PAGISING KO PALANG ay saya na ang aking naramdaman, ibang sigla ang meron ako ngayong araw. Hindi ko alam bakit ang bilis gumaan ng loob ko kay Bryce, siguro dahil matagal kona den syang kilala kahit nito lang kami nagka usap.
Sa panahon ngayon hindi lahat ng lalaki ay handang mag antay para sayo, hindi lahat ng lalaki ay kaya kang pahalagahan kahit hindi kayo nagkakausap. Sabi nga nila, kung magmamahal ka, dapat handa lumaban kahit mag isa. Dahil hindi naman lahat ng tao ay kaya kang ipaglaban para lang mag stay ka. May mga taong nakikita lang ang halaga mo kapag nandyan ka, pero pag nawala kana ay nasa iba na agad ang atensyon nila. Perong ibang iba si Bryce, ilang taon na pala syang may gusto sakin pero bakit hanggang ngayon ako paren.
wag kang susuko, dadating ang araw na magbubukas muli ang puso ko para sayo.
"AVIANA ANO NA!! KILOS KILOS GURL BAKA MAPAG IWANAN KA" ang aga aga naman nila dito jusko dipako nakakaligo, kailan nga pala ako kumilos ng maaga? hahaha.
Bumangon ako sa kama at tumingin sa kanila, mga nag sihiga sila sa kama ko, si Camilla ay nagseselpon dito sa tabi ko, si Amber naman ay naka upo sa sahig at kinakalikot ang mga libro ko at etong si Kylie na mukhang galing sa kusina at may dala pang pagkain. Si Brent na kaibigan naming bakla ay todo makeup sa sarili, anuena baket ganto ang mga kaibigan ko juskooooo.
"Ghourl san ka nagpunta nung nag bar tayo? bigla ka nalang nawala, nahulas ang beauty ko sayo kahahanp" pag iinarte nitong si Brent
Umayos ng higa si Camilla at hinampas pa ang braso ko "oo nga san kaba nag punta, kung di pa kami tumawa kay tito di namin malalamang nakauwi kana".
" At chaka chabi ni tyito mey nagbatid daw sayo" sabi ni Kylie na todo kain paden.
" tih kaloka ka ubusin mo muna yang kinakain mo, waley ako naintindihan" maarteng sabi ni baks.
Nagsuklay ako ng buhok at kinuha na ang twalya para maligo "kasama ko si Bryce, nag gala kami" nakangiting sabi ko at hindi kona inintay pa ang mga sasabihin nila.
"Huwaa!!! ang bakla umaalembongs na".
"Sis love life naba ito!"
"Sinasabi kona ngaba eh! bet ka non teh wag na pakawalan napaka gwapo na nun".
Jusko hindi ko alam kung tatawanan ko sila or maiinis dahil sa ingay nila.
" Basta tatandaan mo, WALANG FOREVER " nak nampupu di talaga mawawala ang bitter sa mag totropa eh.
Pagkatapos ko maligo ay nag bihis nako, pinili kong suotin ay red na dress at nag heels, mag ma mall tas naka heels no pahirap sa sarili hahaha.
"Huwaw naman iba talaga ang nagagawa ng inlove" pang aasar ni Brent.
"Hindi pa ako inlove ok? wag kayong excited"
"WHAAAAA ONG HINDI PA? SO MAY PAG ASA?!!" pag iinarte ni Amber.
"Nako tih sa gwapo ng bebe Bryce hindi malabo"
Pababa kami ng hagdan ng may mag chat sakin.
From: Bryce
Aviana nasa pabas nako, antayin kita🖤
Omgggg, baket ako kinikilig shemsss
To:Bryce
Pababa nako
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Storie d'amore"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...