3

38 17 2
                                    

Rochete's POV

Naghilamos ako sa lababo at tumingin sa salamin.

What if... isa nga siyang multo??

Umiling ako sa naiisip ko.

Hindi pwede. M-may third eye ako? Bukas ang third eye ko?

Nakita ko sa salamin si Yu Ryeong, nakatayo at inosenteng nakangiti.Nilingon ko siya.
Tumingin ako sa paligid at parang wala namang ibang tao.

"Anong ginagawa mo dito? Cr 'to ng girls." sabi ko at lumapit siya sa'kin.

"Promise?" tanong niya at itinaas ang pinky finger.

"Huh? Anong promise?" tanong ko.

"Promise mo na tutulungan mo ako." sabi niya at nagpout.

"Imagination ka lang. Imagination ka lang. Hindi ka multo. Hindi kita nakikita." sabi ko at nag-umpisang maglakad palabas.

Napatigil ako sa kalagitnaan ng hallway.

Kung multo siya, bakit nakakalong ako sa kanya kanina?

Tumakbo na ako pabalik sa room at isinantabi ang mga tanong ko sa isipan.

Umupo ako sa upuan ko.
Lumapit sa'kin ang apat kong kaibigan na sina Criselda,Yuri,Lisa at Reg.

"Roch.. okay ka na ba?" tanong ni Yuri.

"O-okay naman ako." sagot ko.

"About sa kahapon... sorry di ka namin pinaniwalaan." sabi ni Criselda.

"Okay lang. Di naman talaga kapani-paniwala yung sinasabi ko. Mahirap talagang paniwalaan." sabi ko at humarap sa board at siya ang nakita ko.

Nakain ng ice cream habang nakatayo sa unahan ng black board.
Bigla tuloy akong nagutom.

"Pero... nagsasabi ka ba ng totoo about sa nakikita mo na di namin nakikita? Baka bukas ang third eye mo." sabi ni Reg.

"Siguro nga. Ngayon, ayun siya. Kumakain ng ice cream." sabi ko sa kanila at tinuro si Yu Ryeong na busy sa pagkain ng icecream.

"N-nakikita mo pa rin siya? Oh my gosh.. ang creepy nito.." sabi ni Lisa.

"Lalaki ba siya o babae? Nakikita mo ba yung mismong mukha niya? Anong itsura niya?" tanong ni Yuri at nilingon ko siya.

"Bakit masyado kang interesado?" nagtatakang tanong ko.

"Para alam ko kung magseselos ako o hindi." biro niya at sinuntok ko siya sa braso.

"Tch. Bakit ka magseselos? Eh mas interesado ka pang makilala siya kaysa sa'kin eh." sabi ko.

"Cheesy nyo." sabi ni Criselda.

"Inggit ka lang." ganti ni Yuri.

"Eew." umiirap na sabi ni Criselda at piningutan siya ni Yuri.

"Selos." asar ni Yuri kay Criselda.

"Two timer ka, dude." singit ni Reg. "Gumaya ka sa'kin. Focus lang sa isa." patuloy na sabi niya at tumingin kay Lisa sa huli niyang sinabi.

"Di ako two timer. Si Roch lang gusto ko at bestfriend ko naman itong si Criselda." sabi ni Yuri at inakbayan si Criselda. "Ano nga?" nakangising tanong niya at tinaas ang dalawang kilay kay Criselda.

"Oo na lang." umiirap na sabi ni Criselda.

Tumingin uli ako sa unahan at ngayon ay kumakain naman siya ng cupcake.

"Naniniwala ba kayo sa'kin?" tanong ko sa mga kaibigan ko habang nakatingin sa kumakaing si Yu Ryeong.

"Seryoso ka ba talaga? Nakakakita ka ng multo?" tanong ni Lisa.

"Ano? Multo? Saan?" tanong ng isa kong kaklase at nagsimulang magpanic ang lahat.

"Magsitahimik kayo! Anong kaguluhan 'to?" tanong ng kakapasok lang na si Bb. Espinosa na mataba, di gaanong katangkaran, makapal ang make-up at laging may dalang pamaypay na pink.

Walang umiimik. Tahimik.

"Ayan, sabi mo magsitahimik. Syempre walang sasagot sa tanong mo, sinabi mong tumahimik eh hahahahha" tumatawang sabi ni Yu Ryeong at napatawa ako pero pinigil ko rin agad.

"Ms. Ermezia? Anong nakakatawa?" mataray na tanong niya sa'kin at napalunok ako.

"Hindi po ako tumatawa." sabi ko.

"Masamang magsinungaling." singit ni Yu Ryeong.

"Anong hindi? Narinig kong tumawa ka." sabi ni Bb. Espinosa kaya tumayo ako at yumuko.

"Sorry po." paghingi ko ng paumanhin at saka muling umupo.

"Magstart na tayo ng lesson." sabi niya at nagsimula nang magklase.

Hindi ako dinapuan ng antok sa klase niya sa unang pagkakataon dahil pigang piga ang utak ko kakatawag niya sa'kin kada recitation. Ngayon, naubusan na ako ng sagot at nakatayo dito. Hiyang hiya.

"Hahahahaha!" tinatawanan ako ni Yu Ryeong habang nasa tabi siya ni Binibini.

Haystt.. nakakainis siya.

"Wala ka nang maisagot noh?" asar pa ni Yu Ryeong.

"Tumigil ka nga!" sabi ko at binato siya ng librong hawak ko na tumama sa blackboard.

"Ms  Ermezia!" sigaw ni Bb. Espinosa

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon