Chapter 25

21 1 0
                                    

"HAAATTTTTTDDDOOOOOGGGGGGGGG" nagising ako sa ingay ni kuya.



Nahampas ni Bryce ng unan si kuya "agang aga ingay mo! hatdog? lakad mag prito ka, may hatdog naman sya sinisigaw pa!"



"Bat ba kase ang ingay mo?" ines na tanong ko kay kuya, panira ng tulog.



Tatawa tawa pa ang loko piste agang aga "mygad guys! late na kayo sa balita, ganon na ang bagong paraan ng pag hihikab".



" Bangungutin ka sana sa bawat pag tulog mo" muling pumikit si Bryce at yumakap sakin, antok pa ata.



Inabot ko ang cellphone ko sa side table sa tabi ni Bryce, jusmiyo marimar 6:00 AM palang, bat ang aga gumising ng kuya ko.



Tinawag ko si kuya "Pssst! Kuya!" abat ayaw ako lingunin! "kuyaaaaaaaa" epal naman nito "JEANNE!!!!" ay ang lande may pag lingon.



"Yes bunso?" pisteng yawa.



Sinimangutan ko sya "landi nito" tinawanan nya lang ako "bat ang aga mo magising?"



At sa wakas bumangon na sya sa kama ko at nag inat inat pa "pag luluto ko kayo pagkain, ayaw nyoba?" marunong sya mag luto?



"Sya layas mag luto kana, gutom nako, wag mo lalagyan ng lason ha!"



Lumabas sya ng kwarto, baka pupunta muna sa kwarto nya para maligo, lagi namang ganon yun. Matutulog na muna ako ulet sana ng biglang nag ring ang cellphone ni Bryce, number lang ang nakalagay kaya dikona sinagot. Kinilig ako bigla ng makita ko kung anong lock screen nya, yun yung picture namin nung nasa island kami, buhat nyako sa pic na yun at tawang tawa kami parehas.



Binaba ko ang cellphone ni Bryce at pumikit na, makakatulog na sana ko ng cellphone naman ni kuya ang nag ring.



"PATULUGIN NYO NAMAN AKOOOO" inis na sigaw ko.


Napabaligwas si Bryce ng sumigaw ako, nagulat ata, nagkusot kusot pa sya ng mata chaka kunot noong tinignan ako "baby naman bat ba nasigaw ka den, mag kuya nga kayo" nasira ko tulog nya huhu HAHAHAH. Unggoy ang potek.



Kinuha ko ang cellphone ni kuya na nakapatong lang sa kama 'Love❤' ay pagkalande naman ng kuya ko, love? seriously? sinagot ko ang tawag at pinapakalma ang sarili na hindi mag sungit "Hello po" magalang na sagot ko.



"Ay Avi ikaw pala hihi, si Kenji asaan?" ASA KALAWAKANNNN.



"Ah nasa kitchen po, nagluluto po si kuya" pinilit kong maging ok ang pagsagot, urghhhh antok na antok pako.


"Ah ganon ba? sigi pasabi nalang tumawag ako" alangan namang nag text ka.



"Sigi po, byee tulog napo ako ulit" yun lang at pinatay ko na ang tawag. Gusto ko naman si ate Jeanne para kay kuya, pero ayoko lang talaga yung nasisira ang tulog ko, urghhhh.



Humarap ako kay Bryce at hanggang ngayon nakakunot paden ang noo nya, dumapa ako sa kanya at pinisil pisil ang pisngi nya "bat ganan ang face mo?" tanong ko sa kanya pero di nyako sinagot, kunwaring nakungkot ako kaya niyakap nyako, marupok kang bata ka.



"Baby naman kase, una kuya mo sunod ikaw, pagod po ako huhuuu, gusto ko matulog tapos iingay nyo" hala pagod nga pala to.



Tumayo ako sa pagkakadapa sa kanya at naupo sa kama, hinila ko sya at inihiga sa hita ko "sleep na, sorry napo wag na nakakunot yang noo mo" nilaro laro kopa ang buhok nya hanggang sa makatulog sya.



Hindi ko namalayan na nakatulog na den ako, nagising nalang ako ng may tumatapik sakin.



"Bunso gising na 8:30 AM na" pag gising sakin ni kuya.



Kinusot kusot ko muna ang mata ko chaka tumingin kay kuya "nag breakfast na kayo?" tanong ko sa kanya.



"Hindi pa, kakagising lang din nila mommy at daddy, bumaba na kayo don" yun lang at lumabas na ulit sya ng kwarto ko.



Hindi ko alam kung pano ko gigisingin si Bryce, tinapik ko ng bahagya ang pisngi nya at buti nalang nag mulat na sya "gising na baby, mag breakfast na" bumangon sya sa pagkakahiga at saka tumingin sakin at ngumiti.



Akala ko tuluyan na syang tatayo ng bigla nanamang humiga at yumakao sakin "wait lang, 2 minutes" nagpalambing pa talaga ang loko.



Pagkatapos ng dalawang minuto ay tumayo na si Bryce at pumasok sa CR ng kwarto ko, maghihilamos ata. Ako naman ay nagsuklay ng buhok, at pag labas ni Bryce ay ako naman ang naghilamos. Sabay kaming bumaba at kami nalang ang inaantay.



"Good morning mommy!! morning daddy!" bati ko kay mommy at daddy at nag kiss sa kanila, ganon den ang ginawa ni Bryce pero syempre di sya nag kiss HAHAHHA.



"Kamusta naman tulog mo dito Bryce?" tanong ni daddy sa kanya.



"Ok naman po tito-"



"Sabi ko sayo daddy na itawag ko sakin" putol ni daddy sa sinasabi ni Bryce.



"Ok naman po daddy, kaso si Kenji napaka ingay!" sumbong ni Bryce.



Agad namang tumanggi ang magaling kong kuya "luh bat ako?!"



"Oh baket alangan namang ako?" tinaasan kopa ng kilay si kuya "sino ba dito nag sabing hatdog na ang bagong oag hihikab?"



Tinawanan ni daddy at mommy si kuya, nag simula na kaming kumain at nag kwentuhan syempre.



"Bunso ligo na!" jusmiyo 10:09 AM palang pinapaligo nako ni kuya.



"Bat ba eh ang aga pa?" inis na tanong ko.



"Baket diba kayo sasama?" balik nyang tanong sakin.



Napatingin sa kanya si Bryce "san ba punta?" tanong ni Bryce.



"EK" tipid nyang sagot.



Kunot noo ko syang tinignan "EK?"



Napakamot si kuya sa ulo "Enchanted King-" pinutol kona ang sinasabi ni kuya.



"Oo alam kong yun ang EK, bat ano meron? bat tayo pupunta don?"



"Ah baka mag a island hopping tayo don bunso" sarkastiko nyang sagot "aalis kase sila mommy at daddy may aayusin daw sa company kaya tara mag gala kesa nman mag tigil tayo dito sa bahay".



" Talaga?!" masaya kong sagot kay kuya at tumatalon talon pa.



Ginaya nya ang ginagawa ko tumalon talon den kaines "oo kang ulet ulet, maligo kana biles nakaligo nako, susunduin kona si Jeanne" tumingin sya kay Bryce "bro don ka maligo sa kwarto ko, sakalin kita talaga pag may ginawa ka sa kapatid ko".



Tinaasan lang ni Bryce ng middle finger si kuya dahil nag e ml. Ako naman ay aakyat na sa kwarto ko para maligo.



" Bryce ligo naaaa" pang gugulo ko sa kanya.



"Wait lang lods, ay pota lods, baby pala hehe wait lang" nabatukan ko sya bago ako umakyat.















__________________________

Sa patuloy na nag babasa, thank youuuuuu❤

Huling Tatlong Salita Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon