"AVIANA MAY NAGHAHANAP SAYO" nandito kami ngayon sa canteen para mag lunch ng biglang magsalita si Amber.
Tumingin kami sa gawi nya may kasama syang dalawang lalaki, lumapit sila sa amin. Medyo naiilang ako kase baket naman nila ako hinahanap mukha bakong nawawala?
Nakangiting nagsalita ung isang lalaki "Hi, ako ng pala si Aldrin and itong kasama ko si Adrian. Gusto lang namin sana itanong kung pede kabang gawing muse ng team namin sa basketball, kung ok lang naman sayo bale ngayong friday yun" natuwa ako sa sinabi nya kase ako pa ung napili nilang gawing muse ng team nila sa dami ng babae dito sa school.
"Hi Aldrin, ahmmmm bat ngapala ako ung napili nyo para mag muse eh madami namang ibang babae dyan na sikat kesa sakin" syempre dapat pakipot muna tayo para kunwari dalagang pilipina yeahhhh chozzz HAHAHAHA.
Ngumiti sya ng bahagya na tila ba may tinitignan na kung ano sa mukha ko, alam kong mukha akong sabog ngayon dahil isang linggo palang ay tambak na ang aking gawain "ano kase ehhh, ang ganda mo kase sa totoo lang, dati pa kitang nakikita pero hindi ko magawang lumapit kase oo nahihiya ako, ang talino mo kase baka mamaya hindi moko kausapin hahaha pero mukha namng mabait ka kaya kinuha ko na tong pagkakataong to para makausap ka, kung kukuha naman kase kami nung sikat ay masyado na silang nagamit or nakita dito kaya mas maganda na ung bago sa mata".
"Hoy pumayag kana, kaming bahala sayo chaka oras narin teh para naman sumubok ng gantong bagay hindi yang puro nalang aral ang inaatupag mo" nangungunsumbing sabi ni Kylie at may ibinulong pa ang loka jusko "chaka malay mo, magkajowa kana, ang gwapo tehhh, usto ko sakin nalang" agad kong tinakpan ang bibig nito, mamaya marinig nitong si Aldrin akalain walang nanliligaw sakin, duhhh madami akong manliligaw, kaso ngalang, naligaw den sila hahahahahha.
"sige payag ako, ano palang susuotin ko don" tanong ko kay Aldrin.
May inabot sya saking paper bag na ang laman ay jersey syempre un ang isusuot ko "Ah eto ang susuot mo tapos mag make up ka pero pede naman den hinde dahil maganda kana, lalo na sa paningin ko" pabiro nyang sabi.
Maypagka maharot den pala tong si Aldrin eh. Pero gwapo sya ha panalo na itong datingan nya, maputi, matangkad, pogi at mabango, san kapa, maharot ngalang talaga hahahah.
"ayiehhhhhhhh" panunukso ng mga tropa kong sabog na sabog nanaman "love life naba ituuuuu!"
"Hoy Aldrin ang usapan naten tatanungin lang natin si Aviana eh bat me halong harot ata yan hahahaha" pangloloko sa kanya ni Adrian.
Binatukan ni Aldrin si Adrian sa harap namin pero tinawanan lang sya ni Adrian at nagpaalam na silang aalis "ahhh Aviana alis na kami ha salamat pala sa pagpayag puntahan ka nalang namin kapag may kailangang gawin, ingat ka ha"
Naiwan kaming nakatunganga sa canteen hanggang sa napagpasyahan naming bumalik na sa kanya kanyang room. Habang papasok ako ng room ay para bang may nakatingin at sumusunod sakin grabe ha ang aga naman manakot nito. Tumingin ako sa likod baka sakaing makita ko ung kung ano man un pero nakita ko don ung lalaking sinasabi nila sakin, nalaman ko ang pangalan nya dahil sa mga chismosa kong kaibigan.
Agad syang nag iwas ng tingin sakin at umaktong nagbabasa ng kung ano sa cellphone nya. Pag pasok ko ng room ay masama ang tingin ng mga maaarte kong kaklase, ang 'Hipon squad' na aming tinatawag, pano kase katawan lang maganda, tapon ulo tapon pa ugali.
Lumapit sakin ang leader ng mga hipon, namangha ako, nagsasalita pala talaga ang mga hipon "Hoy ikaw na babae ka baket mo kasama ang baby Aldrin ko ha! Wag kang makalapit lapit sa kanya dahil akin sya" galit na galit ang mukha nya pero wala akong pake hahaha wala akong oras pra makipag agawan.
"Eh kung sayo pala bat dimo kunin? sayo pero sakin nalapit?" nang aasara na sabi ko.
"Pano lalapit sayo eh ang pangit mo? sigurado akong nagpapansin ka! bida bida ka kase lage"
sml?
talaga?
ah kaya pala gusto ko kase panget ako
edi maganda, mas magugustuhan ka, mahilig sa pangit eh
Natawa ako dahil sa mga iniisip ko kaya lalong sumama ang mukha nya " eh kung panget ako bat ako ang kinukuhang muse? sayo pala eh bat dika pinili?" mas lumapit ko sa kanya at bumulong "panget ako? edi ano kapa? wag kang mag alala advantage yan, panget ako pero nagustuhan ako eh ano kapang mas panget edi mas magugustuhan ka, kaya ingatan mo yang mukha ko" ngumiti ako ng nakakaasar s kanya at umupo na sa upuan ko. Hindi kona pinansin ang mga sinasabi nya at nakinig nalng ako sa discussion.
PABALIK NAKO ng room ng makasalubong ko si Aviana, ang ganda talaga kahit kelan, may make up man o wala, maputi man o hindi. Natulala nanaman ako sa ganda nya, hinding hindi ko makakalimutan ang mukha nya dahil nag iisa lang sya, nagiisa lang sya sa paningin ko.
"Bryce ano hanggang tingin ka nalang" nakakagulat naman tong si Julian basta basta nalang nagsasalita.
"Oo nga wala kabang balak lapitan yan, ngayon kalang ata nagkaganan sa babae" dagdag pa ni Vince habang si Paul ay tahimik lang na nakatingin sakin.
"Hindi panga ako handa diba, ang kukulit nyo, kayo nalang kaya lumapit ng matahimik kayo" asar na sabi ko.
"Sige kami lalapit para sayo tas sabihin namin matagal mona syang bet at natotorpe ka kase babaero ka date at alam mong ayaw nya sa ganon" pangaasar ni Julian "Nasaan naba kase ung Bryce na matinik sa mga babae, lintik ng eh ang daming naghahabol sayo eh binabaliwa kalang naman pala ng isang babae"
"Wag na wag mong sasabihin kay Aviana yun masisira mo ang plano ko, bugbog ka sakin pre pag sinabi mo yan" nagbabanta kong sabi sa kanila pero tinawanan lang nila ko, bat ko ba naging kaibigan ang mga to eh parang mga kinulang sa buwan, daig pa babae sa pagka chismoso at madaldal, konti nalang talaga iisipin kong babae sila.
Humarap sakin si Paul "Pre parang nakakahalata si Aviana na tinitignan naten sya" pgaksabi ni Paul ay saktong lingon samin nito, nabigla ako at buti nalang ay hawak ko ang cellphone ko at nag kunwaring may ginagawa, sana hindi nya mahalata.
"Napaka iingay nyo kase! muntik nako ano banaman kayo" naiines na sabi ko at umalis na, papunta akong room ng marinig ko ang sabi ng isang member ng kabilang team, kinuha nilang muse Aviana ko, hindi ako makakapayag.
"Hanep den talaga si Aldrin no napapayag si Aviana eh crush nya un" hindi kona pinatapos na magsakita ita at nag dare daretso akong umalis don, kung sino kamang Aldrin ka patay ka sakin, akin lang ang Aviana ko.
Nakarating nakong room pero si Aviana parin ang nasa isip ko, pano kung may gusto nga sa kanya si Aldrin, pano kunb magustuhan den nya, pano kung maging sila. Aviana wag naman sana, akin kalang kahit torpe ako oo.
"Oh bat bigla mo nalang kami nilayasan, sayang dimo nakita lumabas si Aviana" nandito narin para sila Julian.
"Oonga tapos kasama nya ung sa lalaki sa kabilng grupo, mukhng naunahan kana" nanunuksong sabi ni Paul sakin na agad ko namang nilingon.
Para akong nanghina sa sinabi nya para bang may kung anong nakabara sa dibdib ko "Hindi ako papayag, hindi ako papayag na hindi ako ang mamahalin nya"
"Relax bro para namang may inabot lang sa kanya" pagpapakalma sakin ni Vince.
Hindi mawala sa isip ko nag sinabi nila, hindi ako nakapag focus sa ginagawa ko ng dahil don, hayssss Aviana bat moko ginaganito, pede bang magpahinga ka muna kamatakbo sa isip ko, sesexy ka nan lalo eh.
________
💖
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...