ Come again another day~ Liittle children wants to play~ Rae, Rae don't go away~~" pagkanta niya habang kumakain ng lollipop at nakaupo sa teacher's table habang eto ako, kumakain ng lollipop na nakaupo sa armchair ko at busy sa pagtitig sa kaniya.
______

"Roch!" tawag ni Yuri pagka-ring ng bell na hudyat para mag-recess.

"Uy." nakangiting sabi ko.

"Sabay tayo magrecess?" anyaya niya.

Tumingin ako kay YuRyeong na nakasandal sa hamba ng pintuan at kumakain ng cupcake.

"Uhmm.. s... sig--"

"Rae!" nakangiting tawag ni YuRyeong sa'kin at kumakaway pa.

"S-sorry, next time na lang siguro." desisyon ko at nilingon si Yuri.

"Uhmm.. May... kasabay ka bang kumain?" tanong ni Yuri.

"Recess lang naman kaya okay lang kung wala akong kasabay." sabi ko.

"Wala ka ba talagang kasabay or baka... yang multong nakikita mo ang kasabay mo? O nagdadahilan ka lang kasi ayaw mo akong kasabay?" magkasunod at tumpak na tanong niya.

"Kilala mo talaga ako noh?" I said as I crossed my arm. "Sige, payag na!" sabi ko at hinila siya papuntang canteen.

"Rae!" nakangiting sabi ni YuRyeong habang nakikipagsiksikan ako dito at pumipili ng bibilhin ko.

"Ano?" tanong ko at napatingin sa'kin ang ilang estudyante kabilang na rin si Yuri.
"A-Anong.. bibilhin ko? Eto na lang siguro." palusot ko at dumampot ng ... basta kung anong nahagip ng kamay ko.
_____
Kasalukuyan akong kumakain ng burger. Eto ang nadampot ko kanina eh.

"Roch... alam kong ayaw mo pa magpaligaw pero sana sabihin mo sa'kin pag pwede na para ako ang unang manliligaw sa'yo." sabi ni Yuri at kamuntikan na akong masamid.

"Hindi naman yun paunahan. Teka, change topic na." sabi ko dahil ayaw ko nang pag-usapan 'to.

"Anong pangalan ng multong nakikita mo?" pagsunod niya at iniba nga ang topic.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon