16

14 4 0
                                        

Rochete's POV

Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko pa na pinipigilan ni Yuri ang mga nagvivideo.

"Baliw na talaga."
"Bagay na bagay sila. Isang baliw sa pag-iisip at isang baliw sa pag-ibig."
"Hahahaha, parehong baliw. Great couple!"

Yan ang ilan sa mga narinig ko bago tuluyang nanlabo ang mga mata ko at nakaramdam ako ng hilo.
Bakit ba ako pumasok sa ganitong sitwasyon? Baliw na nga ata ako.

"Rochete!"
"Roch!"
"Ms. Ermezia!"

Mga pagtawag nila na narinig ko bago ako nawalan ng malay.
________

Puting kisame ang bumungad sa pagmulat ko.
"Anak..." rinig kong tawag ni mama at nakita ko siyang nakaupo sa gilid ng hospital bed at hawak ang kamay ko.

"Kamusta ang pakiramdam mo?" tanong ni papa na nakaupo sa tabi ni mama.

"S-sino pong nagdala sa'kin dito?" tanong ko sa kanila.

"Magpapakamatay ka raw at sinalo ka ng mga teachers sa baba. Anak... totoo bang magpapakamatay ka? Anak.. bakit? Anong problema?" nag-aalalang tanong ni mama.

"Hindi po ako magpapakamatay. Kung magpapakamatay ako, sa 4th floor o kaya sa rooftop ako tatalon." sabi ko at umupo.

Ano ba 'tong dextrose na 'to! Nakakairita!

Walang pakundangan kong tinanggal ang dextrose.
"Anak anong--"

Hindi ko na pinatapos si papa at nagsalita na agad ako.
"May kailangan pa po akong hanapin." sabi ko at tumakbo palabas.

Narinig ko pa ang pahabol na sigaw nila.
"Anak, saan ka pupunta?"
"Magpahinga ka muna!"

Hindi ko iyon pinansin at tumakbo lang ako hanggang sa makita kong hinahabol na ako ng mga nurse.

Isang pintuan ang nahagip ng mata ko at walang pakundangan akong pumasok roon para magtago. Hinihingal akong sumandal sa pinto nang maisara ko ito.

Gulat na mga mukha ang tumambad sa akin. Pero isa lang ang sobra kong napansin. Ang pasyenteng nakahiga sa hospital bed.

"M-miss? Okay ka lang?" tanong ng isa sa tatlong lalaking nakaupo sa sofa at lumapit sa'kin.

Naagaw ang atensyon ko ng babaeng nakaupo sa gilid ng hospital bed na kinahihigaan niya. Nakasubsob ito sa tabi niya habang hawak ang kanyang kamay.

"Miss?" kumaway ang lalaking ito sa harapan ko kaya naagaw niya ang atensyon ko.

"H-huh? S-sorry.. uhmm nagtatago kasi ako s-sa humahabol sa'kin. Ahh.. sige.. aalis na rin ako--"

"Are you okay?" tanong niya sa'kin at tumango ako saka siya binigyan ng pilit na ngiti.

"You're crying." singit ng isang lalaking nakaupo sa sofa at tumayo rin saka lumapit.

Saka ko napansin ang umaagos na luha sa pisngi ko na agad ko namang pinunasan.

Lumapit rin ang isang natitirang lalaking nakaupo sa sofa.

"I-I'm fine." sabi ko at nanatiling nakatayo sa harapan nila.

"By the way, I'm Daniel Sebastian Catangay." pakilala ng lalaking unang lumapit sa'kin.

"Ako naman si Kiko Malabanan." pakilala naman ng lalaking panghuling lumapit.

"Dexter Gomez." tipid na pakilala ng lalaking pangalawang lumapit.

"Rochete." simpleng pakilala ko. "Sige, uuna na ako." paalam ko saka tuluyang lumabas.

Pagkalabas na pagkalabas ko ng room na ito ay napaupo ako sa sahig dahil sa panlalambot ng tuhod ko. Napahagulgol ako sa dalawa kong palad.
_______
"Roch.. anong ginagawa mo dito? Uwian na. Okay ka na ba?" tanong ni Yuri pagkarating ko sa classroom.

Hindi lang siya ang gulat na gulat sa pagdating ko, kundi ang buong kaklase ko.

"Ms. Ermezia!" tawag ng guard na tinakasan ko.

"Roch!" tawag ni Reg habang papalapit at niyakap ako.

"Pre, walang talo-talo." sabi ni Yuri at hinila si Reg palayo sa'kin.

Saktong kalalapit lang nina Lisa at Criselda.

"Syempre naman. May Lisa na ako." sabi niya at inakbayan si Lisa.

"Pinagod mo akong bata ka." sabi ng guard na si Kuya Lino.

"Pabayaan nyo na ho ako. Uwian na rin naman po." sabi ko.

"Hindi nga pwede hija. Nakahospital gown ka pa oh. Halatang tumakas ka lang." sabi ni kuya Lino.

"Kami na ho ang bahala sa kanya. Ihahatid po namin siya sa hospital." sabi ni Yuri.

"Oh sige. Sabi mo yan ha. Pag yan nalaman kong naiwan dito, kayong apat ang mananagot." sabi ni kuya Lino bago umalis.

"Oh, ba't ka tumakas?" tanong ni Yuri.

"May hahanapin ako." sabi ko at di pa man nakakaisang hakbang ay hawak niya na ang braso ko.

"Si YuRyeong?" nakangising tanong niya.

"Bakit? Nakita mo ba siya?" puno ng pag-asang tanong ko.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon