23

18 6 1
                                        

Babala:
Ang ilang parte ng eksenang inyong mababsa ay hindi angkop sa mga bata.

Rochete's POV

"Sige ma'am, maiwan ko po muna kayo." sabi ni Jiro at lumabas ng room.

"Zai? Ikaw ba talaga yan?" tanong ko at nawala ang ngiti niya.

Napalitan ito ng lungkot.

"Ako nga. Sorry kung hindi ko matutupad ang pangako ko sa'yo na hindi na kita guguluhin at lalayuan kita pagkatapos ng misyon. Kailangan ko kasi ng trabaho eh." malungkot at nakayukong sabi niya.

"Yun ba ang dahilan kaya hindi mo ako nilapitan nung nagkita tayo sa school five years ago?" tanong ko at tumango siya.

*flashback*

"Enough with this fight. Promise me na after this, you won't bother my life again. Okay?" sabi ko at nagulat ako nang hinawakan niya ang kamay ko at itinaas ang pinky finger ko.

"Promise." sabi niya at nakipag pinky swear.

*end of flashback*

"Ahh.." tanging nasabi ko at nakabibinging katahimikan ang bumalot sa amin.

"Kailan nga pala ako magsisimula?" tanong niya.
_____

Ang sarap ng luto niya.

Parang isang araw lang ang kailangan ko para subukan ang kakayanan niya sa pagluluto.

"Pasado ba?" tanong niya.

"Ang sarap. Pasadong pasado." masiglang sagot ko.

Tumayo ako at inilagay sa lababo ang plato.

"Alam mo kung anong mas masarap?" tanong niya at hinarap ko siya.

Kinabahan naman ako nang ituon niya ang magkabilang kamay niya sa lababo dahilan para makulong ako.

"A-ano?" kinakabahang tanong ko.

Nilapit niya ang mukha niya sa'kin.

"Ako." sabi niya at napalunok ako.

"A--i-ikaw?" nauutal na tanong ko nang dahil sa kaba.

"Wala. Sabi ko, ako na ang maghuhugas niyan." nakangiting sabi niya at pinakawalan na ako.

Ibang iba na siya.

"Ang laki ng pinagbago mo. Ibang iba ka na." sabi ko habang nakaupo sa upuan at pinapanood siyang maghugas ng plato.

Nagpunas siya ng kamay matapos niyang hugasan ang mga plato.

Kanina pa kasi siyang nagluluto at ang daming putahe niya nang napatikim sa'kin.

Adobo, kaldereta, anumang luto ang sarap.

"Isa lang naman ang hindi nagbago." sabi niya at humarap sa'kin.

"Ano?" tanong ko.

"Hindi mo pa rin ba alam hanggang ngayon? Ang manhid mo." sabi niya at kumuha ng tubig sa ref at uminom.

"Anong ibig mong sabihin?" tanong ko.

"Ma'am, ano? Pasa na po ba?" singit ni Jiro na kapapasok lang ng kusina.

"Pag-iisipan ko pa." sabi ko.

"Sus. Sabi mo kanina pasadong pasado na ako." sabi naman ni Zai.

Bumuntong hininga ako.

"Pasado na nga! Tinatanggap ko na ang resignation mo." sabi ko kay Jiro at niyakap niya ako.

"Thank you ma'am! Thank you talaga." sabi niya at kumalas din agad sa yakap.
"Ay.. sorry.. nga pala." bigla niyang paumanhin.

"Huh? Hindi .. okay lang yun." sabi ko.

"Sayo okay lang. Sa kanya hindi." sabi ni Jiro at tinuro pa si Zai.

"Humanda ka sa'kin." banta ni Zai nang tumakbo na si Jiro palabas ng kusina.

"Anong ibig niyang sabihin?" inosenteng tanong ko.

"Slow mo naman. Gusto kita." sabi ni Zai at umupo sa table.

"H-huh? Gusto mo ako?" kinakabahang tanong ko.

"Hindi. Mahal na kita." sabi niya at diretsong nakatitig sa mga mata ko.

Napaiwas naman ako ng tingin.

"H-huh?" utal at di makapaniwalang sabi ko.

"Huh? Huh-ngin. Di ba obvious? Mahal kita noon pa." sabi niya at ininom ang natitirang tubig sa basong hawak niya.

"Ahh..." tanging sabi ko.

Pasensya na, ngayon pa ako na-torpe.

"Ikaw?" tanong niya at mas kinabahan ako.

"A-anong ako?" painosente kong tanong.

"Ikaw.. uhhmm.. binigyan mo ba ng chance si Yuri? Kayo na ba?" magkasunod niyang tanong.

"Ahh.. hindi eh. May iba na kasi akong gusto." sabi ko.

"Ahh, may iba na bang gusto yung gusto mo?" tanong niya.

"Huh..ah eh.. di ko alam." kunyaring di ko alam.

"Sino ba yun? Aalamin ko para sa'yo." seryosong sabi niya.

"Huh? Ehh wag na." tanggi ko.

"Ahh.. bakit ayaw mong sabihin? Ako ba yung taong yun? Ako ba yung gusto mo?" pangungulit niya.

"Huh?" tanging sabi ko.

"Hindi." sabi ko at tumayo.

Tumayo rin siya.

Tatalikuran ko na sana siya nang hilahin niya ako at iharap sa kanya.

"Hindi mo sinagot yung tanong ko." sabi niya.

"Ahh ehh.. kasi.. may gagawin pa ako." palusot ko.

"Sagutin mo muna yung tanong ko." pagpupumilit niya.

"Ahmm.. ano ba yung tanong mo?" tanong ko.

"Mahal mo rin ba ako?" tanong niya.

Hindi yan yung tanong niya kanina ah?

"...oo..." nakayukong sagot ko.

He lifted my chin up at tinitigan ako.

"I love you at never magbabago yun, Rae." sabi niya at naramdaman ko ang paglapat ng labi niya sa labi ko.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon