Alexandria POV
Lumabas na sila sa room ng volleyball team at hihintayin lang daw nila ako sa labas dahil nandun sina kuya.
Habang inaayos ko ang sports bag ko, nabigla ako ng may yumakap sa likod ko. Alam ko na kung sino to.
" Talaga bang ganyan ang uniform niyo?" Nakakunot noo niyang tanong.
"Oo" sagot ko. Narinig ko naman siyang nag Tsss.
Kaya humarap ako sa kanya ay yumakap sa leeg niya."Are you okay?" Nag-aalalang tanong niya.
"Kinakabahan talaga ako hubby eh" mahinang sabi ko.
"Ssshhhhh nandun naman ako. Kaya eenjoy mo nalang" hinahahod hagod niya ang likod ko habang sinasabi niya yun.
Kaya kahit papano gumaan ang dibdib ko.
"Let's go?" . Tumango naman ako kaya hinawakan niya ang kamay ko at sa isa niyang kamay ay ang sports bag ko.
Paglabas namin may mga matang matiim kaming sinusuri.
Maya maya,"Wetweeww sexy"
"Sexyy ah"
"Hot"
"Huh?" Inosenteng tanong ko.
Sabay naman silang nag-iwas ng tingin."Baby girl tara na" -ate Yoona.
Niyakap muna ako nina kuya at nina kuya Harold pati nadin nina kuya Terrence.
Pagkatapos ay umalis na kami at pumunta na sa gymnasium. Sila naman kuya ay papasok na daw.Pumunta kami sa gilid kung nasaan si coach Gomez, hindi ko nabanggit na meron pala kaming Coach.
"Girls, eenjoy niyo lang to ang laro. Good luck" nakangiting sabi ni coach Gomez.
"Thanks Coach" nakangiting sabi din namin.
"Soooo... Be ready players" - emcee.
Nag-inat-inat lang kami ng aming katawan para kahit papano may warm-up.
"So.... Lets us welcome the Francisco University volleyball team and Grey University Volleyball team" sigaw ng Emcee. Kaya sabay namin ang kalaban na pumunta sa magkabilang
side sa pagitan ng net at nakipag kamay kami sa baba ng net. Gets niyo?
Nagsigawan naman ang mga supporters namin at sakanila din.
"So let us start" sigaw nanaman ng emcee. Kaya pumwesto kami.
Tinoss na nila ang coin at tail ang lumabas kaya sakanila ang bola.
Gooooo GU
Gooo FU
Wooaah ang ganda niyo
Yeah lalo kana number 16 at sexy mo pa
Wooo go GU
Go go FU
Bago nagsimula, mas lalong dumami ang sumigaw. BTW number 16 ako.
Tumingin muna ako kina kuya, ngumiti namna sila pati na sin kuya Lester at sina kuya Dex at sina kuya Terrence. Ngumiti nga si kuya tyron eh. At pati na din sina ate Elise. Last kung tinignan ay si Zach, ngumiti siya saakin kaya ngitian ko silang lahat.
Pumusition na kami at nagsimula na.
Sinerve ng isang babae ang bola at nasalo ko naman iyo dahil nandito ako sa likod, kaya sinet ni ate Patricia at spinike ni ate Yoona at hindi naman ito nasalo ng kabilang team kaya saamin ang unang puntos.
BINABASA MO ANG
She's My Innocent Girl
Teen FictionShe is very innocent, generous and sweet. While the boy has a cold personality but deep inside has a sweet side.