Prologue

436 34 8
                                    

     Kahit siguro sa kahit anong laban natin para sa tao, kung hindi para satin, hindi tayo mananalo. Lumaban man tayo sa ibat ibang paraan, kung babawiin din satin ng tadhana wala naman tayong magagawa. Ilang luha man ang ilabas natin, ilang sigaw man ang gawin natin, kung iiwan din tayo, kelangan nating magpalaya. Pinaka masakit na siguro sa isang taong nagmamahal ay ang makita nyang nahihirapan ung taong mahal nya, ung nakikita nya naung taong pinaglaban nya ay hirap na hirap na. Ung hanggang tingin ka nalang kase wala ka namang magagawa kung hindi ang magdasal na sana ay manatili sya sa tabi mo.

    Ilang laban na ang inyong nalagpasan, hindi kayo nagpatalo sa mapanghusgang lipunan, hindi sa inyo mahalaga ang pera basta may pagmamahal. Kase ano ngabang magagawa ng pera kung hindi ka nga naman nya mahal diba. Mas maigi ng maghirap ng magkasama kaysa yumaman ng mag isa. Ilang tao na ang humadlang sa pagmamahalan ninyong dalawa, ilang away na ang naging dahilan ng pagluha at pag hihinagpis. Pero totoo nga naman, kapag nagmamahal ka, handa kang magpatawad ng paulit ulit kahit pagod na pagod kana, kelangan mong lumaban kase pag subok lang yan, malalagpasan nyo din yan. Hinuhusgahan kayo ng tao base sa nakikita nila, pero hindi nila alam ang rason kung bakit masaya o nasasaktan ka.

     Isa ako sa mga taong naniniwala na hindi ka nagmamahal kung hindi ka nasasaktan. Parte ng pagmamahal ang salitang sakit kung saan natututo ka at mas tumatatag para sa inyong dalawa.

    

    

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon