7

25 10 2
                                        

Rochete's POV

Madilim na sa labas at medyo marami nang estudyante dito sa classroom pero iisa lang ang hinahanap ng mga mata ko.

"Roch..sorry, ayaw pa sana kitang gisingin kaso malapit nang mag-time. Baka maabutan ka ni ma'am nang tulog." sabi ni Yuri na di magawang iprocess ng utak ko dahil naka focus ako sa paghahanap kay Yu Ryeong.

"Nasaan na ba ang multong yon?" bulong na tanong ko sa sarili ko.

"Uhmm... Rochete.. gusto ko sanang sabihin sa'yo na kahit anong mangyari, nandito lang ako at naniniwala ako sa'yo." sabi ni Yuri at doon ko na napansin ang sinabi niya.

So si Yuri nga yung gwapong sinasabi ni Yu Ryeong na naniniwala sa'kin.

"Hmm..okay." pilit na ngiting sabi ko kahit kinakabahan na ako sa di ko makitang si Yu Ryeong.

Paano kung naglaho na siya? Teka.. binibigyan ko naman siya ng atensyon ah? Pero paano kapag hindi sapat yung atensyon na binibigay ko para makabalik siya?

Mas bumilis ang tibok ng puso ko at nag-umpisa na akong magpanic. Tumayo ako at lumabas ng classroom pero di pa ako tuluyang nakakalabas ay nakasalubong ko na sa may pintuan si ma'am Garaste.

"Goodevening ma'am!" nagulat na bati ko.

"Goodevening Ms. Ermezia. Saan ka pupunta sa oras ng klase?" mahinahong tanong niya.

"Uhmm.. ihing ihi na po kasi ako. Kailangan ko pong mag-cr." palusot ko at umarteng naiihi.

"Bakit hindi ka agad umihi nung di pa oras ng klase?" muling tanong niya.

"Eh kasi po.. nakatulog po ako. Kagigising ko lang po." nahihiyang palusot ko at napakamot si ma'am sa ulo.

"Sige na. Bumalik ka kaagad ha." sabi ni ma'am at nagpasalamat ako saka kumaripas ng takbo.

"Ah!" daing ko nang mabunggo ako sa isang matigas na dibdib.

Nakahawak ako sa noo kong nauntog.
"Porket ang tangkad mo di ka na tumitingin sa mas maliliit sa'yo! Sino ka ba--" natigilan ako nang tingnan ko ang mukha niyang naka-pout.

"Sorry. Masakit pa ba?" nag-aalalang tanong niya at inalis ang kamay kong nakahawak sa noo ko.

Hinaplos niya ang noo ko at inilapit niya ang mukha niya para suriin ito.

"Mapula agad?" nagtatakang tanong niya habang di na ako makagalaw sa sobrang lapit ng mukha namin sa isa't-isa na hindi niya napapansin.

Umatras ako at tinabig ang kamay niya.
Tumingin ako sa paligid at sinuguradong walang ibang tao.

"I-ikaw! Saan ka ba galing ha?" tanong ko habang nakaturo sa kanya.

Nagpout na naman siya.

Haystt ang cute!
"Wala.. Balik ka na sa classroom mo dali." sabi niya at pinihit ako patalikod tsaka tinulak.

Tumigil ako sa paglakad dahilan para mapatigil siya sa pagtulak sa likuran ko. Hinarap ko siya.

"Sa susunod wag kang aalis sa tabi ko nang di ka nagpapaalam sa'kin!" umiirap na sabi ko bago siya tinalikuran at agad naglakad papasok ng room.
______
"Bat di ka pa umuuwi? Gagabihin ka masyado." sabi niya nang kaming dalawa na lang ang matira dito sa room matapos ang bell.

"Tinatamad pa akong umuwi. Malapit lang naman ang bahay." sabi ko.

"Hindi kita maiihatid kaya di ka pwedeng magpagabi nang sobra." giit niya at hinila ako patayo.

"Saan ka muna galing kanina? Iniwan mo kong natutulog, pano kung naabutan ako ng klase? Buti ginising ako ni Yuri. Sana ginising mo muna kasi ako bago ka umalis." sabi ko at hindi nagpahila sa kanya.

"Nandyan naman si Yuri tsaka nagpunta akong cr." sabi niya nang nakayuko.
 
"Anong ginawa mo sa cr?" tanong ko nang nakapameywang.

"Umihi." seryoso at nakayukong sabi niya at bahagya akong napatawa.

"Naku ako pa ang niloko mo. Multo iihi? Tss." inirapan ko siya at bumalik ako sa upuan ko.
Sinakbit ko ang bag ko sa kanang balikat ko at lalampasan na sana siya nang pigilan niya ako at hawakan sa kanang braso.

MISSION: PAY ATTENTIONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon