Hanggang sa pag uwi ko ng bahay ay hindi natahimik sa isip ko dahil sa mga sinabi nila Vince kanina, naiisip ko palang na mapalapit si Aviana kay Aldrin para takong sinasaksak. Hindi pako pwedeng lumapit sa kanya pero eto ang nagtutulak sakin na magpakilala. Nanonood ako ngayon ng movie para naman mawala sa isip ko si Aviana ng biglang tumunog ang cellphone ko.
Kinuha ko ang selpon ko at si Paul ang natawag "Bro tara nag aaya si Julian mag bar, wala namang pasok bukas" ano nnaman kayang problema at nag aaya nanmaan mag bar.
"Ngayon naba?" tanong ko kay Paul.
"Oo daw sabi ni Vince eh mukhang me problema nanaman tong si Julian".
" okay liligo lang ako tapos sa bar nalang tayo mag kita kita" pagkasabi ko non ay pinatay kona nag tawag at naligo na. Pagkabihis ko ay nagpaalam lang ako kay mommy, wala si daddy kase may business meeting nanaman sya, nasa Europe sya ngayon, hind na naman bago na wala si daddy dahil lagi naman syang wala.
Pagkarating ko sa parking ng bar ay nakita kona ang sasakyan nila Vince, mukhang ako nalang ang kulang. Pumasok ako sa loob at may babaeng humarang sakin, mukhang marami na atang nainom.
"Hey handsome, kiss meeeee" malanding sabi nito at yumakap yakap pa sakin.
"Ah lasing kana ata masyado, bumalik kana sa mga kasama mo" naiiritang sbai ko, kababaeng tao maharot ano bayan.
"Aba maswerte kat nagpapahalik ako sayo, hindi mobako kilala, ha?" tanong nya sakit ata medyo lumayo.
Tumingin ako sa kanya "Hindi kita kilala at wala den akong balak na kilalanin ka, hindi ka si Aviana kaya tumabi ka dyan at sa kanya nakalaan ang sexy lips ko" nagpatuloy nako sa paglalakad hanggangvsa nakita kona sila Paul.
"Masama ata mukha mo bro" nangaasar nanaman ang mga mokong na ito.
"Pano kase kakapasok ko palang may babae ng humarang sakin, kiss ko daw sya, iwww hindi sya si Aviana para halikan ko"
Nagtawanan silang tatlo at nagpatuloy sa pag inom ng mapansin kong masyado ng madmai ang naiinom ni Julian. Mukhang masama talaga timpla ng isang to dahil ganto lang naman to pag may problema "Hoy lalakeng binabae, may problema ka nanaman ba?"
Humarap sya sakin at kitang kita kona ang namumuong luha sa mga mata nya, amputek bakla talaga to eh "Si Angela kase bro, sweet naman kami, tapos nararamdaman ko ung care nya sakin, napapasaya namin ung isat isa tapos madalas nga nahuhuli ko syang namumula sa kilig, tapos kanina may nag tanong sa kanya kung ano ba daw kaming dalawa tapos sabi nya magkaibigan daw, inang yan asang asa nako eh ok lang naman sakin kung dipa talaga kami kahit M.U. muna pero sabi nya magkaibigan lang daw" para syang batang naiyak sa harapan namin ngayon, pero tinawanan lang namin, sanay na kaming ganan yan.
Iniwan ako magisa nila Paul sa pwesto namin at sasayaw sila, wala akong gana sumayaw kaya hinayaan ko nalang muna. Sobrang ingay at gulo dito sa bar halos hindi mona makita ang mukha nila dahil sa ilaw na sumasayaw sa mga nandito para bigyang buhay ang lugar na ito.
Ngunit may isang babaeng nakakuha ng aking atensyon, kasalukuyan syang nasa kabilang table, nakatakod sakin, hindi ko maitatanggi na maganda ang kanyang katawan, naka pula syang dress na hanggang sa kalahati ng hita nya na kapit na kapit sa katawan nya para mas lalong makita ang hubog ng kanyang katawan, hindi katangkaran pero bagay sa kanya.
Laking gulat ko ng humarap ang babae sa gawi ko upang makita ko ang kabuuan ng kanyang mukha, ang anghel sa aking mga mata mula pa noon, ngayon ko lalong mas napatunayan kung gano ko kagusto si Aviana, sa kanya at sa kanya parin pala talaga ako mahuhulog, buong buo nanaman ang gabing ito.
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...