Rochete's POV
"Ms. Ermezia!"
Natauhan ako sa pagtawag ni Bb. Espinosa sa pangalan ko.
Lahat ng estudyante ay nakatingin sa'kin."Bakit mo ako binato ng libro??? Kung hindi ko pa nailagan ay malamang sa mukha ko ito tumama! May problema ka ba sa'kin?!" galit na galit si Binibini at animo'y sasabog anumang oras.
"Pasensya na po. H-hindi ko po sinasadya." nakayukong paumanhin ko.
"Ay pasensya pasensya! Pasensya ka rin sa marka mo! Sa principal's office ka na magpaliwanag!" sabi ni Binibini at nagwalk-out.
"Aish!" inis na sigaw ko at sinamaan ng tingin si Yu Ryeong bago sumunod kay Bb. Espinosa.
____
"Suspended ka for 3 days! Anong mabuti don, Roch?" sigaw ni papa habang nakaupo ako sa sofa.Mabuti kasi di ko makikita ang bwiset na Yu Ryeong na yon.
"Sabi mo hindi na mauulit. Ano bang nangyayari sa'yo anak? Hindi ka naman ganyan dati ah?" tanong ni mama.
"Maniniwala po ba kayo pag sinabi kong nakakakita ako ng multo?" naluluhang tanong ko.
"Anong kalokohan yan? Seryoso ang usapan, wag ka magbiro ng ganyan!" sabi ni papa.
Kinuha ko ang bag ko at agad na pumasok sa kwarto ko. Ni lock ko ang pinto at sumandal dito.
Ang bigat sa pakiramdam na yung mga magulang ko pa yung hindi naniniwala sa'kin.
____
After 3 days suspended. Sabado at Linggo ay naglinis ako ng kwarto,kumain,naligo, naglaba ng uniform, nagsimba, at naggawa ng mga school activities, project at mga pinasulat... at iba pang mga pang araw-araw na gawain.
____
Pumasok ako nang nakayuko. Lahat ng nadaanan ko ay pinag-uusapan ako.
Kumalat na ang balita na nakakakita ako ng multo.I sighed when I saw him sitting on my seat again.
Ramdam kong lahat ay nakatingin sa'kin. Tumingin ako kina Criselda at umiwas sila ng tingin. Nag-uusap silang apat.
Siguro pinag-uusapan rin nila ako. Akala ko totoong naniniwala sila.Nagulat ako nang naramdaman kong may yumakap sa'kin.
"Sorry. It's my fault." sabi ni Yu Ryeong habang yakap ako at ramdam ko ang sinseridad sa tinig niya."Roch..." papalapit sa'kin si Yuri at kumalas sa yakap si Yu Ryeong mula sa'kin.
Pasimple kong hinawakan ang palapulsuhan ni Yu Ryeong upang pigilan siyang umalis.
Bahagyang tumingin si Yuri sa kamay ko, na nakahawak kay Yu Ryeong, bago ibinalik ang tingin sa'kin."Ayos lang kung hindi kayo naniniwala. Naiintindihan ko." sabi ko at inilagay ang bag ko sa upuan tsaka hinila si Yu Ryeong palabas.
Hinila ko siya hanggang makarating kami sa covered court. Dinala ko siya sa may backstage.
"Promise." sabi ko at kinuha ang pinky finger niya at nakipag pinky swear ako.
Napaawang ang bibig niya at lumawak ang ngiti.
"Thank You!" sabi niya at niyakap ako.
____
"Hindi ka ba natatakot sa'kin? Multo ako. Isa pa, bakit agad agad kang pumayag ngayon? Kakapanibago." sabi niya habang naka-indian seat sa harapan ko at kumakain ng ice cream. Nakaupo rin ako sa harap niya at kumain ng ice cream na gawa niya."Walang naniniwala na nakikita kita. Papayag na lang akong tulungan ka. Magtulungan tayo. Behave ka pag may ibang tao at tutulungan kita." sabi ko at hinimod ang ice cream.
"Oh sige." sabi niya at pinagpatuloy ang pagkain ng ice cream.
"Pero paano kita nakita? Bakit bumukas ang third eye ko? Kung multo ka, bakit nahahawakan kita na parang tao?" tanong ko.
"Andami mong tanong eh." nakapout na sabi niya at nagpatuloy sa pagkain ng ice cream.
Kinain ko na ang natitirang apa ng ice cream at saka muling nagtanong.
"Una , paano kita nakita?" tanong ko."Sabi sa'kin, kapag daw may nakatitigan akong tao ng isang minuto o higit pa... makikita niya na ako at mahahawakan na parang tao." paliwanag niya habang busy sa pagkain ng ice cream na kalahati pa lang ang bawas.
"Huh? Nagkatitigan ba tayo?" tanong ko.
"Oo. Tinitigan mo ako." sabi niya at hinawakan ko siya sa magkabilang braso upang makuha ang atensyon niya. Tinitigan ko siya ng diretso sa mga mata.
"Tinitigan kita? Kailan?" tanong ko.
"Di ko tanda. Basta nasa classroom ka nun. Naka p.e. uniform ka tapos nakatitig ka sa'kin." sabi niya at muling kumain ng ice cream. Binitawan ko ang braso niya.
*Flashback*
Tumitig ako sa kawalan. Hindi ko alam kung gaano katagal.Paano kaya kung korean ako tapos girlfriend ako ni Jeon Jungkook? Ahhhhhhhh! Omo, namatay na siguro ako sa kilig---
"Huy, isang minuto ka na atang nakatulala sa ere. Nakikinig ka ba?" tanong ni Criselda na kaibigan ko.
*End of flashback*
Yun ba yun? Yung iniisip ko si Jeon Jungkook oppa?
Umiling ako.
"Hindi kita tinitigan. Ikaw ang nakakakita sa'kin. Di kita nakikita , pa'no kita tititigan? Ikaw ang tumitig sa'kin kasi ikaw ang nakakakita sa'kin." sabi ko.
"Fine! I stared at you." pagsuko niya.
"See? Di mo naman kailangang magsinungaling na ako yung tumitig sa'yo. Tch." sabi ko sabay irap.
"Ako na yung tumitig kahit nakaupo lang ako duon at kumakain ng lollipop." sabi niya at inubos ang natitirang apa ng ice cream.
"Enough with this fight. Promise me na after this, you won't bother my life again. Okay?" sabi ko at nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at itinaas ang pinky finger ko.
"Promise." sabi niya at nakipag pinky swear.
Umirap ako at inagaw na ang kamay ko sa pagkakahawak niya.
"Okay, First, let's talk about your story." sabi ko.

BINABASA MO ANG
MISSION: PAY ATTENTION
FantasyNaniniwala ka ba sa multo? Ano ba ang multo para sa'yo? Patay na ang katawan at di matahimik na kaluluwa? Naniniwala ka ba sa mangkukulam? Sa sumpa? Si Rochete Aniel Ermezia, ang babaeng nakakakita ng multo at inaakalang baliw ng halos lahat ng mga...