Chapter 23

27 5 0
                                    

Gabi na ngayon at nakapag handa na ng dinner si mommy, ang daming niluto ni mommy para sa ipapakilala ni kuya, sana naman mabait, kung hinde nako talaga.


"Mommy!! Daddy!! Bunso!!" sigaw ni kuya mula sa main door ng bahay namin.


Nandito kami nila daddy sa kusina kaya napalabas kami sa sigaw ni kuya, bumungad samin ang isang magandag babae, hindi ganon katangkaran, dirin naman sobrang liit, ah basta makiit dilang sobra HAHAHA nag gulo ko no sorry. Nakasuot sya ng pink dress na hanggang tuhod, hapit sa katawan nya kaya kitang kita ang hubog ng katawan nya.


"Ah mommy, daddy, bunso hehe ai Jeanne, girlfriend ko" pormal na pagpapakilala ni kuya samin.


Ngumiti sya samin "good evening po" nag mano sya kay mommy at daddy.


"Ate Jeanne ano pong gayuma ang ipinainom sa inyo ng kuya ko?" natatawang tanong ko lalo na nung napakamot sa ulo si kuya.


Tinawanan nyako "diko nga din alam eh hihi" malambing nyang tugon sakin.


"Hoy grabe sa gwapo kong to dikona kailangan non!" angal ni kuya pero inirapan ko lang sya.


"Nako hali na kayo kain na tayo, madami kaming hinandang pagkain Jeanne sanay magustuhan mo" niyakap pa sya ni mommy bago hilahin papuntang dining table.


Umupo na kami at nagdasal bago kumuha ng kanya kanyang pagkain, mukhang nahihiya pa si ate Jeanne kaya mag iingay muna ko hehe.


"So pano po kayo nauto ng kuya ko" tanong ko sa kanya.


"Luh anong nauto? eh yan may crush sakin" mayabang na sabi ni kuya.


Agad namang umangil si ate " luh bat ako? ikaw tong kulit ng kulit sakin no" pag tanggi nya "nako Avi yang kuya mo classmate ko palang may gusto na sakin, sabi pa nya sakin sya daw future husband ko".


"Kuya kadiri ka! bat ka ganan, kapal mo ah future husband ka dyan eh mukha ka ng libro, kung dika ngalang nagka girlfriend iisipin kong inasawa mona ang hospital" pang aasar ko kay kuya.


Tinatawanan lang kami ni mommy at daddy hanggang sa mag tanong na den si mommy "anak pano ka naman niligawn nitong binata ko, eh wala pa namang experience to" tanong ni mommy at tawang tawa pa "akala konga wala na yang balak mag girlfriend".


" Nako ang kulit kulit po nan, laging nasa office, nagtatakha ngapo ako na nakakapunta pa sakin kahit busy sa hospital, nagpapaawa pa at sya daw po ay pagod" kwento nya samin "araw araw po yang nag dadala ng bulaklak, muntik kona ngapo isipin na hardinero yang anak nyo".


"Sus kilig ka naman" balik na asar sa kanya ni kuya "alam nyoba mommy si Jeanne talaga yung nanligaw sakin!" ay ang kapal ng mukha.


"Wow ha!" angil ni ate.


"Ang cute nyong dalaw hihi" kinikilig kilig pang sabi ni mommy "nako Jeanne alagaan mong mabuti yang anak ko, doctor yan pero di maalaga sa sarili, malinis oo pero puro mommy paden! HAHAHAA" nagtawanan kami pero si kuya ayun syempre nakasimangot



"Nako opo nga tita, pati pagkain nakakalimutan nyan, kaya minsan pinupuntahan kopa sa hospital para hatidan ng pagkain".



"Ano bayan kuya! kalalaki mong tao pababy ka!" asar ko nanaman.



"Ikaw nga ang laki na nagpapabuhat pa kay Bryce" luh bat nadamay si Bryce.



Inirapan ko lang sya at nagpatuloy sa pagkain. Tumigil muna saglit si ate Jeanne sa bahay bago nagpaalam na aalis na.



"Tito tita uwi napo ako may gagawin papo kase ako eh, may kelangan po akong tapusin sa trabaho" paalam nya kila daddy.



"Daddy nalang anak, mag iingat ka ha" tugon ni daddy si mommy naman ay nakangiti lang sa kanya at yumakap muna bago humarap kay kuya.



"Kenji ihatid mo si Jeanne sa kanila ha, mag iingat kayo" paalala sa kanya ni mommy.



Humalik ako sa pingi ni ate Jeanne at ganon din ang ginawa nya "ingat ka ate! balik ka ha, ingat ka sa kuya ko may kakaibang sakin yan sa utak" asar ko nanaman kay kuya.



Pinitik ako ng mahina ni kuya sa noo " kanina kapa bunso ha" tatawa tawang sabi nya "lagot ka sakin mamaya, gaganti ako".



Gumanti ako ng pitik sa kanya pero masmalakas akin " pano ka naman gaganti huh?" mayabang na tanong ko.



Ngumisi sya sakin "secret!" ay langya na sa sikret, pagiisipin pako.



"Osya ihatid mona si ate, lumalalim na ang gabi" sabi ko kay kuya.



"Kelan kaya bumababaw ang gabi" pamimilosopo nya sakin.



Corny mo day! "ah baka pag madaming araw na" ano ka ngayon ha! HAHAH "layas na corny nito".



Tinawanan lang sya ni ate kaya lalong napikon si kuya pero di sya makaganti kase syempre cute ako HAHAHA anong konek? wala sikretong malupet tapos yung nag babasa pinagpalet.



Ilang minuto na ang nakakalipas pero wala paden si kuya, san nanaman kaya nakarating yun, ay ewan kukuha muna ko ng ice cream.



" Avi baby, wala pa kuya mo?" tanong sakin ni daddy at talagang inagawan pako sa ice cream.




Sumubo muna ko ng ice cream bago sumagot kay daddy "wala pa po eh, ewan kona baga kung sang lupalop ng earth nakarating ang alien kong kuya".



"HAHA ang hilig nyo talagang mag asarang mag kapatid" luna ni daddy habang natawa "kamusta na pala kayo ni Bryce?" tanong ni daddy.



"Oonga Avi dina napunta si Bryce ah" malungkot na dagdga ni mommy.




"Ah mommy busy siguro yun, lalo na ngayon ganon yung kumpanya nila, yaan nyo pupunta yun pag may time sya" nakangiting tugon ko sa kanila.



"Oonga po mommy tagal ko napong di nakakapunta, miss na miss ko tuloy yung anak nyo" bumilis ang tibok ng puso ko, nag uunahan sila at para bang nagwawala dahil sa pamilyar na boses na aking narinig, hindi agad ako nakagalaw na napangiti nalang "nasaan naba yung-"



Hindi kona sya pinatapos sa pagsasalita at magtatakbo nako papunta sa kanya at niyakap sya, binuhat naman nyako at napatili pa si mommy sa kilig.



"Ayiehhhh! ang cute cute nyo" sabi ni mommy at natalon talon pa.



"namiss kita" bulong ni Bryce sakin.


Bumaba ako sa pagkakabuhat nya pero nanatiling nakayakap sa kanya "namiss den kita" nakangiting tugon ko "bat ka pala nandito" tanong ko at binalikan ang ice cream na nasa table.



"Bakit ayaw moba?" kunwaring malungkot na tanong nya.



Sinubuan ko pa sya ng ice cream bago sumagot "syempre gusto! eh kase naman gabi na chaka dimo naman sinabi sakin".



Ngumisi sya sakin " may surprise bang sinasabi?" ay ang tinde "eh kase sabi den ng kuya mo nababaliw kana daw sa pagkamiss sakin".



Humarap ako kay kuya at tumingin ng masama " imbente ka talaga kuya".



Tatawa tawa pa ang loko "luh totoo naman!"



Muli akong humarap kay Bryce na ngayon ay nasa tabi na ni mommy "hoy gabi na pano ka tutulog?" tanong ko sa kanya.



"Dito ko tutulog" omg.








____________________________

AYE! THANK YOU SA MGA NAGBABASA 💖

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon