"Andito na tayo! yeheyyyy" masayang sigaw ko ng makarating na kami sa ek, si kuya na ang kumuha ng ticket namin para madali. Nandito paden kami sa sasakyan at inaantya si kuya, ayaw kopa kasi lumabas dahil ang inet.
Antagal ko ng di nakakapunta dito, huling punta ko dito 3years ago pa ata, naisipan lang din namin ni kuya mag gala non kase wala den sila mommy at ayaw namin mag stay sa bahay.
Hindi naman nag tagal si kuya at nakabalik den agad "Lezzgooooo handa nakong mawalan ng kaluluwa" pag aaya ni kuya samin at bumaba na kami, nakahawak si Bryce sa bewang ko at magkahawak kamay naman si kuya at ate Jeanne, sa totoo lang diko inexpect na magkakajowa si kuya, mukha na kase yang libro eh, sobrang busy pero di naman sya naawawalan ng time sakin kaya love na love ko den talaga yan. Masaya kasama kase puro kalokohan, talagang palakasan kayo ng trip.
"San tayo?" tanong ni Bryce.
"May tayo?" pang babara ko.
"Ayunnnn, tayo tayo kapang nalalamam dyan ha, don us sa Jungle Log Jam" may pag tingin pa sa map, kala mo si Dora.
Pag dating namin don ay buti nalang hindi ganon kahaba yung pila, 10 minutes lang kami nag antay tapos kami na, amoy na amoy kona ang tubig, nasa unahan si Bryce tapos sunod ako tapos si ate Jeanne and last si kuya. Buti nalang hindi ako sa harap dahil paniguradong ambaho ng tubig heyop.
"Yiehhh si Avi natatakot na" asar sakin ni kuya, hindi iase ako ganon katapang pag dating sa ganito.
"Baby kapit ka, baka ma fall ka" paalala ni Bryce "pero sakin sana" ay awit.
"Landi nire, mabasa ka sana" ayan na, makapigil hininga na ng unti unti na kaming nataas, parang gusto kona bumaba, ayoko tignan yung baba dahil lalo akong kakabahan at... "MOMMYYYY!!!! HUWAAAAAAAA" malakas na sigaw ko.
"AHHHHHHH!!"
"HAAAATTTTTTDDDOOOOOOGGGGG" hanggang rides banaman hatdog paden sigaw nito.
Pero pinaka natawa ako sa sigaw ni ate "KENJIIIII PISTE KA IBABA MOKO DITO SINUSUMPA KONG MABABAOG KA!!!!! WHAAAAA!! MAMAAAAA!!" takot den pala sya HAHAH bat kase eto napili ni kuya.
At ayun na nga pagbagsak namin ay talabsikan na ang tubig, pero hindi pa don nag tatapos ang lahat, may susunod pa at mas mataas yun kumpara sa nauna.
"Teka naman naiwan kopa kaluluwa ko don" sabi ko ng malapit na ulit kami sa pataas na part.
"Piste ka Kenji dali ka sakin mamaya!" pinagtatawanan lang kase ni kuya alam ng takot dito pa dinala "iwan kita dyan eh!"
"Love wag na-" hindi na maituloy ni kuya ang sinasabi dahil eto na kami sa impyerno "SHETTTTT MOMMYYYYY!!" oh diba qaqo ka ha may pag asar kapa.
"LORDDDDD HELPPPPPPP" sigaw ni Bryce, kung ako den ang nasa unahan ay baka hindi lang yan ang masabi ko.
"WHAAAAAAAA!!!!!" sigaw ko hanggang sa matapos ang part na yun.
Pagbaba namin don ay pinagpapalo ni ate si kuya, buti nga sayo "Grrrr!! kaines ka!" tawa paden ng tawa si kuya "anong tinatawa tawa mo dyan ha!"
"San next? sa mahangin sana basa ako eh no? ganda ng inuna mo eh" napaharap ako kay Bryce at ayun basa nga sya HAHAHA inamoy ko sya pero bat ang bango paden.
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romansa"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...