"Mga hampas tiles bilis, ligong ligo nako mygad maghahanap pako ng makakain mamaya dyan daming pandesal at hotdog" hanep naman sa ingay tong si Brent oh.
Pero sayang talaga kanina! sayang nakiss na sana ko ni Aviana. Bat kase ako kinilig, langya naman oh konti nalang eh. Dibale gagawan ko ng paraan yan whahahaha.
"Hoy bakla? anong hampas tiles? gusto mo hampasin kita ng tiles?" tanong ni Paul, perobat ngaba hampas tiles?
"Baket hampas lupa ba kayo? Ediba ng yayaman nyo? edi hampas tiles?" ampupu WHAHAHAHA ang talino nya don ah.
Naglalakad kami ngayon palunta sa kanya kanya naming kwarto, syempre partner partner. Ito ang unang beses na katabi kong matutulog su Aviana HAHAHA kaso baka di ako makatulog sa kilig.
Inayos namin ni Aviana ang gamit namin sa cabinet na nandon, nagpahinga muna kami dahil pagod kami sa byahe at napag pasyahan na mamaya ng magkita kita muli. Nakaka relax ang island na to. Hindi masyado madami yung tao dahil pili lang ang nakakapunta dahil sa mahal. Ano kayang gagawin namin mamaya? tanungin kona kaya si Aviana kung pede na maging kami? ay joke lang ayoko pa, gusto ko pag tinanong ko sya yung bongga, yung tipong di sya makakatanggi sakin. Hmmm, maglaro kaya kami ng truth or dare? tapos kauspin ko sila Vince, dare nila si Aviana na i hug ako! WHAHAHAH ang talino ko talaga.
Tama Bryce ganan nga, makabawi ka mankang sa naudlot na halik na pag ibig.
Pagka gising namin ay nagbihis narin kami ni Aviana, hapon na rin kase at masarap na maligo, pero mas masarap ako HAHAHA hindi lang sa hapon, kundi araw araw.
Lumabas si Aviana galing bathroom, humarap sya sakin at nagsalita pero hindi kona naintindihan ang sinasabi nya dahil napako na ang paningin ko sa kagandahan nya, matangkad, maputi, cute medyo mahaba ang buhok na bumagay lalo sa hugis ng mala anghel nyang mukha. Naka suot sya ngayon ng two piece na color white na pa tube yung top. Lalong nakita ang hubog ng katawan nya dahil sa suot nya.
"Hoy Bryce! tinatanong kita!" hayop lutang ako sa kagandahan mo.
"Huh?"
"Bagay ba sakin?" tanong nya sakin at pinakita nya den yung dress na hawak nya na off shoulder beach dress na color white den.
"Hindi bagay" daretsong sagot ko.
"Talaga ba? di ba talaga bagay?" nalulungkot na sya.
"Dahil ako ang bagay sayo" WHAHAHAH paniz ka sa banat ko "bagay sayo HAHAHA ang ganda mo lalo, pero wag kang lalayo sakin baka mamaya may umagaw sayo, mababaliw talaga ko".
Binato nya sakin yung beach dress " eto naman! akala ko di talaga bagay sakin! kaines ka, ikaw nga di den bagay sayo yang suot mo eh!".
Luh?! diba bagay? naka suot ako ngayon ng white polo na syempre diko isasara para kita abs ko para lalong mahulog si Aviana WHAHAHA tapos naka beach short den ako para naman bumagay sa lugar.
"Anong di bagay? maganda naman ah! kita mo nga tong abs ko oh makaagaw pansin" kainis naman ang tagal kong pinag isipan to.
"Dahil ako den ang bagay sayo" hindi ako agad naka pagsalita sa sinabi no Aviana, tama ba ang narinig ko? nananaginip bako? teka malinaw pa naman ang pandinig ko ah.
Tinawanan nyako dahil natulala ako, bat naman kase nambibigla sya eh.
"Akala mo ikaw lang marunong bumanat no!" pang aasar nya "banatan kita dyan eh" at umamba pa na babanatan nga ako.
Pinitik ko sya sa ilong, puro nanaman kalokohan "mag bihis kana bilis, ligong ligo nako oh, ung abs ko kumakaway na sa dagat" pumasok na ulit sa bathroom si Aviana para magbihis na nung dress ewan ko kung bat pa sya pumasok eh dress nalang naman yun, siguro nahihiya sya sakin WHAHAHAHA bat kase ang pogi ko eh.
Pag labas namin ay agad naming nakita si Vince na naliligo na, pinili kase namin yung room na malapit lang sa dagat dahil tamad kami maglakad.
Kanya kanya deng porma ang mga unggoy oh, nagpapasikat den. Saming mag kakaibigan ay si Julian ay may pinaka magandang katawan, kaya madami ding nahuhumaling sa kumag na yan.
"Ay may bagong mabibingwit na pagkain! sagana sa pandesal!" ampupu, idadamay pa ata ako.
"Hoy bakla! anong pagkain! aken yan!" shet eto nanaman sya, bumabanat nanaman, nagwawala nanaman yung puso parang may sinasabing ganto.
Pa kiss ako
Pa kiss ako
Pa kiss ako
Pa kiss ako
Pa kiss ako
"Taray! kainin mo nga kung talaga!" ayos den tong si Kylie eh, sarap talaga maging tropa ang mga to.
Nagsigawan naman ang iba pa naming kasama, pulang pula na ang mukha ni Aviana hindi ko alam kung dahil ba nahihiya sya o kinikilig sya HAHAHAHA.
"Sari sari na kayo, tara na nga maligo!" sigaw ni Camilla.
Hinubad na ni Aviana yung dress nya at nakipag harutan na sa mga kaibigan nya, ako naman ay nanatiling naka upo sa buhangin at pinagmamasdan sya. Eto na talaga eh, sya na talaga yung gusto ko maka sama habang buhay, wala nakong ibang hihilingin pa.
Lakas den ng trip ng mga to eh, nagbabatuhan ng buhangin. Saktong pag bato ni Amber ay syang pag angat ni Paul kaya tumama yun sa ulo nya.
"Aray! ang sakit aray ko" daing ni Paul pero pakiramdam ko para paraan lang nanaman yan.
Agad syang nilapitan ni Amber at nagaalalang nag tanong "huy ayos kalang? sorry na ikaw kase eh bat ka kase humarang!" amputek kasalanan pa nga ni Paul HAHAHA mha babae talaga nako.
"Ah!" sigaw ni Paul ng pilit na tinatanggal ni Amber ang kamay nya para tignan ang mata na dinadaing nito.
Pinitik ni Amber ang noo ni Paul na syang ikinatawa namin, aso't pusa talaga "patingin kase para makita ko kung saan banda yung masa-" hindi na naituloy ni Amber ang sasabihin nya dahil.
"Ahken ka nalang" amputek sabi na eh! napaka corny talaga nito.
Naghiyawan kami dahil sa kalokohan nilang dalaw pero bagay sila, magkaaway nga lang lagi, ewan ko den bat ganon. Pero kung ako si Amber maiines talaga ko lalo na sa mukha ni Paul HAHAHA. Sinabunutan ni Amber si Paul at nilunod sa tubig, nagtawanan kami pati na den si Paul pag ahon nito.
Nakabusangot ang mukha ni Amber "napaka epal mong unggoy ka!"
Nandito na sa tabi ko si Aviana na tawa den ng tawa, "ewan koba sa dalawang yan lagi ng mag kaaway" sabi ni Aviana.
"Bagay naman sila pero ganan talaga si Paul, pang asar den"
Humilig si Aviana sa balikat ko kaya napangiti ako na nakita naman ng bakla.
"Ay ang fafi Bryce kinikilig!!" sigaw ni Brent.
"Oh baket inggit ka?" paniz ka sa Aviana ko.
Humarap sakin si Aviana at hinawakan ang pisngi ko "Bryce..." humarap ako sa kanya "i love you".
_______________________
thank you sa mga nagbabasa!🖤
BINABASA MO ANG
Huling Tatlong Salita
Romance"Antayin moko sa lugar kung saan sabay tayong nanonood kung pano magkasundo ang araw at ang buwan, babalik ako para muling magsilbing liwanag mo sa madilim na kalangitan" ...